Johanna Almirah Galando Santiago pov Napadilat ako ng mata ng biglang lumayo sa akin si Sebastian at hinila ako palabas na ng parke. “Doon na natin hintayin ang driver mo sa labas para mabilis niya tayong makita." Ano iyan na hinawakan ng kamay ko magkahawak kamay kaming lumabas ng parke hanggang sa dumating ang driver ko. Pinag buksan ako ni Sebastian ng pinto at inalalayan makapasok sa loob ng kotse, pagkatapos noon ay sumunod siyang pumasok sa akin. “Sige po kuya diretso na po tayo sa bahay.” saad ko kay manong Romy ang driver namin. “Sige po señorita.” sagot naman niya pagkatapos ay sumulyal sa rearview mirror at tiningnan kamay namin ni sebastian hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. Nahihiya na hinila ko ang kamay ko pero hinigpitan iyon ni Sebastian. “Siya nga pala kuya si Se