Chapter 2

1274 Words
Maagang nagsimula ang araw ko. Nasa gallery ako ngayon para ayusin ‘yong mga obra ko na naka-feature sa isang kilalang event. It is actually a cause wherein half of its proceeds will be donated to a chosen charity. Ilang oras na rin kami ng team ko na nag bababa ng mga naglalakihang frames sa truck.  Maya-maya pa, lumapit sa akin ang isa sa pinakaaktibong tao’ko sa team, si Ryzza. “Ms. Nukk, saan niyo po gustong ilagay ‘yong set of paintings ng team?” “Tingnan muna natin kung fit ba siya sa right wing. Thank you,” sambit ko. Ganoon na nga ang ginawa ng dalaga. Hinayaan ko sila na gawin ang trabaho nila habang ako naman, naiwang busy sa cellphone. Sinusubukan kong tawagan ang matalik kong kaibigan, si Lavinia. Minekaniko ko agad ang cellphone ko para makausap ang kaibigan. Tatlong beses nag ring iyon bago tuluyang sumagot ang nasa kabilang linya. Agad kong binati ang kaibigan ko. “Huy, akala ko ba maaga kang pupunta?” nag aalalang tinig ko. Mabilis naman na sumagot sa kabilang linya si Lavinia. Aniya, “Pupunta ako sis relax ka lang. At saka para namang hindi matutuloy yan kung late akong darating no?” Kahit nasa kabilang linya, parang alam ko na ang itsura ng pagkakasabi ng kaibigan ko. Sa sandaling ito, maaaring skeptical ang itsurang nakapaskil sa mukha niya. Knowing Lavinia, siya ‘yong tipo ng tao na walang ganong bilib sa sarili. That seems to be out of the blue but that’s how I really wanna describe her. Akala niya hindi siya importante sa kahit anong sitwasyon kaya naman laging late tuwing iniimbitahan sa kahit anong okasyon. Lagi niyang sinasabi na magpapatuloy ang buhay kahit wala siya and I find it annoying sometimes. “You better be here before 11 am. Talagang hindi magsisimula lahat kasi ikaw magde-decide kung saan ipupwesto ang mga painting. Hurry up!” wika ko habang sinisilip ang relo ko. Alas-diyes pa lang naman ng umaga pero sinadya kong bigyan ng pressure si Lavinia. I know that my team is a bunch of talented people but I trust my best friend’s taste when it comes to this matter. Hindi kasi nagkakalayo ang taste namin kaya bawat gawing utos ni Lavinia sa mga tao ko, pinagkakatiwalaan ko. Being friends for more than ten years, both of us already knew each other’s guts. “Copy that, Ms. Nukk Eridio. May sasabihin pala ako pagkarating ko. See you later, sis,” huling sabi ni Lavinia bago tuluyang putulin ang tawag. Iniligay ko naman agad sa loob ng bulsa ko ang cellphone matapos. Sakto naman nagtawag si Ryzza mula sa entrance ng gallery. Mukhang urgent dahil sa seryosong itsura nito. Nagmadali ako sa pagpasok sa loob para i-check kung may problema. Inabutan ko roon ang team ko na nagpupulong-pulong. Magtatanong na sana ako ngunit laking gulat ko nang yayain nila akong kumain. “Akala ko naman may nasira ng painting or ano. Sige na enjoy yourself, guys,” nag-aalala ngunit matawa-tawang sabi ko. Nagsitawanan din naman ang mga kasama ko. Kaya naman pala nagtitipon-tipon sila, may pagkain naman pala sa gitna. All this time I thought they are busy preparing yet here they are enjoying a bit. Wala naman problema sa akin iyon. “Hindi pa po kasi nag aalmusal ‘yong iba Ms. Nukk. Excited masyado sa event ngayon at napaaga nang kaunti rito sa avenue,” ani Russell na isa rin sa mga pinagkakatiwalaan ko sa team. Isa-isa kong tiningnan ang mga kasamahan ko at kita naman sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya sa araw na ito. They all waited for this day. Iyong araw na masasabi nila na sawakas, lahat ng pagsisikap nila ay mape-pay off. As most people says, walang pera sa arts. Na mas malaki pa ang ini-invest mo kaysa sa return of income na inaasahan nila. If being paid off ten folds back is the only way to measure success, then it shouldn’t be called success. Clearly, that’s business. I still believe that you should pursue who ever who your heart wants you to be. Sobrang proud ako sa mga taong ito. Sigurado ako na kung dumating man ‘yong time na maaabot nila ang kaparehong posisyon na meron ako, magiging proud sila dahil sila mismo ang nagpursigi para sa pangarap nila. Unlike what I did though, I stole someone’s spotlight and I am never proud of what I did right back then.  “Alam ko na excited talaga kayo because finally, you’ll see all of your paintings being featured in this gallery. I’ve seen all of your efforts. You all deserve to be here,” sinserado kong sabi. Sandaling natahimik ang lugar matapos ang sinabi kong iyon. Kasunod naman noon ang mahihinang palakpakan mula sa mga kasama ko. Those claps weren’t for me. I know they’re giving these claps to themselves and I appreciate that. If there’s one thing that I am proud of is that I managed to build an organization like this. I used my position to gather more aspiring artists. Ginamit ko ang talento at koneksyon ko para makatulong sa mga maliliit at nagsisimula pa lang. Masaya akong makita na dine-dedicate nila ang malaking oras nila hindi lang para palaguin ang org kundi pati na rin pagyamanin ang sari-sariling mga talento nila.  “For now, let us enjoy habang wala pa si Lavinia para tulungan tayo,” huling hirit ko. Noon din ay nagsalo-salo sila ng muli sa pagkain. This is a healthy environment for my co-workers and as much as possible, this is the kind of workplace I want to implore to them. Naniniwala ako na mas effective mag trabaho ng walang masyadong pressure. Not unless it’s Lavinia. Of course, she’s my bestfriend. I know it’s just a part of friendship where you nag them but they won’t even get upset with you because you are their friend. But at some point, it still depends because there are people who really need a great push in order for them to become a better person. If I need to pressure someone from my team in order for them to grow, I will consider that too. If I need to break them to see their breakthrough, I’ll do that. For now, I’m giving them all my trust because that’s what a great leader can do to her followers. I wouldn’t be able to gain their trust if I don’t trust them first.  “Wow naman. Bestfriend ko ba talaga ‘yon?” Halos malaglag ang puso ko sa gulat nang biglang marinig ang boses ni Lavinia. Tumatawa pa ito bago ako niyakap nang mahigpit. Ibinalik ko naman ang yakap sa kanya.  “Sira! Bakit bigla ka na lang sumusulpot! Kanina ka pa?” tanong ko at mas lumapad naman ang ngiti niya.  “Sakto lang. Enough for me to hear our head org’s appreciation speech,” ani muli ni Lavinia. It is now my turn to smile from ear to ear. Muli itong nagsalita, “Look at you now? Dati sunod-sunuran ka lang. Ngayon ikaw naman ‘yong sinusundan. To be fair, a good kind of leadership.” Hindi ko maiwasang mag isip ng ibang kahulugan sa sinabi niya. Hindi ko na nakuhang magtanong tungkol dito dahil wala yatang balak si Lavinia na bigyan ako ng pagkakataong magsalita. Hinatak niya ako palabas ng gallery at saka iginiya malapit sa likod ng truck. Wala akong ideya sa binabalak niya ngunit ina-assume ko na may importanteng bagay siyang sasabihin tulad ng napag usapan kanina sa telepono. “I met Kyle last night. Binantaan niya ko tungkol sa career mo. Anong gagawin natin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD