CHAPTER 1
KHAMALA’s POV:
“Khamala… Khamala…” Napatakip ako ng aking bibig. Ayokong gumawa ng ingay o hikbi dahil sigurado ako sasaktan na naman nila ako.
“Khamala, kapag hindi ka pa lalabas sa pinagtataguan mo matatamaan ka sa akin!” Banta ni uncle Salvador. Siya ang amain ko.
“Khamala kapag ako nagbilang at hindi ka lumabas diyan makikita mo!” Ramdam ko ang takot sa aking buong katawan.
“U-uncle…” nauutal kong tawag, kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko.
“Nandiyan ka lang pala!” Sabay hila sa buhok ko palabas ng tukador na pinagkukublihan ko.
“Uncle please po, masakit. Parang awa niyo na po.” Parang matanggal ang anit ko sa pagkakahila niya sa aking buhok. Nanlalabo ang mga mata ko dahil walang tigil ang pag agos ng luha aking mga mata.
“Masakit ha? Masakit? Kung hindi ka ba naman tampalasang bata ka! Pabigat ka nga dito sa bahay wala ka pang silbing hinayupak ka!” Marahas niya akong binitawan, napasadsad ang mukha ko sa semento. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nalasahan ko na rin ang dugo sa gilid ng labi ko pumutok iyon.
“P-please uncle tama na po, hindi ko na po uulitin.” Garalgal ang boses ko.
“Talagang hindi na mauulit putang ina ka.! Halika rito!” Kinaladkad niya ulit ako palabas ng bahay at ikukulong sa kamalig. Na walang takip. Diyos ko please tulungan niyo po ako. Parang awa niyo na, ilayo niyo po ako dito. Please! Piping dasal ko. Kahit hindi naman ako pinapakinggan ng Diyos kahit ilang beses na akong magdasal.
Pagewang-gewang akong ako sa paglalakad, dahil tila wala na akong lakas tumayo at maglakad. Pahila akong dinala ni Uncle Salvador sa kamalig na lagi niyang pinagkukulungan sa akin.
“U-uncle, uncle parang awa niyo na ayoko po diyan. Please po. Pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Please, uncle.” Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya pero tila bingi siya sa pakiusap ko sa tindi ng galit niya. Pero hindi ko naman kasalanan iyon. Kasalanan ng mga anak niya. Sila ang kumuha ng pera niya. Hindi ako. Itinuro lang nila ako isinilid sa aking damitan.
Ilang beses ko nang itinanggi na hindi ako kumuha pero parang wala siyang narinig. “Diyan ka! Para magtanda, magnanakaw ka!” Isang malakas na sampal pa ang ibinigay niya sa akin. Halos lumuwa ang mga mata niya sa tindi ng galit nito.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak sa kapalaran ko. Siyam na taong gulang lang ako pero ito ang dinanas ko.
“Wala kang pagkain, ni tubig hindi kita bibigyan! Mamatay ka sa matinding sikat ng araw para tumanda ka! Naiintindihan mo, ha? Naintindihan mo ba Khamala?” Tango na lang ang naisagot ko. Naninikip ang dibdib ko hindi ako makahinga... Sumiksik ako sa sulok ng kamalig kung saan may kakaunting lilim pa. Masakit sa balat ang sinag ng araw. Pinunasan ko ang aking mukha. Nanuyo na ang dugo sa gilid ng labi ko. Marami akong pasa sa braso, kamay, hita at sa aking mga binti. Halos wala nang pagsidlan ang mga pasang iyon. Mariin akong pumikit. Naalala ko na naman si Nanay. Ilang linggo pa lang siyang pumanaw dahil sa sakit. Wala akong kakilalang kamag-anak. Ang saklap naman ng kapalaran ko.
“1, 2, 3, 4, 5…” hanggang umabot na sa isang daan ang bilang ko. Pero wala pa rin nangyari. Sabi ni Nanay kapag pumikit ako ng mariin at magbibilang hanggang isang daan, ay may darating na wish. Pero ilang beses ko nang ginawa iyon pero walang nangyari.
“Khamala….” Mapang-asar na tawag ni Piper sa akin. Ang anak ni uncle Salvador sa una niyang asawa. Hindi na ako sumagot. Hindi rin ako nagmulat ng aking mga mata.
“Hoy Khamala, okay ka lang ba diyan? Buhay ka pa? Kailan ka kaya mawawala sa landas namin ni Emerald?” Parang surang-sura niyang tanong sa akin. Itinikom ko na lang lalo ang aking bibig. Para hindi makasagot pero ang hapdi ng labi ko.
“Napipi kana ba sa pananakit ni Tatay sayo?” Sinabayan niya pa iyon ng malutong na halakhak. Pero hindi pa rin ako sumagot.
“Khamala, kawawang bata, mag-isa na…. Iniwan ng nanay niyang pokpok!” Halos magpagting ang tenga ko sa sinabi niya.
“Hindi pokpok ang nanay ko! Disente siya! Disente!” Malakas kong sigaw. Na halos maputol na ang ugat ko sa leeg.
“Disente? Talaga ba? Bakit hindi mo tanungin si Emerald? Pokpok ang nanay mo sa club siya nagtatrabaho! Inagaw niya ang Papa namin! Pinatay pa niya si Mama! Pokpok na nga kriminal pa ang nanay mo! Buti nga namatay na siya kasi salot siya sa lipunan!” Bweltang panlalait ni Piper sa nanay ko.
Kahit wala akong lakas, pilit akong tumayo at lumapit sa gawi nila. “Bawiin mo yang sinabi mo. Hindi ‘yan totoo. Disente ang nanay ko, Piper! Disente!” Pero halos pabulong na lang ang huling salitang iyon na lumabas sa bibig ko dahil sobrang nanghihina ako. Sa matinding sikat ng araw, at wala pa akong kain.
“Sige Khalama, ganyan nga, h’wag kana huminga para mawala kana! Sumama kana sa nanay mong salot sa mundo! Tutal naman wala ka ring silbi sa buhay namin pabigat ka lang!” Dugtong ni Emerald!
Ilang beses kong sinubukang ibuka ang bibig ko para magsalita pa pero pati iyon naubusan ng lakas. Napasandal na lang ako. Nanlalabo na ang paningin ko. Kinakapos na ako sa paghinga.
Malakas na palakpak ang naririnig ko. Hindi ko na maimulat ang mga mata ko. “Yes, patay na si Khamala! Patay! Apir kakambal ko! Wala na ang pangalawang salot sa mundo!” Pang aasara ni Emerald.
Napakilos ako ng bumuhos sa buong katawan ko ang timba na puno ng yelo. “Hindi pa tapos ang paghihirap mo, Khamala kaya hindi ka pa pwedeng mawala!” Galit na galit na sigaw ni Uncle Salvador. Hinila niya ulit ang buhok ko. Pero hindi na ako nanlaban. Hinayaan ko na lang siyang kaladkarin ulit ako papasok ng bahay. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan.
Marahas niya akong binitawan, napangiwi ako sa sakit ng tumama ang likod sa pader malapit sa gilid ng hagdan. Sinakmal ni Uncle ang baba ko. Parang malaglag ang panga ko sa sobrang sakit. Halos hindi ko na siya maaninag sa sobrang singkit na ng mga mata ko.
“Subukan mo pa ulit mangupit ng pera sa akin! Papatayin na kita! Naiintindihan mo!?”
“O-opo uncle,” halos hindi na sumayad ang salitang iyon sa lalamunan ko sa kawalan ng lakas. Hanggang sa tuluyang nagdilim ang aking paningin…