Third person's POV PAGKATAPOS nang sinabi ni Lyka kay Athena ay napagpasyahan na lamang ni Athena na huwag ng patulan pa si Lyka. Pero may galit sa puso niya na nangibabaw para kay Hades dahil sa sinabi nito sa kaniya. Iniwan niya si Lyka tsaka na nakangiti, bumalik siya sa sala. Nadatnan niya si Hades at ang senyora na magkausap. Wala na ang iba pa na mga bisita ng senyora kaya tuloy-tuloy siyang lumapit sa dalawa. "Ena..." napatayo si Senyora Carmela sa pagtawag nito sa kaniya. "Ena, i'm so sorry..." kaagad na lumapit sa kaniya ang senyora at yumakap . "Mabuti naman at pumunta ka pa rin dito kahit —" pinutol niya kaagad ang sasabihin ng senyora sa kaniya. "Huwag niyo na po banggitin, Mama. Naiintindihan ko naman po kayo." sagot niya. Muli siyang niyakap ng senyora. "I didn't make a