Stella Ramirez: Chapter 8

1234 Words
STELLA "What? Nasabi mo iyon, Tresayah? Ano ka ba naman? Paano kung hanapin ako nu'n at kunin ang anak ko? Never kong ibibigay sa kanya iyon!" Napakagat ako ng aking labi dahil sa sinabi niya. Umagang-umaga ito agad ang binungad niya sa akin. Late na kong nakatulog dahil sa pag-iyak ni Sequence. "I'm sorry, Stella. Nabigla ako! Alam mong galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa'yo. Sa inaanak ko, girl!" "Alam ko naman iyon, Tresayah, pero please, wag ka na maingay. Ayokong malaman niya ang tungkol kay Sequence..." Hindi ko ibibigay sayo si Sequence, Theodore. Magkademandahan na pero hindi mo siya makukuha sa akin. "Saka, girl, hindi ko sinabing buhay ang anak ng gagong iyon. Sabihin mong pinalaglag mo para di na siya maghabol sayo. Ang gago kanina, gustong tirahin din si Liza. Buti na lang namukhaan ni Liza. Nanggigil lang talaga ako kanina. I'm sorry, Stella." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Masama man ang ideyang iyon pero gagawin ko para sa anak ko. Para di siya maagaw sa akin. "Salamat, Tresayah. Maraming salamat..." "By the way, sinabi ko sa kanyang may fiancee ka. Para hindi lang siya ang nagmumukhang gago. Ayon ang playboy, nagulat sa sinabi ko." "What? F-fiancee? Alam mo namang wala na kong balak sa mga lalaki after sa kanya..." Nawalan na ko ng tiwala sa mga lalaki pakiramdam kong pare-parehas lang silang lahat. "Yes! Why not kausapin natin si Gavin to be your fake fiancee? We know na crush ka ng pinsan ko, Stella..." Napalunok ako sa sinabi niya, naalala ko nu'ng four months na akong buntis, gusto niyang akuin ang anak ko at ako pero ayoko. Nakakahiya sa kanya at sa pamilya niya. "Alam mo namang... Tinanggihan ko siya diba? Ayokong madamay siya sa akin, Tresayah. Okay na ko kay Sequence. Okay na kong siya lang ang kasama ko habang buhay..." "I know, Stella, but nasabi ko sa gagong iyon na you have a fiancee. Please, I'll ask him, okay? I'm sure na papayag iyon. Got to go, tatawagan ko na agad siya right now. Say hi to my inaanak!" Napahinga ako at napailing. Siya talaga ang masusunod. Theodore? Never kong ibibigay ang anak ko sayo. Never! Tumayo ako ng marinig ang boses ni Mom. Nandito na sila. "Stella? Your son is so adorable. Our baby Sequence. He's so cute! Pinagkaguluhan ng mga kumare ko. They asked kung sino raw ang Daddy. Mukhang bumbay raw kasi si Sequence." "Mom, alam mo namang ayokong pag-usapan niyon... Patay na ang Daddy niya. Ayoko." Nilagay niya ang si Sequence sa crib at niyakap ako. "I know, Stella... I know." Hindi ko alam pero agad na tumulo ang aking luha sa sinabi ni Mom. Nang sabihin kong nabuntis ako, pinagalitan ako pero tinanggap din nila agad. Nandyan na raw, eh. Wala na kaming magagawa. Tinatanong nila kung sino ang ama pero ang sagot ko sa kanila, di niya ako kayang panagutan. Ayaw niya sa bata. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mom, "Mom, I need to buy a diapers and some clothes for Sequence. He's turning one month this fifteen." "Milk, iha?" Mom's asked. "I pumped already, Mom. Nasa refrigerator na ito. I got to go!" ## "Stella!" Napalingon ako sa aking likod ng may tumawag sa aking pangalan. "G-gavin? Why are you here?" Sabay turo ko rito. Nasa mall ako to buy a needs of my Sequence. "Coincidence, Stella. I'm here also to buy a gift to Sequence. First month, right?" I nodded to him. "Yeah," "Gusto mong samahan na kita? Nakabili na naman ako?" Sabay taas niya ng kanyang paper bag. "S-sure..." Payag ko rito. Pumunta kami sa Department store to buy a clothes for my Sequence. Medyo lumalaki na rin naman siya kahit one month palang ito. Sabi ng ni Doc, malaking buyas daw ito. "It's nice..." "Kasya kaya?" Tumango ito sa akin. Ang cute ng design, ang nakalagay kasi rito ay Cute Little Monster and Mama's boy. "I'll buy it. It's cute!" I said and nilagay sa cart na tulak-tulak ni Gavin. Also, I buy some socks, bimps, and other stuff for my baby boy. "This is to much right, Gavin? Come on, bayaran na natin." Nasa gilid niya lang ako at napapangiti. Sobrang swerte ng magiging asawa ni Gavin. He's sweet and loving husband soon. "Bagay sayo ito, oh, Stella?" Napatingin ako sa tinaas niyang white dress. White dress? "To pure for me, Gavin. Hindi bagay sa akin. Come on, bayaran na natin." I smiled at him at naglakad na ulit. "You are pure, Stella. Your heart and soul are pure also. Everyone wants you, Stella..." Not him, Gavin. I chuckled and agad na umiling dito. "Come on, pila na tayo sa cashier." Pumili ito at nasa gilid lamang niya ako. Sa ilang months na pagtatago ko sa ibang bansa, walang Theodore na humanap sa akin. Walang Theodore na kumontak sa akin. Wala. Sa amerika ko pinanganak si Sequence and surname ko ang ginamit ko sa kanya. Bakit ko gagamitin ang pangalan niya kung nu'ng una palang pinaglaruan na niya ako. Kaya wala siyang karapatan sa anak ko, sa buhay namin. "Kain tayo?" Yaya ni Gavin ng matapos kaming magbayad sa cashier. Nakakahiya nga, eh. Siya pa nagbayad ng mga pinamili ko. "Ako na magbabayad sa food natin, okay? Nakakahiya na sa'yo, Gavin. Ikaw na nagbayad d'yan tapos sa food pa?" Inunahan ko na agad siya. "Hmmm... Gusto ko lang naman, Stella. Okay lang naman diba?" He smiled at me. "Hindi mo ko madadaan d'yan, Gavin. Ako na bahala rito, okay?" Sabi ko sa kanya at tinahak ang restaurant na lagi naming kinakainan ni Tresayah. "Dito kami laging kumakain ni Tresayah. Our favorite restaurant." Ani ko rito at inassist na kami ng crew ng restaurant. "Here's the menu, Ma'am and Sir." Sinabi namin sa kanya ang mga order namin at umalis na ito. Maghintay raw kami ng twenty minutes for our orders. "So, kailan ang binyag?" "Mga three months niya, Gavin. Don't worry, imbitado ka. Ikaw kaya ang isa sa mga Ninong niya." Sabi ko rito. Napalingon ako sa entrance ng restaurant ng makilala ang lalaking papasok. Nandito siya. Bakit nandito na siya... Napalunok ako sa kaba ng mapatingin siya sa akin. Sino iyong kasama niya? Bagong babae na naman? Wala ka ng lunas, Theodore. Wala na. Napakagat ako ng aking labi ng lumapit ito sa p'westo namin. Huwag kang magpapahalata, Stella. "Hi! Long time no see, Stella..." Sabay kaming napalingon sa kanya. Oh fcking s**t. He's cool, really? Na akala mo walang ginawang kagaguhan sa akin? "You know him, Stella honey?" Napakurap ako kay Gavin. Umiling ako rito, "no, honey. I don't know him..." Tumingin ako rito, "Sorry, Mister, pero I don't know you. Who are you?" He chuckled, "really? Kumusta ang anak natin, Stella?" Biglang nawala ang aking ngiti sa sinabi niya. Ngumisi ako rito, "Sorry, Mister, wala kang anak sa akin. Wala." Mukhang nagulat siya sinabi ko. Ganyan nga Theodore, hindi ko ibibigay ang anak ko sa'yo. "Baby, who are they ba? They're cheap. Eew." Maarteng sabi ng kasama niya. "Alam mo, girl, habang may oras ka pa, lumayo ka na d'yan. Paglalaruan ka lang niyan. Hindi marunong makuntento niyan sa isang babae. Good luck to you." Sabi ko rito at tumayo na ko. "Honey, nawalan na ko ng ganang kumain. Come on, alis na tayo." Nilapag na lang ni Gavin ang bayad namin sa table at saka lumabas ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD