MANILLA
"Miss? Kunin ko na 'to. Thank you!" Ani ko sa sales lady.
Nandito ako sa mall to buy a new bag and notebook for our work tomorrow. Sa company kami nila Hillary magwowork. We're squad goals.
Lumabas ako sa Gucci store to search some fine dinning restaurant in this mall. I'm so exhausted. Nalaman ko lang namang nandito na iyong Devon sa Pilipinas. Bakit pa siya umuwi? Nakakainis!
Papasok na sana ako sa isang restaurant ng mahagip ko ang isang babaeng ayokong makita. It's Devon. Best friend of Harold pero hindi ako naniniwala. Best friend her ass.
Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Mukhang may kikitain ang isang ito ha? Nandito lang ako sa may gilid at umupo sa Coco milktea shop na katabi ng restaurant na papasukan ko dapat.
Sino Kaya hinihintay nito? Oh my gee! Really? Totoo ba tong nakikita ko? It's Harold. My Harold!
Nakita ko silang nagbesohan sa harap ko. Really? Saan sila pupunta? Nakita ko na lamang na lumabas sila sa parking lot na malapit lang din dito. Oh my gee! No way!
Susundan ko na sana sila pero nagugutom na ko. Pabayaan mo muna sila, Manilla. Basta ikaw, maganda ka. Mas maganda ka kay Devon.
Pagkauwi ko sa bahay, agad kong tinawagan si Hillary. Dapat malaman nuya 'to.
"You know what, Hillary? Nakita ko iyong Devon na iyon!" I hissed to her.
Hindi ako papayag na iyong Devon ang magiging girlfriend niya. Ako dapat ang first girlfriend ni Harold. Ako lang.
Boto sa akin ang pamilya, maski sila Tita ay boto sa akin. Lalo na itong bestfriend kong si Hillary.
"Really? It means nandito na talaga iyang si Devon?"
Tumango ako rito kahit hindi niya makikita.
"Yeps! Nandito na nga. And look, mukhang nagpaayos na naman ng mukha. Namamaga pa iyong pisngi. Eww..."
"Hahaha. Certified retokada naman iyon, Manilla. Ano pa ba bago? Anyway, nandito na si Kuya. Pinapaalalahanan akong may work na tomorrow."
"Wala ba siyang binanggit sa akin? Pagod ba siya? Pagod ba ang baby ko?"
"Yuck! Baby? Ewan ko sayo, Manilla. Got go to! Agahan niyo raw tomorrow! Bye! Good night!"
Bago niya mababa, "Please, tell your kuya, I love him!"
##
"And, this... This is the department kung sa'n kayo naka-assign, ladies. The CEO is my bestfriend. Unfortunately, wala pa yata siya. So, mamaya ko na lang kayo ipapakilala. So far, pumunta na kayo sa mga table niyo at magtrabaho na." Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagpapaliwanag ito habang nililibot kami sa company nila.
We have shared also in this company. My Dad is also investor and also Dad of Stephen.
"Girls, please, be good, okay? Maiiwan ko na kayo." Tumango kami sa kanya at iniwan na kami nito sa department namin.
"Hindi ba p'wedeng sa kanya na lang ako magwork? As assistant? Hindi ba p'wede iyon?" Ani ko sa kanila.
"No," sabay taas ng hintuturo ni Hillary sa akin at winagayway, "we're bestfriends, okay? Kung sa'n kami, doon ka rin, Manilla. Kaya no!"
Napasimangot na lang ako rito. Ang daya naman.
Binigyan kami ng supervisor namin ng gagawin mo at tinuruan kami kung paano ito gagawin. Mga documents about bills sa Company ang hawak namin.
"You know what? Sobrang laki ng bills ng kuryente ng company? More than half a million, really?" Sabi ko sa mga ito at pinakita sa kanila ang bill na hawak ko.
"Good for one month iyan, Manilla. Siguro kaya ganyan kalaki." Nagkibit-balikat ako kay Stephen.
Malaki pa rin iyon, ha? Ilang floor ba ang company na ito? And, ilang watts na umiikot kada isang minuto?
Nang sumapit ang lunch break, agad kaming pumunta sa canteen.
Habang kumakain kami nakita namin si Harold with Devon. Ano ba itong babaeng 'to? Bakit nandito iyan? Hindi naman dito nagwowork ang isang iyan.
"Hillary and Stephen, look, buti nagpapapasok sila ng animal dito? Akala ko ba no pets allowed?" Mahinang sabi ko kina Stephen and Hillary na siyang kinatawa nilang dalawa.
"Gaga ka, Manilla. Marinig ka nila." Suway sa akin ni Stephen.
"What? I'm telling the truth. Nakalagay kaya sa company bago makapasok na NO PET ALLOWED INSIDE. Eh? Paano nakapasok niyan?" Nangingitngit na ang aking ngipin dahil sa kaniya.
"Exempted siya, Manilla. Siya ang animal na nakakapagsalita." Lalo kaming tumawa ni Hillary ng sabihin ni Stephen.
Tignan mo kung makapagsuway sa akin, mas masahol pa iyong sinabi niya.
Umayos kami ng upo ng makitang papalapit sila rito. Huwag kang magpapahalata na gusto mo ng patayin niyang si Devon, Manilla. Just chill, okay?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor ng ngumiti ng napakalawak ang Devon na ito. Akala mo maganda. Retokada.
"Hi, guys? Dito na kayo nagwowork?" Maarteng sabi nito habang nakahawak sa braso ni Harold. Sulitin mo na iyan, girl, dahil masasampal na kita.
Ngumiti kami sa kanya, "Yes, cause we're not young anymore." Ani ko rito at kumain na.
"Really? Okay, that's nice atleast nakakatulong na kayo sa parents niyo." Napantig ang mga tenga namin dahil sa sinabi niya.
"What do you said? Atleast makakatulong na kami sa parents namin? Kahit gumastos kami na gamit ang money nila, wala kang pake atleast ginagamit namin ito for our school stuff and our personal use. Unlike you, Devon, diba ang ginagamit mo iyon sa pagpaparetoke mo? Opps!" Sabay takip ng bibig ni Hillary. That's it, Hillary.
Bigla itong tumingin sa paligid namin at agad na tumakbo papaalis sa canteen. Buti nga sa kanya. Akala niya ha?
"Girls, ba't niyo naman ginawa niyon?"
"Nauna siya kuya, ano? Magpapa-api kami sa kanya? No way!" Sabi ni Hillary at umiling pa ito sa kuya niya.
Umiling na lang ito sa amin at umalis, mukhang susundan niya si Devon. Maarteng Devon.
"Tignan mo iyon babaeng iyon? Siya nauna, iiyak-iyak naman pala." Sabay ikot ko ng aking mga mata.
Palibhasa totoo kasi. Retokada ang babaeng iyon.