Few days later… Hindi nakapasok si Dra. Pauline, dahil sa pamamaga ng kaniyang braso. Nilalagnat din siya kaya naman nanatili siya sa higaan. Ilang beses na tumutunog ang doorbell ngunit hindi niya gustong bumangon. “Bessy! Nariyan ka ba? Buksan mo ang pinto!” Naulinigan niya ang boses babae dahil naka bukas ang pintuan ng kaniyang kwarto. Kaya napilitang bumangon kahit nahihilo siya ay nangunyapit na lang siya sa wall. “Bessy! Ako ito si Sunshine!” “N-nariyan na,” namamalat ang boses niya na sumagot. Ngunit wala na siyang narinig pa kaya huminto siya at baka umalis na rin ang kaibigan. Babalik na sana siya sa higaan ng makarinig ng pag pintot ng door lock code kaya huminto na lang siya at hinitay ang taong papasok. “Bessy! Oh my God! Anong nangyari sayo?” “Ahm, m-medyo masama lang