------Eris Imperial's POV------ 3 days na mula ng naglayas ang aking mga pinsan. Isang umaga ay sinorpresa ako ng dalaw ni Levi sa aking kwarto. "Pano ka nakapasok dito?" nagulat kong tanong. "Dumaan sa pinto siyempre!" pamimilosopo niya. "I mean bakit pinapasok ka ni lolo, hindi mo ba alam na grounded ako ngayon?" "Alam ko na noh, sinabi na sa akin ng papa ko na naglayas daw kayong mga Imperial Ladies pagkatapos nung araw ng kasal ni ate Ira mo at ang lakas talaga ng loob niyo ha na magnakaw ng pera sa mga magulang niyo" natatawa siya habang nagsasalita. "Para namang mamumulubi sila kapag kumuha kami ng isang bag ng pera?" katwiran ko sa kaniya. Tumango-tango siya "Oo nga naman... hahaha... pero bakit ka nga pala nila iniwan? Siguro sinadya kang iwanan ng mga pinsan mo kasi tat