NAIA Airport, Tue 9:00am ------Levi Moldovan's POV----- Pinili ko si Danna kaya ako naririto ngayon sa airport. Tama naman kasi si Eris, walang rason para magdalawang isip ko kasi si Danna naman ang girlfriend ko. Kung na-broken hearted siya sa ibang lalake, I can come and comfort her pero kung ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan hindi naman yata nararapat na ako yung mag-comfort sa kanya dahil pano siya makakapag-move on kapag ganun? Sa gagawin kong paglayo ay binibigyan ko siya ng pagkakataong makahanap ng ibang taong mag-aalok ng balikat nila para kanyang iyakan. Kung si Ulysses man iyon o si Jayden, wala na ako doon... ito na ang limitasyon ko bilang kanyang kaibigan.Hanggang dito na lang ang maibibigay kong tulong sa kaniya. I'll just make sure na pagdating ko sa Ameri