Athena "Ayos lang ba huh, Iris?" nagpaikot-ikot ako sa malakinh salamin habang suot ko na ang pulang swimsuit. Kaagad naman na tumingin sa akin si Iris. Thumbs up ang kaniyang sinagot pero hindi pa rin ako mapakali. Ngayon pa lang nahihiya na ako baka kung anong sabihin ni kuya Hermes. "Tara na!" yaya ni Iris tsaka hinawakan ang kamay ko. "T-teka lang." pigil ko. Humingang malalim bago tuluyang pumayag na bumaba na kami. Pagbaba namin ay sinalubong na naman kami ng ingay. Mukhang mga lasing na rin yung iba. Palapit na kami sa pool ng bigla akong huminto habang si Iris naman ay ang laki ng pagtataka. "Bakit? Tara na! Ang sexy mo nga diyan sa suot mo tapos may hiya-hiya ka pang nalalaman. Tara na!" muli akong hinila ni Iris. Nagpaubaya na lang ako. Nang makarating sa pool, p