MR. DICKSON 2

2103 Words
Athena One month later... "Tinay! Tinay!" Natigilan ako sa pagtutupi ng mga damit dahil sa lakas ng bunganga ni Tiyang. Tinatawag niya na naman ako. Ano na naman kaya ang iuutos niya sa 'kin? Galit na galit sila sa akin dahil ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng akingmga magulang at kapatid. Wala raw ako sa pangyayari noong magkaroon ng sunog kaya iniisip nilang malas raw ako. Nagmamadali akong lumapit dito. Isang buwan na ako dito sa kanilang bahay. Kinupkop niya nga ako pero parang ginawa naman nila akong katulong. Halos ayaw pa nila akong pakainin. Tumigil na rin ako sa pag-aaral dahil hindi ko na kaya pang mag-aral. Hindi ko kayang tustusan ang pag-aaral ko. "Ano na naman bang ginagawa mo sa kwarto ha? Natutulog ka na naman ba? Huwag kang magpaka-senyorita dito! Pinapakain kita! Kinupkop kita kaya magtrabaho ka! Lahat ng trabaho dito sa bahay gawin mo!" galit na galit na sermon sa akin ni Tiyang habang nakayuko ako. Hindi ko alam kung kapatid nga ba talaga siya ni tatay? Bakit ganito niya ako kung tratuhin? Parang hindi niya ako pamangkin? "Ano pang tinutunganga mo diyan! Mag-ayos ka na! Maglaba ka! Ako ay aalis na! Kapag ako'y nakauwi na makalat at wala kang ginagawa dito sa bahay palalayasin kita!" sigaw nito sa aking pagmumukha. Napapikit ako. Masama ang pakiramdam ko pero pinipilit kong tumayo at magtrabaho dahil kung hindi palalayasin nila ako, kapag nagkataon wala akong ibang mapupuntahan, baka magpalaboy-laboy na ako sa kalsada at mamalimos. "ATHENA! Nakikinig ka ba?" singhal sa akin ni tiyang. Napakurap ako. Nawala lang ako sandali sa aking sarili. "O-opo, tiyang! Gagawin ko po lahat ng inutos niyo sa akin." sinalansan ko ang mga nakakalat na maduming damit. Naglaba lang ako kahapon at maglalaba na naman ngayon. Halos wala na nga akong lakas dahil sa pagod. Hindi na rin ako nakakatulog dahil kahit gabi panay ang utos sa akin ni tiyang. Maging ang mga pinsan kong lalaki. Inuutusan pa akong magtimpla ng juice sa gabi kapag nandito ang kanilang mga girlfriend. "Mabuti naman nagkakaintindihan tayo. Oh! Siya! Aalis na ako!" tuluyan ng umalis si tiyang. Naiwan ako at ang mga pinsan ko Nasa kaniya-kaniya pa nilang mga kwarto ang mga ito kasama ang girlfriend ng mga ito. Habang isinasalang ko ang labahin sa washing bigla na lang umikot ang paningin ko. Sapo ang noo na umupo ako dahil sa pag-ikot ng aking paningin. "Oh! Tinay! Ito pa! Labahan mo! Bakit nakaupo ka diyan! Maglaba ka!" kahit nahihilo ay nagawa ko pa rin saluhin ang inihagis nitong damit. Amoy zonrox pa sumuot sa aking ilong ang amoy. Nitong mga nakaraang araw napapansin kong ang lakas ng pang-amoy ko. Nawawalan rin akong gana kumain. Kaya kahit na kaunting kanin na nga lang ang ibinibigay sa akin ni Tiyang ay hindi ko pa magawang ubusin. Pagkatapos kong maglaba, naglinis naman ako ng bahay. Kahit gusto ko ng magpahinga ay hindi ko magawa dahil hindi pa tapos ang trabaho ko. Kapag dumating si tiyang na makalat at hindi ko tapos ang gawain dito sa bahay ay baka palayasin na niya ako ng tuluyan. Sinapo kong muli ang aking noo. Nanghihina na ako, pakiramdam ko bibigay ang katawan ko. Napatakbo ako sa banyo nang may kakaiba akong naramdaman. Bumaliktad ang sikmura ko dahil sa naamoy kong sebuyas. Nagluluto pala ang girlfriend ng pinsan ko. Sa banyo doon ako nagsuka ng nagsuka. Hawak ko ang aking sikmura na lumabas ng banyo. Hindi ko akalaing nasa pintuan pala si Kuya Rome, ang pinsan ko. Ang sama ng tingin niya sa akin. "Anong arte 'yan, Tinay? Bakit ka nagsusuka?" tanong nito sa akin "H-hindi ko po alam, K-kuya Rome." yumuko ako dahil sa pagtitig niya sa akin. Nabigla ako ng hablutin niya ako at mariing hinawakan ang aking baba. Pinatingala niya ako sa kaniya. "K-kuya, Rome...n-nasasaktan po ako..." mas lalong dumiin ang kuko nito sa baba ko. Napapikit ako at nagsimulang pumatak ang mga luha ko. "Sabihin mo nga sa akin Tinay? Buntis ka ba? Naglandi ka ba? Seventeen years old ka pa lang kaya 'wag mo sabihin buntis ka?" sigaw nito sa aking pagmumukha. "K-kuya Rome...nasasaktan po ako." nakapikit na sabi ko. Habang tumutulo ang mga luha ko. Paano nga kung buntis ako? Paano? Anong mangyayari sa akin? Sa magiging anak ko? Madadamay siya sa nangyayari sa akin ngayon? Ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang mga pang-aapi na nararanasan ko ngayon. Mas lalo akong napaiyak. Hindi pa rin niya ako binibitawan. "Hindi ka nakasagot? Buntis ka nga!" muli ay sigaw ni Kuya Rome sa aking pagmumukha. "Rome..." bigla naman siyang inawat ng kaniyang girlfriend. Nakahinga ako ng maluwag dahil binitawan niya na ang aking mukha. Himas ko ang aking panga dahil ang sakit ng pagbaon nito ng kuko. "Rome? Ano ka ba? Bakit mo sinasaktan si Athena? Bata lang 'yan. My god! She's just seventeen years old! Paano mabubuntis si Athena? Wala naman yata siyang boyfriend!" Hinarap ako ng girlfriend ni kuya Rome. "Athena? Sabihin mo ang totoo? Hindi ka naman buntis hindi ba? Ang bata mo pa para mabuntis." pag-aalala nito sa akin. Mabuti pa ang girlfriend ni Kuya Rome nag-aalala sa akin. Pero yung tunay kong kamag-anak sinasaktan ako. Mas lalo akong napaiyak sa kanilang harapan. "Athena...ssshh. H'wag kang umiyak." Niyakap niya ako. "Mamaya ibibili kita ng pregnancy test para makasigurado tayo at hindi ka na pag-iisipan pa ng kuya Rome mo ha." Tumango-tango ako habang ouno na ng luha ang pisngi ko. "Maraming salamat po." Niyakap niya lang akong muli. "Babae ka, babae rin ako. Naiintindihan kita. Lalo pa at nasasaktan ka ngayon dahil isang buwan pa lang ang nakalipas ng nawala ang pamilya mo. I-I'm sorry, Athena kung nabanggit ko pa." "Huwag mong konsintihin ang batang 'yan! Kapag napatunayan na buntis 'yan. Maghanda ka na dahil ipapalaglag mo 'yang bata." sabi ni Kuya Rome. Nanlaki ang mga mata ko. Paano nila nasasabi 'yon? Kahit ganito lang ako hindi ko magagawang ipalaglag ang bata kapag napatunayang buntis nga ako. Sa oras din na iyon ay umalis sila para ibili ako ng pregnancy test. Sobra ang kaba ko dahil pakiramdam kong buntis ako. Isang beses lang naman ang nangyari noong bachelor party ni Kuya Hermes. Anong gagawin ko? Ano na ang magyayari sa akin? Hapon na ng makauwi sila kuya Rome. Kasama na rin nila si Tiyang. Mas lalo akong kinabahan. Dahil malayo pa lang kita ko na ang galit sa mukha ni tiyang. "Tinay!" galit na galit na tawag nito sa akin. "T-Tiyang..." lumapit ako rito. "Ano itong sinabi ng kuya Rome mo? Buntis ka?" Napayingin ako kay kuya Rome. Nagbabakasakaling ipagtanggol ako pero nabigo ako. Maging sa girlfriend ni Kuya Rome. Nakatungo lang ito habang pinapagalitan ako ni tiyang. "H-hindi pa ho sigurado tiyang." nanginginig ang boses ko. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Tiyang. "Hindi sigurado? So sinasabi mong naglandi ka nga? Hindi ka siguradong buntis ka! Ibig sabihin habang naghihirap ang mga magulang mo nagpapakasaya ka naman? Isang buwan pa lang Tinay! Isang buwan pa lang ang nakalipas!" napapikit ako dahil guilty na guilty ako sa sinabi ni Tiyang sa akin. Totoong nagpaoakasaya ako sa araw na iyon. Pero kung alam ko lang na mangyari yun sana umuwi nalang ako at nasama sa sunog. Dahil araw-araw naman akong kinukuyog ng konsensya ko. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay Mama at Papa. Ang dami kong pagkukulang sa kanila. Hinawakan ni tiyang ang kamay ko. Ibinigay niya sa akin ang isang maliit na bagay na kulay puti. "Patakan mo ng urine mo!" sabi niya. Tinitigan ko ang bagay na hawak ko. "A-ano po ito?" "Pregnancy test gaga!" Nakayukong tinahak ko ang banyo. Pinatakan ko ng kaunting urine at hinintay ang result sa loob. Ang sabi doon kapag dalawang guhit daw ay buntis. Kapag isa lang ay hindi. After ng ilang minuto. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa nakikita kong result. Dalawang guhit ang tumambad sa akin. B-buntis ako? "Tinay! Ano na!" sigaw ni tiyang mula sa labas. Nanginginig akong binuksan ang pintuan ng banyo. Nanginginig na ibinigay iyon kay tiyang. Nang makit anito ang dalawang guhit ay nanlaki ang mga mata nito. Galit na galit itong hinarap ako. Nabigla ako nang sampalin niya ako ng napakalakas. Tumabingi ang aking mukha. "Walang hiya ka talagang bata ka! Malandi ka! Habang pinag-aaral ka ng kapatid ko naglalandi ka naman! Sayang lang ang paghihirap ng kapatid ko para lang makapag-aral ka! Malandi kang bata ka!" Halos kalbuhin ni tyang ang buhok ko sa klase ng pagsabunot niya sa akin. Hinila niya ako palabas gamit ang buhok ko. "T-tiyang. . . tama na po! Tama na...nasasaktan po ako!" pagmamakaawa ko sa kaniya pero mas lalo lang humigpit ang pagsabunot nito sa aking buhok. Pabalang niya akong binitawan kaya't napaupo ako sa sahig. Mabuti na lang nakatukod ang mga kamay ko hindi masyadong bumagsak ang balakang ko sa sahig. "Lumayas ka dito! Hanapin mo ang lalaking nakabuntis sa 'yo! Tingnan ko lang kung mabubuhay ka ng lalaking nakabuntis sa 'yo! Tingnan ko lang kung mapapakain ka niya ng masarap!" sigaw ni tiyang sa labas ng bahay. Lahat ng kapitbahay ay naglabasan sa kanilang mga kaniya-kaniyang bahay at nanuod sa eksena namin na ito. "Tiyang, wala po akong ibang mapuntahan. Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo akong palayasin." pagmamakaawa ko. Kung kailangan kong lumuhod gagawin ko. "Umalis ka sa pamamahay ko! Malas ka sa buhay! Layas!" sigaw ni tiyang Hindi ko akalaing magagawa sa akin 'to ng sarili kong kadugo. Hindi ba dapat sila yung tutulong sa 'yo? Bakit sila pa yung humihila sa 'yo pababa hanggang sa bumagsak ka at maupos. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanila. Mabigat ang katawan na tumalikod ako sa kanila. Hilam sa luha ang aking mga pisngi. Paano na ako ngayon? Saan ako pupunta? Naka-ilang hakbang ako nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, girlfriend ni kuya Rome. Tumatakbong lumapit sa akin. "Tinay, heto pera pambili mo ng pagkain. Pasensya ka na maliit lang 'yan. At ito naman ang cellphone. Kapag kailangan mo gamitin mo." sabi nipa sa akin. Napangiti ako kahit papaano. Nag-aala siya sa akin. Mabuti pa siya. "Maraming salamat, ate." kaagad ko siyang niyakap. Tinapik niya ang likod ko. "Tahan na. Oh sige, na baka makita pa ako ng kuya Rome mo. Magagalit sa akin yun kapag nakita niyang hinabol kita." Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan ko ang aking luha. "Maraming salamat ate. Buti pa kayo inaalala ako. Maraming salamat po dito sa cellphone at pera." habang nagpapasalamat ako tumutulog naman ang luha ko. Ngumiti ito "Mag-iingat ka, Tinay ah. Sana maging maayos yung pinagbubuntis mo at sana maging maayos kayo ng ama ng dinadala mo. Mag-iingat ka Tinay." nag-wave na ito sa akin. Tuluyan na itong tumalikod. Tuloy ang pagpatak ng luha ko habang tinatanaw ang bahay nila tiyang papalayo. Naisipan kong magpa-load para tawagan si Iris. Kaagad naman nito sinagot ang tawag ko. "Oh, Athena. Bakit napatawag ka?" maingay sa kinaroroonan ni Iris. "Iris, alam mo ba kung sino -sino ang mga naroon sa bachelor party ng kuya mo?" "Hindi eh! Bakit?" "K-kasi buntis ako..." nang sabihin ko iyon natahimik sa kabilang linya. "T-teka chappy ka Athena. Nandito kasi ako sa kasal ni Kuya. Pasensya na ah! Chappy! Hindi ko marinig." pinatay nito ang tawag ko. Huminga ako ng malalim. Maging si Iris napapansin kong iniiwasan niya ako. Tumigil ako sa isang karinderya. Nag-aalinlangan akong kumain baka kulangin ang pera ko. Isang libo ang binigay sa akin ng gf ni Kuya Rome. Hindi ko pwedeng gastusin ito baka may iba pa akong mahalagang mapaggagamitan nito. Napaupo na lamang ako habang pinapanuod ang mga kumakain sa karinderya. Kumakalam ang sikmura ko. Napaiyak na naman ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito. "Baby, kahit anong mangyari ipaglalaban kita." hinimas ko ang aking tiyan. Kasabay ng pagtunog naman ng tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako. Napadpad ang paningin ko sa maliit na screen ng tv na nakadikit sa dingding ng karinderya. "Congratulations, Mr. Dickson. Isang panibagong business na naman ang nabuksan niyo sa taon na ito." sabi ng reporter na nasa TV. Napako ang paningin ko sa lalaking nasa TV. Familiar ang kaniyang mukha. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang maalala at makilala ito. Siya ang lalaking naka-one night stand ko noong bachelor party. Hindi ako maaaring magkamali dahil tinitigan ko pa ito bago ako tuluyang umalis. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. "Baby, nakita ko na ang ama mo." bulong ko sa aking tiyan na maliit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD