Miyuki Gray: Chapter 3

1100 Words
MIYUKI "Miyu? Dito ba talaga?" Napakamot na lang ako ng ulo sa paulit-ulit na tanong ni Dette. "Oo nga, Dette. Wag kang maingay, please." Hinatak ko siya at sumingit sa pila. Aangal pa sana iyong babae pero pinangdilatan ko ng mata. Paano naman kasi ang bagal kumilos ni Dette. Nagpaganda pa para kay Gabo. Naku! "Diba bawal singit?" Bulong nito sa akin. "Kasalanan mo kaya late tayo nakarating. Pabayaan mo sila. Ngayon lang natin gagawin 'to." Suway ko rito. Nang makapasok kami sa venue, daming pinagawa sa amin. May pinasulat na form then binalik din naman namin. May stab na kami. "Ang laki pala ng venue? Ang dami naman..." Sabay libot niya ng tingin. First time nga niya sumama. "Ganito rin ba ginagawa mo, Miyu?" Tumango ako rito. "Sayang dapat sumali ka para nakita rin kitang nakasuot ng ganyan, oh?" Turo niya sa babaeng may pakpak na fairy. "Hindi ako nagsusuot ng ganyan, Dette. Ang mga ginagaya ko ay mga character sa online games." Hinawakan ko ang kanyang braso at dinala siya malapit sa stage. "Dito tayo, para makita mo ng husto si Gabo." Bigla na naman siya namula. Napairap na lang ako rito. "Ano ba costume nila?" Kanina pa siya nagtatanong sa akin pero 'di ko sinasagot. "Tignan mo na lang mamaya kapag nag-umpisa na." Pinaupo ko siya. Ang daming nanood ha? Malapit lang naman kasi ang venue. "Uy, Miyu, picturan mo ko sa kanya. Si Cardcaptor Sakura, oh?" Hinala niya ako at tinawag iyong babaeng naka-costume. "Hi, p'wede pa-picture?" She smiled tumango iyong babae. Pinahawak niya sa akin ang cellphone niya, "picturan mo kami!" Ano pa nga ba? Pinicturan ko silang dalawa. Daming demand ni Dette. "Thank you!" Tumingin siya sa akin, "ang ganda niya, diba? Thank you, Miyu!" Bumalik kami sa aming upuan pero may nakaupo na. Aba! Sinong antipatiko ang umupo sa upuan namin? Di ba niya nakita iyong bag ko? "Miyu? May nakaupo na..." Hinila ko pa rin siya at kinalabit iyong lalaki. "M-miyu..." Tngina! Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip? Langya! Kinalabit ako ni Dette, "diba siya si Doc Jayden?" Mahinang sabi niya sa akin. Sapat na marinig ko. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "U-upuan namin niyan..." Nauutal na sabi ko sa kanya. He smiled. Fck! He smiled! Kukunin mo na ba ako Lord? Wag muna! "I'm sorry... Akala ko kasali ka?" I blinked twice. Tama ba rinig ko? Siniko ako ni Dette, "tinatanong ka." "Ah-eh, sabi niyo doctor, need pa one week para makabalik ako sa Cosplay para hindi mabugbog iyong ankle ko." Sabi ko rito pero na-hipnotismo ako ng kanyang mata. Kulay tsokolate ang kanyang mata. "Yes. Susunod ka naman pala sa akin. Akala ko hindi mo susundin. Why are your here?" He asked. "Susuportahan mga kaibigan ko, doc." Tumango ito. Tinignan niya ang aking bagpack. "This is yours?" I nod. "Yes, and that's our seat also." He smiled. "Walang tao kanina, eh. If you want, you can seat to my lap?" Tngina! Biglang namula ang aking pisngi. Hinahampas na ako ni Dette sa likod ko. "Ha?" Ayon na lang ang lumabas sa aking bibig. "I'm just joking, Miyu. But if you want to? I'm deal with it." Inayos ko ang aking buhok at inipit sa aking tenga. Ang landi ni doctor Jayden. Tngina! Tumayo siya at may kinuhang upuan sa kabilang row. "Dito na lang ako baka nahihiya ka." Isa pa doc, isa pa. Uupo talaga ako sa lap mo. Sige ka! Umupo na kami ni Dette pero kinikilig pa rin ako. Ito na ba yon? Ba't ang bilis naman? Huhuhu. Lord, ito na ba iyon? Ito na ba iyong sign? Papatusin ko na 'to. Sa mga kaibigan ko, Si Dette lang may alam na crush ko si Doc Jayden. Siya lang. Natapos ang cosplay events na may nakuhang award ang mga kaibigan ko. I'm proud of them. Isa kaya ako sa tumulong sa kanilang tatlo. Lumapit ito sa amin. Sino iyong lalaki? "Hi, Miyu! This is Lester, oh. My boyfriend." What? A-akala ko ba inii-stalk pa lang? "Hah?" Napanganga ako sa sinabi niya. Tinignan ko si Marga at kumibit-balikat lang ito sa akin. Ngumiti na lang ako roon sa Lester, "Hello, nice to meet you." Nilibot ko ang tingin sa venue, wala na si Doc Jayden. Nasa'n na kaya iyon? "Hinahanap mo, ano?" Tinakpan ko ang kanyang bibig. "Daldal mo. Manahimik ka nga." Tinulak ko ito papunta kay Gabo buti na lang nahawakan siya ni Gabo. Kinikilig na naman niyan pustahan. Kumain na muna kami and treat nila. Nanalo. Pati iyong Lester, nagpa-blowout dahil sila na nga ng kaibigan kong marupok. Naglalakad ako sa eskinita namin ng may maaninag akong tao sa tapat ng bahay ko. Sino iyon? May magnanakaw ba? Ano naman nanakawin niya sa bahay ko? Tumakbo ako at hahampasin na sana siya ng dala-dala kong bag, nang makita ko ito ng buo. S-si Doc... "D-doc Jayden..." Lumingon ito at nakita niya ang bag kong pahampas na sana sa kanya. "Hahampasin mo ba ako ng bag mo?" Binaba ko ang aking bagpack at tinago sa aking likod. "Akala ko po kasi magnanakaw. A-ano po ginagawa niyo rito, doc?" I asked. "Dinadalaw ka, Miyu? Sorry nauna na akong umuwi ha?" T-teka? Dinadalaw? Totoo ba 'to? O, nananaginip akong gising? "M-may sakit po ba kayo, doc? Ako po dadalawin niyo? Nu'ng isang linggo lang po tayo nagkakilala..." Sabi ko rito. Ngumiti sa akin nang malapad, "pinakilala ka sa akin ng kapatid ko. Matagal na. You know, I'm single." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin hanggang maramdaman ko ang kanyang hininga na tumatama sa aking labi. "I like you, Miyu..." He kissed me. Tngina! Hinalikan niya ako and twice na! "This is your house?" Napapikit ako at tumango. "Nagtitiis ka rito? Really? Isang hangin lang 'to, tumba na. Sama ka sa akin?" Lumaki ang aking mata sa sinabi niya, "doc, ang bilis mo naman po. Ibabahay niyo agad ako." Sabay tawa ko. "Mabilis na ba iyon? Ang bagal ko nga kumilos. Naunahan na ko ng mga kaibigan ko. Sa penthouse kita ititira malapit sa university na pinapasukan mo iyon, Miyu." Nakaka-attempt pero, "hindi na po, Doc. Okay lang naman po ako rito. Salamat po." He shrugged, "okay. But call me if you need a help." Binigyan niya ako ng calling card. "Don't worry about my parents. They're know about you, Miyu." He waved at me and sumakay sa kanyang kotse. Tinignan ko ang daan na tinahak niya. Totoo ba 'to? Totoo ba ito? Tngina! Ang saya ko! Tumalon-talon ako at impit na sumigaw dahil sa kilig. Kilala ako ng parents niya. Hala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD