Laura Perez: Chapter 1

977 Words
LAURA "Ate Laura, totoo po bang aampunin ka nu'ng lalaking iyon?" Tinitigan si Maggie at ang kanyang tinuro. Siya si Aleric Anderson. "Oo, Maggie, e." Ani ko rito. "Pero, 'di ba sabi mo, hindi mo kami iiwan?" Naawa ako sa kanya. Two years palang si Maggie rito sa ampunan nang dalhin siya ng kanyang Ina. Hindi raw kasi kayang alagaan ito, isang mangangalakal lamang ang nanay ni Maggie. Kaya tinuturing na akong ate ni Maggie. Anim taon palang kasi ang isang ito. "Bibisita ako palagi rito, Maggie. Promise ko iyon sayo. Kakausapin ko ang umampon sa akin para ampunin ka rin niya. Saka, malaki kasi ang dinonate niya rito sa bahay ampunan. Sapat na makakain ang ibang mga bata sa loob nang tatlong taon." Paliwanag ko sa kanya. "Promise? Bibisita ka palagi?" Tumango ako rito. Eksaktong nakita kong papalapit sa amin si Mr. Aleric. "Are you done, young lady? Aalis na tayo." Baritono niyang sabi. Nakakatakot siya. Nakakatakot ang kanyang presensya. Parang gusto mo na lang sundin ang lahat nang sasabihin para 'di siya magalit. 20 years old na ako, ang akala ko talaga wala nang aampon sa akin. Mananatili na lamang ako rito at tutulungan sila sister sa mga bata. Pero, dumating siya at walang sabi-sabing, aampunin niya ako. "Sige na, Maggie, aalis na kami. Pangako bibisita ako." Sabay ngiti ko sa kanya. "Okay, ate Laura! Mag-iingat ka roon ha?" Tumango ako sa kanya. Nagpaalam na rin ako kila sister at sa ibang bata na nakasama ko rito. Nakita ko siyang nasa kotse na at nag-aabang sa akin ang driver. Balak ko sanang umupo sa passenger seat pero pinagbuksan ako ng driver sa likod. Katabi siya. "S-sorry po. Nagpaalam pa ako kila sister." Sabi ko rito pagkapasok. Pero, wala akong narinig sa kanya. Ang mga gamit ko ay nasa likod. Nasa compartment ng car. "May anak po ba kayo, Mr?" Lumingon siya sa akin. "Wala." Ang tipid naman niyang sumagot. "Girlfriend po?" "Wala." Ah! Baka asawa na niya tas hindi sila magkaanak kaya inampon ako. "Asawa niyo na po kaya wala kayong girlfriend?" Sabi ko rito. "Wala akong asawa. Girlfriend or anak. Okay. Tumahimik ka na." Sungit. Nagtatanong lang naman. "Bakit niyo po ko inampon?" Nakita kong napalingon din sa akin ang driver at binalik ulit ang tingin sa kalsada. "Soon. Sasabihin ko sayo. Just please know my rules." Kumunot ang aking noo. "Anong rules?" Ani ko rito. "Bawal kang kumausap nang ibang lalaki. Kung hindi ako lang." Ha? May gano'n bang batas? "May gano'n po bang rules? Bakit po bawal?" Pagtatanong ko rito pero 'di siya sumagod. Ay! Ang daya naman. "Paano kung may nakausap akong lalaki? Ano pong gagawin niyo?" Pagtatanong ko ulit dito. Para alam ko kung anong parausa matatanggap ko sa kanya. "Malalaman mo once na nilabag mo ang rules ko." Diing sabi niya. Nakakatakot. Mga ilang oras din ang naging byahe namin. Malayo pala ang bahay ampunan sa bahay niya. Paano niya nalaman niyon? Wow! Ang laki nang bahay niya. "Ikaw lang po ba nakatira rito?" Lumingon siya sa akin. "Yes. Pero, we have a maids. Sa kanila mo iutos ang gusto mong ipagawa kung tinatamad ka." Umiling ako rito. "Hindi na po. Kaya ko naman pong maglaba, maghugas nang pinggan at magluto po..." Proud na sabi ko rito. "Tinuruan po kasi kami nila sister sa mga gawaing bahay." Pagpapatuloy ko rito. Pumasok kami sa loob at napa-wow pa lalo ako. Ang ganda! Maaliwalas ang paligid. "Ang ganda naman po nang bahay niyo, Mr." "Drop that po and call me Daddy, okay." Tumango agad ako sa kanya. "Okay, D-daddy... Hehehe." Sabay tawa ko. Nakakailang. "Sumunod ka sa akin. Dito ang k'warto mo." Umakyat kami sa taas. Mas lalong maganda rito. May veranda pa, oh? Pumunta ako at nakita ko ang kabuuan ng bahay. May garden at swimming pool sila. "Ehem!" Napaigtad ako. "Sorry... Ang ganda ng house niyo!" Papuri ko rito. "This is our house." Nabingi ba ako? O, mali lang narinig ko? Sinunod ko ulit siya at huminto kami sa dulo nang pasilyong ito. Paikot kasi ang second floor nang bahay niya at sa kaliwang ito may pahabang pasilyo. May dalawang pinto ang nandito. Binuksan niya ang pinto, "this is your room." Wow! "Ang ganda po, Daddy. Thank you!" Ngiti ko rito. Pumasok ako at nakita ang kabuuan. Pink ang kulay ng wallpaper, ang bed, ang vanity mirror and ang mga abubot dito. May TV pa ako at mini ref. Wow! Parang hindi na ko bababa nito. "Ano po ito?" I asked at tinuro ang isang pinto. "Cr." "Ah. Okay po." Kulay pink din ang cr ko. Babaeng-babae talaga. Lumabas siya sa, "sa kabilang pinto ay ang aking k'warto. Kumatok ka lang kung may kakailanganin ka. Okay?" Tumango ako rito. "Iyong gamit ko po?" Tanong ko rito. "Ihahatid ni Manang. Mag-uusap tayo mamaya about may rules. Magpahinga ka na." Iyon lang ang sinabi niya at pumasok sa kabilang pinto. Sinarado ko ang aking k'warto. Tinitigan ang buong room. Ang ganda talaga. Parang pinaghandaan niya lahat. ## Nandito kami ngayon sa dinner hall, sabay kaming kumain at pinagsisilbihan kami nang mga kasambahay niya. "Rule #1, never talk to other boys. Punishment? Malalaman mo once na sinuway mo ko." Tumango ako rito. "Rule #2, always magsabi kung nasa'n ka. Hindi ako manghuhula para malaman." Tumango ako rito, "hindi naman po ako lumalabas." "Good. Rule #3, Always obey me. Para sa'yo ang ginagawa ko." Again, I nodded to him. "Rule #4, stay with me forever." Hindi ko alam pero sa huling rules niya ako, kinabahan. "Ano pong work niyo, Daddy?" I asked. "I'm the owner of steel business here." Napa-ahh na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa kanya. Hindi niya sinabi kung bakit niya ako inampon. Basta ang alam ko lang kailangan kong sundin ang mga rules niya. Hindi ko alam kung ano ang punishment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD