CHAPTER 1

1401 Words
AIRA "Good morning, hija," nakangiting bati sa akin ni Sister Anna. Siya ang araw-araw na inspirasyon ko para bumangon at lumaban sa hamon ng buhay. Ang pag-aaruga at masayang mga ngiti niya ang nagbibigay sa akin ng lakas para 'wag sumuko sa hamon ng buhay kahit mag-isa ako at may kapansanan pa kasama ang mga taong ngayon ko lang nakilala. "Kumusta ang tulog mo?" tanong niya dahil sinumpong na naman ako ng labis na sakit ng ulo kagabi kaya nakatulog akong walang laman ang sikmura. "Masakit pa rin po ang ulo ko sister," mahinang sagot ko sabay sapo ng mga kamay sa sintido ko. "Huwag mo munang pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat. May awa ang diyos, darating ang araw at kusa mong maalala ang lahat. Tibayan mo lang ang loob mo," sabi nito na inaya akong bumangon na. Kahit nahihirapan ay pinilit kong makaupo sa wheelchair na nasa gilid ng maliit na kamang higaan ko. Mahigit apat na buwan na ng magising ako dito sa kumbento pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa nakaraan ko. "Salamat sister," nakangiting sabi ko ng nakaupo na ako ng maayos. Sa tulong ng foundation ay sinagot nila ang hospital bills ko. Hindi ko alam kung sino ang nag-donate ng malaking halaga para sa gamutan ko bagay na ipinagpapasalamat ko dahil kahit hindi niya ako kilala ay tinulungan ako nito. "Mamaya, darating si doktora para matingnan ka pati na rin ang mga paa mo," sabi nito habang mahinang tinutulak ang wheelchair na sinasakyan ko. "Maraming salamat po, sister. Utang ko po sa inyong lahat dito sa orphanage ang buhay ko," mula sa puso na pasasalamat ko. "Naku, panay ang pasalamat mo, hindi ka namin pwedeng pabayaan lalo at alam naming nangangailangan ka at wala kang ibang pwedeng silungan kung 'di dito sa orphanage." Kahit kailan, hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanilang lahat dito dahil alam ko na kung hindi dahil sa malasakit nila ay wala na ako sa mundong ito. Ayon kay Sister Anna, pauwi umano sila galing sa isang outreach ng bigla na lang nakita nila akong duguan sa gilid ng kalsada at walang malay. Ang hinala nila ay na hit and run ako base na rin sa kondisyon ng katawan mo nang matagpuan nila ako. Sila na rin ang nagdala sa akin sa ospital pero dahil wala silang nakuhang kahit anong pagkakakilanlan sa akin ay nagpasya ang orphanage na kupkupin muna ako matapos lumabas sa ospital na walang maalala at halos hindi maigalaw ang buong katawan. I had a serious brain injury, which resulted in memory loss dahil na rin sa nangyari sa akin. Hanggang ngayon, walang maliwanag na resulta ang paghahanap namin sa katauhan ko dahil wala namang nag-hahanap na kapamilya ko ang lumutang kahit pa nagtanong-tanong na kami sa lugar kung saan malapit sa liblib na bahagi ng Rizal. I wonder kung bakit nila ako doon natagpuan samantalang wala naman palang nakakakilala sa akin sa lugar na iyon. Impossible raw kasing isa ako sa mga sangkot sa murder case dahil walang kahit anong malalim na sugat at injury akong natamo maliban sa sugat sa ulo ko at ang marahil masamang pagbagsak ng katawan ko kaya na paralyzed ang kalahati ng katawan ko. Kahit malungkot ang mag-isa habang wala akong kahit na anong maalala ay nagawa kong pa rin lumaban sa hamon ng buhay. Malaking tulong ang mga kasama ko dito sa orphanage na may iba't ibang karamdaman at kasama kong nakikibaka para mabuhay ng normal sa araw-araw na ginawa mg diyos. "Kumain ka ng marami para may lakas ka mamaya kapag nagsimula na ang treatment mo," nakangiting sabi ni Sister Anna na siyang personal na tumitingin sa akin. Isa siyang nurse pero pinili niya ang maglingkod sa diyos. Saludo ako sa tatag ng pananampalataya niya dahil ginagawa niya ang lahat para gumawa ng mabuti habang naglilingkod sa panginoon. Tulad ng dati,simula na ulit ng therapy treatment ko sa kaibigang doctor ni Sister Anna. Isa rin siya sa main sponsor ng orphanage kaya nagagawa niyang mang gamot ng libre sa mga taong may sakit at nangangailangan gaya ko. "Sige, humawak ka ng mahigpit d'yan sa magkabilang handle saka dahan-dahan mong ihakbang ang mga paa mo. Sinunod ko ang mga sinasabi ng doctor na kasama ko ngayon h. Determinado akong makalakad na muli kaya kahit mahirap ay sinusubukan ko. "Very good, Aira," nakangiting puri sa akin ni Doctor Sandoval kaya lalo lamang akong na inspired. "Matagal ang therapy at gamutan ng case mo pero dahil full of determination ka, nakakakita na ako ng konting improvement sa kondisyon mo." Masaya ako sa narinig ko, kahit masakit at mahirap ay pinilit ko talagang gawin ito para sa sarili ko. Kapag kasi nakapag-lakad na ako ay malaki ang tsansa na mahanap ko mismo ang mga kapamilya ko. I wonder kung nasaan ang mga kapamilya namin at bakit kahit isa sa kanila ay walang naghahanap man lamang sa akin? Marami na akong napagtanungan sa paligid pero dahil maselan ang kondisyon ko ay hindi ko na inulit at sinunod ang payo ng lahat sa akin na magpahinga at magpagaling muna ako. Ayaw kong maging pabigat sa kanila dahil sobra-sobra na ang hirap at sakripisyo ng mga taong may mabuting loob na nag-aalaga sa akin dito sa orphanage kaya sinusunod ko ang bawat sinabi nila tungkol sa akin "Salamat po doc, malaking tulong po sa akin ang bawat treatment at exercise na ginagawa po natin," nakangiting sagot ko. Hopeful ako na makakalakad ulit ako at balang araw ay iiwan ko na sa sulok ang wheelchair na ilang buwan ko ng ginagamit. Gusto ko ulit makapag-lakad at mabuhay ng normal gaya ng dati. Sa na isip ay natigilan ako. Gusto kong maalala kung ano ba ang nakaraan ko pero blangko pa rin ang laman ng utak ko. Nalulungkot ako kapag ganitong nagiging emosyonal ako at nag-iisip kung nasaan nga ba ang pamilya ko at bakit wala akong nagisnan kahit isa man lamang sa kanila sa tabi ko. "Hija, 'wag mong masyadong pilitin ang sarili mo. Minsan gumagaling ang mga naging pasyente ko kapag totally nag-heal na ang sugat hindi lang physically but also mentally," malumanay na payo sa akin ng doctor na kaharap ko. Siguro tama siya, baka kaya hanggang ngayon ay walang kahit katiting na bahagi ng pagkatao ko ang bumalik sa alaala ko dahil labis na nag-iisip ako at hindi ko hinahayaan na kusang mag-heal ang na damage na memory ko. "Maraming salamat po sa gabay at tulong mo lagi dok," taos pusong pasasalamat ko. Nakangiti siyang tumango at nag-paalam sa akin na babalik sa sabado para bisitahin ulit ako at tingnan kung may pagbabago ba sa mga binti ko. May isang staff ng ampunan ang tumulong sa akin na itulak ang wheelchair ko papunta sa harap ng garden para panoorin ang mga batang naglalaro ngayon dito. Pinagmamasdan ko ang mga batang masayang naghahabulan at naglalaro sa sa malawak na hardin. Nakakatuwa sila dahil kahit wala silang pamilya ay hindi nila nararamdaman ang kakulangan at mag-isa dito sa maliit na orphanage dahil nagmamahalqny ang lahat dito. May pagkakataon na ayaw ko ng umalis at dito na lang sa orphanage manatili pero hindi pwede. Pakiramdam ko kasi ay ligtas ako dito. Sa lugar na ito nagmamahalan ang lahat kahit hindi kami totoong mag-kapamilya at magkakilala pero hindi ko kayang iwasan ang kagustuhan na hanapin at balikan ang pamilya ko. Impossible na wala akong kamag-anak maliban na lang kung ulila na ako at walang kahit na sinong kapamilya ang natitira kaya walang naghahanap sa akin. Kailangan kong mag-pursiging makalakad na muli. Ito ang kailangan ko para ma-ituloy ko ang binabalak kong paghahanap sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyari at rason kung bakit walang kahit na sino ang naghahanap sa akin ay ako mismo ang maghahanap sa kanila hanggang sa matagpuan ko ang pamilyang gusto kong balikan. Baka sakaling kapag ginawa ko ito ay bumalik na ang alaala ko at makilala ko na ng tuluyan kung sino ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa kaya hanggat buhay ako ay aasa ako na balang araw, matatagpuan ko rin ang pamilya ko at malalaman ko rin kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa akin at bakit umabot ako sa ganitong kondisyon pero pinabayaan nila akong mag-isa. Sana mahanap ko sila at sana, may pamilya pa akong babalikan kapag dumating ang oras at pagkakataon na naalala ko na sila at tuluyang bumalik ang nawawalang memorya ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD