Unti-unting iminulat ni Athena ang kaniyang mga mata. Tumambad sa kaniya ang kisame. Ibinaba niya ang kaniyang paningin at tumambad sa kaniya ang lampshade, mini table at malaking picture ni Iris. "Thanks god, you're awake. Dadalhin na sana kita sa hospital kung hindi ka pa nagising. " kaagad niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Kilala niya ang boses na iyon. Boses iyon ni Hermes. Naalala niya bigla ang nangyari. Naglakad siya sa malakas na ulan habang kumukulog at kidlat dahil pinalabas siya ni Hades sa kotse nito. Bigla na lang tumulo ang kaniyang luha ng maalala ang nangyari. Kaagad niya iyon pinunasan ng makitang palapit na si Hermes sa kinaroroonan niya. "Tinay," sambit nito. Malumanay at ramdam ang pag-aalala sa boses nito. "K-Kuya, Hermes... p-pasensya na po kayo kung n