Athena's POV WALA akong nagawa kun 'di sumama pabalik sa bahay ni hudas. Kinuha niya na nga mga gamit kong iilan na pinakuha ni tita sa bahay ni hudas para doon muna ako pero itong si hudas, ayaw akong tatanan. Gusto niyang kasama ako sa kaniyang pag-uwi. If I know, gusto niya lang akong isama para pahirapan. Ganun siya kasama. Hindi niya naman ako sinama sa bahay niya para maging asawa kun 'di maging tagapaglinis pa ng bahay niyang nakakalula sa laki. Ang laki - laki pero walang ni isang maid. Pagdating sa bahay niya ay dumiretso na ako sa aking kwarto, ang maid' s quarter dala ang aking maliit na bag na pinagsidlan ng kaunti kong mga gamit na dinala sa mansion. Mabuti na lang pinagpahinga ako ni Hades sa gabing ito at kinaumagahan, wala na siya nang umalis ako para pumasok na sa