Athena's POV HABANG hinihintay ko ang pagsundo ni Hermes sa akin. Hindi naman ako mapakali. Hindi ko alam at hindi rin naman sinabi ni Iris kung ano at bakit kailangan kong pumunta sa mansion. Siguro nagtataka na yung ibang estudyante na dumadaan sa aking harapan kung bakit hindi pa rin ako pumapasok sa loob. Ilang minuto rin akong nakatayo sa tabi ng gate ng university. Napatingala ako ng may sasakyang huminto sa hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Ilang segundo bago lumabas ang nagmamay-ari no'n. Kung hindi ako nagkakamali, si Hermes 'yong lumabas mula sa kotse na pumarada sa' di kalayuan. Mukhang nakita niya na ako dahil nakatanaw siya sa kinaroroonan ko bago kumaway ito. Laglag ang panga ko nang ngumiti ito sa 'di kalayuan. "Ang gwapo niya talaga." bulong ko sa kawalan. Laglag ang