Jasmine Sandaling tahimik si Denmark at Jasmine ng oras na iyon walang gustong magtanong sa bawat isa, ngunit maya-maya rin ay hindi nakatiis si Jasmine siya ang unang bumasag ng katahimikan at pagkakataon na rin niyang usisain ang asawa kaya susunggaban na niya ngayon. Napatikhim siya upang mag-alis ng kaba na naramdaman ng oras a iyon. "Na-nakita kita ng puntahan ko ang ate sa hospital...Noong isang araw, uhm, may kasama kang sexy na babae," aniya nakataas ito ng kilay. "Who's sexy? Isa lang ang kilala kong sexy," pilyo sabi ni Denmark sa Misis niya. "Ang alam ko na sexy ay si doktora Chavez, lang ang Misis kong maganda," sagot nito sa kanya kaya inirapan niya ito. Mahirap ng kiligin pa siya aminado siyang marupok pagdating sa mga banat ng asawang si Denmark kahit na nga minsan ay m