-----Phoebe Imperial's POV----- Lumabas na ang gangster na si Levi Moldovan sa kotse bitbit ang boa and arrow niya at wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin ang papalayo niyang likuran. Pumuwesto siya sa isang lugar malapit sa lilim ng puno kung saan kami dapat magtatagpo ng pinsan kong si Eris. Kumubli siya sa pader ng isang building at pinaghandaan ang pagdating ng pinsan ko. Nakagapos pa rin ako kaya nagsumikap akong paluwagin ang tali ko sa kamay upang maabot ang hand bag ko. Ng magtagumpay ako ay agad kong tinawagan ang numero ni Clifford at sinabi sa kaniya ang mga dapat niyang gawin upang mailigtas ang buhay ng pinsan ko. ------Eris Imperial's POV------ Sa wakas ay narating ko na rin ang nag-iisang puno sa gitna ng Madison Square at umupo ako sa may lilim nun. Panay ang