YRENEA
"Girl? Why ba need natin mag-hiking? You know..." Sabay kimi ni Dona.
"We're bestfriends, right? So, kung nasa'n ako nandoon din kayo. I'll promise it will be fun, girls." I said to them.
We're here in registration area. Waiting kami sa aming tour guide.
"Yre? This is Mt. Pulag, right?" I nod kay Aica.
"Dona, magiging masaya nga 'to. Look... Mga ulap pala ang makikita natin. This will be fun!" Sabay hiyaw niya.
"Oh gosh! Pictorial!" Hiyaw rin ng isa.
Tignan mo, aayaw-ayaw kanina tapos naging excited ng makita iyong view.
"Yre? Where na ba tour guide natin? Ang tagal naman!" Inip nitong si Dona.
I don't know din kung nasa'n na iyong tour guide namin. Pa-importante masyado. Iyong ibang nakasabay namin umalis na at nakapag-hiking na. Kami? Nandito pa rin.
"Don't know, Dona. Sabi ng kausap ko, darating na raw. Pa-importante. Urgh!" Sabay palumbaba ko.
"Ehem! I'm sorry, girls. This is Yrenea team?"
"Oh my gee!"
"Siya ba tour guide natin?" Sabay kalabit sa akin ni Dona.
Napatulala ako ng ituro ni Dona iyong lalaki sa harapan ko.
"You are Yrenea, right?" Tumango na lang ako sa kanya.
"I'm Isidro, girls. Ako ang tour guide niyo rito sa Mt. Pulag. Come on? Let's start the hiking?" Agad kaming napatango sa kanya.
Sabi sa akin ng nakausap ko, thirty five years old na raw ang aming magiging tour guide. Seryoso ba siya roon sa sinabi niya?
Parang kasing edad lang namin siya. Sa pangangatawan niya. Sa itsura niya lalo. Seriously? Baka jinojoke lang niya age niya ha?
Siniko ako ni Dona, "Yre, ang gwapo ng tour guide natin. If I don't have a boyfriend, lalandiin ko na iyan." Then, she smirked.
Sa aming tatlo, ako lang ang walang boyfriend. Kaka-break up lang namin. He's a cheater after all.
Sumabay rin sa amin si Aica sa paglalakad, "girl, ang hot and yummy niya. Lalo kaming ginanahan mag-hiking, Yre. Ganito ba lahat ng tour guide rito? Always na akong magha-hiking."
Oh gosh! Bakit ganito ang mga kaibigan ko.
"May problema ba, girls?" Umiling agad kami sa kanya.
"W-wala... Hehe." Sabi ko na lang at sumabay na kami sa paglalakad niya.
After four hours of hiking, nakarating na kami agad sa tuktok ng Mt. Pulag. Sobrang ganda ng scenery. Worth it talaga ang hiking kapag ganito ang bubungad sayo.
We're taking pictures for souvenir na naka-akyat na kami rito. This is worth it.
Napaupo ako rito at tinanaw ang cloud of sea ng Mt. Pulag. Halos lahat ng nandito sa Mt. Pulag, bukas na baba para makita namin ang sunset.
"Girls, tapos na ang tent niyo." Sabay turo nito sa Pink na tent namin.
"Thank you, Isidro." Sabi ko na lang sa kanya.
Naiilang talaga ako sa kanya. Sina Dona at Aica kasi pero tama nga sila... Ano ka ba naman, Yre, huwag mong pansinin iyong dalawang iyon. Ginugulo nila ang utak ko sa tamang daan.
Nang mag-gabihan, gumawa si Isidro ng fire camp namin. Kanya-kanya kasing fire camp dito. Buti na lang magaling ang tour guide namin. Kasi kung kaming tatlo, mukhang wala kaming camp fire ngayon, malamig pa naman ngayon.
Kumain na kami ng dala naming food, binigyan din namin siya. Baka gusto niya lang. Saka tinulungan naman niya kaming magbuhat ng gamit namin kanina.
Lumalim ang gabi, iyong dalawa tulog na tulog na pero ako hindi makatulog. Naalala ko na naman iyong cheater kong ex. Magsisinungaling pa sa akin? Really? Sa akin? I have evidence after ng panloloko ang pambabae niya. He's an ass literal.
Dahil 'di pa ako inaantok, lumabas ako ng tent namin at umupo sa tapat. Nakakatakot kasi kapag lumayo pa ako. Isang camp fire na lang ang nakasindi rito.
Ninamnam ko ang lamig ng hangin dito. Sobrang sariwa. Kaya gustong gusto ko ang pagha-hiking. Nawawala ang stress ko. Nakakatanggal stress.
"Gising ka pa?"
I'm shocked ng may magsalita sa tabi ko, akala ko elemento na.
"Sorry kung nagulat at natakot kita. Hindi ka ba makatulog?" Umupo ito sa harap ko.
Nakakailang talaga. Pero, umayos ka, Yre. Mahiya ka naman. Tour guide niyo iyan.
"Uhm... Medyo hehe. Akala ko kasi... Alam mo na?" Naiilang na sabi ko.
"Ah. Sa two years kong tour guide wala pa naman akong nakikita or nararamdaman man lang."
"T-two years ka ng tour guide? A-akala ko more than... You know." I asked.
Hindi ko aakalaing two years palang siya. Kasi kanina, habang naglalakad siya, for me he's an expert tour guide. Kada may dinadaanan kaming flowers or anything may sinasabi siya tungkol doon.
"Yes. Mukha bang bago lang ako?" Agad akong umiling.
"Hindi ha? Mukha ka ngang expert tour guide for me. Kaya nagulat akong two years ka palang..."
He's smile at me, "thank you for compliment... Kaya lang naman ako nag-tour guide para makalimot..."
"Sorry sa pagtatanong, bakit?"
"Two years na ang nakakaraan, na-aksidente ako. Sa congressional road... Marami ang namatay roon, isa na iyong girlfriend ko..."
"Sorry for your loss..." Mahina kong sabi sa kanya.
"... It's okay. Matagal naman na iyon. Naghanap ako kung paano makalimot, ito ang nahanap ko. Ang maging tour guide rito. Isa kasi ito sa mga naakyat namin noon. Isa ito sa favorite place namin... Kaya nandito ako. Nag-apply ako bilang tour guide... Ikaw? Bakit nagha-hiking ka?"
Ako? Ano nga ba?
"Siguro same lang din sayo... Para makalimot din. We're almost three years pero he cheated. Pinagpalit ako sa two days na kalandian niya. How funny it is, right? Ito iyong pinayo sa akin ng cousin ko. Na mag-hiking..." Nangalumbaba ako habang binabalot kami ng kadiliman.
"Lahat ng nandito, may dahilan ang pag-akyat nila. Iyong iba para matanggal ang kanilang stress, iyong iba para maka-move on. Iyong iba naman to have fun..."
Akala ko wala na siyang sasabihin, "pero, in the end, we need to exhale sa negativity na bumabalot sa ating lahat and to inhale the positivity..." Tumingin ito sa akin, "you're so beautiful, Ms. Yrenea. Sana magkita ulit tayo. Good night..."
Na siyang nagpabilis ng t***k ng puso ko.