Chapter 1

1120 Words
“Sigurado ka na bang sasali ka sa team namin?” tanong sa akin ni coach Rey. Siya ang coach dito sa training center sa pag bo boxing. Ang team ni coach Rey ang humahawak sa team ng boxing pinas para sa boxing at isa yun sa dahilan kaya gusto ko sumali sa team niya, at ang isa pa ay gusto kong sumali ay dahil sa scholarship na ibibigay nila sa mga gustong mag training sa kanila. “Opo coach siguradong sigurado na po ako." Determinadong saad ko. " Alam mo naman siguro na kapag pumasok ka dito, dito ka na sa training center titira hindi ba? Bawal ka nang umuwi sa inyo, pero depende pa rin kung makakapasa ka sa mga test na ipapagawa namin sayo.” Aniya sa akin. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin dahil isa yun sa kanilang patakaran na kapag nag training ka sa kanila ay hindi ka na pwede pang lumabas at umuwi sa iyong pamilya. “Opo, naiintindihan ko po. Saka alam naman na po ng pamilya ko dahil para po sa kanila ang ginagawa ko.” Seryosong sagot ko habang nililibot ang paningin sa loob ring. "Mabuti naman kung ganun. Toni dalhin mo muna si Sebastian sa kwarto niyo.” utos niya sa isang lalaki na toni ang pangalan, at mukhang training din siya dito. “Sige po coach. Kamusta tol? Ako nga pala si Toni, isa din akong training dito." Nakangiting pakilala sa akin ni Toni. Mukha naman siyang mabait at mukhang makakasundo ko siya dito. “Sebastian tol, pero tawagin mo na lang akong Seb, yan kasi ang tawag ng karamihan sa akin.” nakangiti kong tinanggap ang kamay niya at nag pakilala sa kanya. “Nag aaral ka pa ba? Saang university ka?" Dagdag na tanong niya. " Oo tol pangalawang taon ko pa lang ngayon taon sa college at diyan ako sa Santiago university pumapasok, ang swerte ko lang dahil naka kuha ako ng kalahating scholar nila dahil nakapasa ako ng mag apply ako nung nakaraang taon. At gusto ko naman sumali sa team ni coach Rey dahill sa ibibigay nila sa akin na scholarship para mabuo ko na ang scholarship ko at wala na talaga akong babayaran sa university kung saka sakali.” Sagot ko sa kanya. " Hindi ka ba mahihirapan niyan kung sakaling matanggap ka? Magiging dalawa na ang obligasyon mo kung sakali man. Ang alam ko may kapalit ang pagiging scholar mo sa Santiago university.” Aniya na binuksan ang pinto ng isang kwarto may tatlong doble na nakalagay doon. “Oo, nag du-duty ako sa library para sa scholar at minsan naman ay nililinis ko ang office ng dean at ang faculty room pero madali lang naman yun.” Saad ko at sumunod na pumasok sa kanya. " Paano na yan, ano ang magiging schedule mo? Ito pala ang magiging kama mo, ito na lang kasi ang bakante itong apat okyopado na yan dito naman ako sa taas mo." Saad niya na tinuro sa akin ang magiging higaan ko. Hindi naman masyadong malaki at tama lang para sa akin. “Salamat tol, tungkol naman sa schedule ko,ayaw ko munang mag isip sa bagay na yun. Saka ko na pag iisipan iisipan kung ano ba ang dapat na gawin ko.” Umupo ako sa kama at nilapag ang bag na dala ko. " Ikaw ang bahala tol, pero bilib din ako sayo dahil lahat gagawin mo para lang makakuha ka ng scholarship at makatapos ka sa pag aaral mo.” Sabi niya sabay tapik sa balikat ko. " Kailangan eh, ako lang kasi ang inaasahan ng pamilya ko.” Ngumiti siya sa akin. " Sige tol lalabas na ako, asikasohin mo na muna ang sarili at sumabay ka na lang sa akin mamaya sa training.” saad niya bago lumabas ng kwarto. Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ng lumabas si toni. Ito na ang magiging tahanan ko mula ngayon at kailangan na pag butihan ko ang bawat hakbang na gagawin ko para sa pamilya ko. Para kina nanay at tatay na nagpapakahirap sa paghahanap buhay para lang makakain kami sa Araw Araw at makapag aral kami ng mga kapatid ko. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ang sumunod sa akin na dalawang kapatid ko ay nag aaral pa sa high school, ang isa ay graduating na ngayong taon at ang isa na naman ay 2nd year high school. Ang dalawa naman ay parehas pa lang na nasa elementary, si Jessy at Jelly kambal sila at pareho silang grade 3 na dalawa. Si Sanjo ang sumunod sa akin at si Sandy naman ang pangatlo. Kagaya ko ay matatalino din ang apat na kapatid ko at parehong with honor sa school. Si Sandy kahit kailan ay hindi nalaglag sa pagiging top 1 sa school at ganun si Sanjo. Si Jelly at Jessy naman ay nasa with honor din at pareho silang pasok sa top 5. Construction worker lang si tatay at nagtitinda naman ng isda si nanay sa palengke. Si Sandy ang katulong niya tuwing sabado at linggo sa pengke kapag tapos na ito sa pag lalaba at si Sanjo naman ay nag e-extra bilang kargador sa. Palengke. Ako kasi pumapasok ako sa part time job ko kapag sabado at linggo para may pambaon kami ng kapatid ko. Pero ngayon hindi ko na alam kung paano ko pa sila mabibigyan ng baon ngayon na pumasok ako dito sa training center ng tikas pilipinas. Pero ang sabi naman sa akin ni couch na may allowance daw na ibibigay sa amin ang gobyerno hahatiin ko na lang siguro at ipapadala kay nanay ang kalahati para makatulong sa kanila. Pwede naman kasi ako tumanggap ng mga school work na pinapagawa ng mga kaklase ko para may extra ako. Sayang din kasi ang binibigay nila na 500 kada gawa ko ng school works nila. Lalo kapag thesis ang ipapagawa nila ang bibigay sila ng dalawang libo mahigit at pinaka mababa na ang isang libo. Nang matapos ko ang pagliligpit ng gamit ko lumabas na ako ng kwarto para libutin ang buong training center. Marani din kasi akong gustong subukan na sport pero para sa mahirap na tulad ko mas sikat sa amin ang pag bo boxing lalo na kapag piyesta sa amin. Lagi din kasi ako sumasali sa palaro ng boxing noon sa barangay namin kapag piyesta. *** ANO MAN PO ANG MGA NAKALAGAY TUNGKOL SA MGA SPORT AY KATHANG ISIP KO LAMANG KUNG MAY MGA MALI PO AKONG NABANGGIT SA KWENTO O HINDI TAMA, AT KUNG MAG PAGKAKATUGMA MAN SA TOTOONG BUHAY, HINDI KO PO IYON SINASADYA. MARAMING SALAMAT PO... SANA PO AY TUTUKAN NIYO RIN AT SUPPORTAHAN ANG STORY KO NA TO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD