Athena's POV BUMALIK ang tingin ni Hades sa akin. Unti-unti akong tumayo para pulutin ang nakakalat kong dress na pinunit niya. Hindi natuloy ang pagyuko ko ng yumuko si Hades para pulutin ito. Ibinigay niya sa akin iyon. "Magbihis ka na," bilin niya ng maibigay sa akin ang dress ko. Bumait na naman ang hudas. Sinulyapan ko ang dress ko ngunit punit na sa harapan. Makikita na ang dibdib ko kapag sinuot ko pa. Napansin ko ang pagyuko muli ni Hades para pulutin ang suot niyang pambahay na white tshirt. "Ito na lang suotin mo." ibinigay niya sa akin ang tshirt niya. Muli ko siyang sinulyapan bago tuluyang suotin ang kaniyang white tshirt. "Magpapawala ako ng antok sa pool gusto mo ba sumama?" biglang itinanong niya sa akin. Umiling-iling ako. "Ikaw na lang, inaantok na ako." napapagod na