-----Eris Imperial's POV----- Matapos ang pagwawala ni Danna sa Imperial Palace ay pinayagan ako ni lolo na lumipat muna sa Sky Hotel ng ilang araw kaya agad kong tinawagan si Levi. > "Levi, wag ka munang pupunta sa Imperial Palace ha..." pagbibigay alam ko sa fiancé ko. "Bakit naman?" "Hindi na ako doon nakatira, lumipat ako pansamantala sa Sky Hotel." Habang nag-uusap kami ni Levi ay panay naman ang pagpasok ko ng ilang gamit ko sa likuran ng aking kotse. "Anong ginagawa mo diyan? Alam ba yan ng lolo Zheng mo ha Eris?" nag-aalala niyang tanong. "Oo, may nagwawala- may aso kasing nakawala doon sa Imperial Palace kaya pumayag si lolo na dito muna ako sa Sky Hotel habang hindi pa nahuhuli yung aso." Pagsisinungaling ko sa kaniya. "Ganun ba? What's your room number?" "1502, pe