Magmula nang mangyari ang bagay na nabuking siya ng mga pinsan ay hindi na siya muling bumalik sa mansyon. Nag stay siya sa ospital at pag weekend ay naroon siya sa inuupahan niyang apartment. “Tangna! Hindi ka ba kikilos? Talagang hahayaan mong mapunta kay Mcryne ang babaeng mahal mo?” “Lasing lang ako non kaya kung ano anong nasabi ko. Nagpapaniwala naman agad kayo sa salita ng isang lasing huh!” “Gusto mong batukan kita ng dalawang beses at baka sakaling umayos ang utak mo? Puro ka deny ay obvious ka na sa mga kilos mo! Hindi ka na yata humarap sa salamin kaya hindi mo nakikita ang itsura mo.” “Ano ba ang pinunta mo rito at may gagawin ako kaya sabihin mo na!” Mamayang gabi ay lilipad kami patungo ng Indonesia pagkatapos ay tuloy ng Europe, ano sasama ka ba?” “Hindi, isa pa bakit