------Kelvin Imperial's POV----- Nasa hapag na kaming lahat maliban kay Eris kaya pinatawag ko siya sa kaniyang kuwarto. Tila masama na naman kasi ang timpla ng aking ama na si Zheng Imperial matapos niyang mapag-alaman na pinapakancel na ng mga Moldovan ang kasal nina Eris at Levi na naka-set na sana sa araw mismo ng debut ng anak ko. Ilang sandali pa ay bumalik yung maid na inutusan ko at nagsisigaw siya. "Si Miss Eris po wala na!" Napatayo ako sa upuan ko. "Anong wala na?" "Naglayas po siya sir, iniwan niya po ito oh." Inabot sa akin nung maid ang isang note. Dear daddy at mommy, Aalis na po ako, malayong-malayo po ang pupuntahan ko at baka hindi na po ako makabalik pa kailanman sa inyo. Pero gusto ko pong malaman ninyo na hindi po ako nagisisi na kayo ang naging parents ko.