Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
LANCE POV:
¤¤¤
"Nasaan ka? Bakit ka wala dito sa condo mo?" Tanong sa akin ni Frances ng sagutin ko ang tawag niya. Apat na araw na ang lumipas simula ng araw na may mangyari sa condo niya. At walang bakas na naalala nga niya ang namagitan sa aming dalawa.
Gusto ko sana siyang makausap kinabukasan ng araw ding iyon pero hindi ko na naituloy dahil nakita ko si Christina na pumasok sa condo niya. Kaya naman tuluyan ng nawalan ako ng lakas ng loob na kausapin siya.
Umalis na lang agad ako ng condo ko at nakitira ako kay Carla pansamantala para nakalimot.
"Hindi ka na din daw pumapasok sa kompanya. May problema ka ba?" Tanong pa niya na halata namang nag aalala siya para sa akin.
As if ibang pag aalala iyon maliban sa pag aalala bilang isang matalik niyang kaibigan.
"May ginagawa lang ako. T-tinutulungan ko kasi ang kaibigan ko sa isang bagay para sa trabaho niya." Pagsisinungaling ko.
"Nagsisinungaling ka. Nararamdaman ko iyon? Sabihin mo sa akin. May problema ka ba?"
"W-wala. Paano mo namang nasabing may problema ako. Bakit ka ba napatawag?"
"Bakit ako napatawag?" Pang uulit pa niya sa tanong ko. "Noong isang araw pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot kaya alam kong may problema ka. Sabihin mo sa akin.. ano ang problema mo?"
"W-wala.. m-may ginaga...."
"Darli'n, who is that? C'mon. Tama na muna ang pakikipag usap mo sa phone.. naghanda ako ng meryenda natin." Si Christina na sumingit sa kabilang linya kaya hindi ko na naituloy ang sinasabi ko.
Ako na sana ang unang magpapalam ng magsalita siya.
"Mag usap tayo ulit mamaya. Sige na." Hindi pa man ako nakakasagot ay pinutulan na niya ako ng linya.
Hindi ko na napigil ang pagtulo ng aking luha. Kusa silang nalaglag sa aking mga mata.
Akala ko mabigat na sa dibdib ko ang na hindi niya matutugunan ang pagmamahal ko sa kanya pero mas mabigat pala at mas masakit ngayon ang nararamdaman ko matapos ang nangyari sa aming dalawa. Lalo pa at hindi niya naaalala.
"Lance, are you crying?" Mabilis na pinahid ko ang aking mga luha pero hindi ko na maitatago iyon kay Carla ng tumabi na ito sa akin. "Are you okay?"
"O-okay lang ako, Carla." Mahinang sagot ko.
Magaan na humuhugod ang kamay nito sa likod ko. Pero kahit na gaano iyon kagaan ay hindi nito mababawasan ang bigat na dinadala sa dibdib ko.
"Dahil na naman ba iyan sa kaibigan mo? Sinabi ko naman sayo na mas maiging sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Para mabawasan ang dinadala mo" pagpapayo nito.
Kung madali lang sanang gawin ang sinasabi nito ay matagal ko ng ginawa. At ngayon.. mas naging kumplekado pa ang lahat at mas lalong hindi ko masasabi dito ang nangyari sa amin. Lalo na at halatang mas lumalim pa ang samahan nila ng girlfriend niya.
"H-hindi na kailangan Carla." Mahinang sagot ko na halos wala ng boses na lumabas sa bibig ko. Mabibigat ang bawat paghinga ko sa pinipigilan ko pang mapahagulgol ng iyak.
Kailangan kong lakasan at tatagan ang loob ko. Hindi dapat ako magpatalo sa nararamdaman ko.
"K-kaya ko na. K-kalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya."
"Lance." Pahikbi akong napatingin kay Carla. Pinipigilan pa ang maluha. Alam nga ni Carla ang nararamdaman ko kay Frances at halos alam din lahat ng lihim ko pero hindi ang nangyari sa amin ni Frances.
Hindi dapat nito malaman iyon dahil baka sugurin niya si Frances at sabihin iyon at pati na ang nararamdaman ko sa kanya.
Pinipigilan ko lamang ito kahit na gustong gusto na nitong ipaalam kay Frances iyon.
"Basta, ipangako mo sa akin, Carla. Na hindi mo sasabihin kay Lance ang nararamdaman ko sa kanya."
Nagpakawala ito ng buntong hininga sabay tapik ng balikat ko. "Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang manahimik. Pero ang payo ko sayo, kung hindi mo na kaya.. kailangan mo ng pakawalan."
Tumango na lang ako bilang sagot. Katahimikan na lang ang sumunod na namayani sa pagitan namin.
¤¤¤
¤¤¤
Napakislot ako ng bigla na naman siyang sumulpot sa harapan ko. Pumasok na ako ng kompanya dahil ang akala ko ay hindi siya makakapasok pero narito siya ngayon at nakikita ko na masaya siya.
Agad akong nagbawi ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.
"Sinabi ko naman sayo na huwag kang nanggugulat." Paninita ko sa mahinang tinig. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong binabasa pero hindi ko naman na halos iyon maintindihan dahil sa presensya niya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Kuway tanong niya dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.
"Umiiwas?" Pang uulit ko. Pilit na pinatatag ang tinig ko dahil kung hindi ay baka gumaralgal pa ang tuno ng boses ko. "Paano mo naman nasabi iyan?"
"Napapansin ko kaya hindi mo maitatanggi. Simula noong isang araw ay halos hindi na kita mahagilap. Hindi sinasagot ang tawag ko at hindi natutulog sa condo mo." Mahaba niyang lintaya na parang naging malaking kasalan pa ngayon ang pag iiwas ko.
Ayaw ko lang naman masaktan kaya ako umiiwas. Kung noon ay kaya ko ang bigat ng damdamin ko kapag makita siyang kasama si Christina pero malaki ang nagbago matapos ang mangyari sa amin.
"Nagiging paranoid ka lang. Saka pwede ba. Bakit mo ba inuubos ang oras mo sa akin gayong nandito naman si Christina."
"Nasa bahay lang si Christina at kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan namin. At iyan ang gusto kong ikwento sayo." Saad niya na may mga ngiti sa labi.
"Busy ako. Wala akong time makinig."
"Huh! Kailan ka pa naging busy sa tuwing gusto kong magkwento. C'mon. For sure magiging masaya ka sa mga plano ko dahil ikaw ang unang makakaalam."
Napatitig ako sa kanya. Kung tungkol lang sa plano niya para kay Christina ang ikukwento niya ay huwag na lang dahil hindi ako magiging masaya dahil mas masasaktan ako.
"I said I'm busy. Kaya pwede ba..." malakas na boses na sabi ko sa kanya na nakapagpawala ng ngiti niya sa mga labi. Natigilan ako ng ilang sigundo bago ako muling nagsalita at humingi sa kanya ng tawag. "Pasensya na boss." Sabi ko na ipinagdiinan pa ang pagtawah ko sa kanya ng boss. "Nasa trabaho ako ngayon, boss kaya pwede po bang sa susunod na lang at wala tayo sa opisina." Pagdadahilan ko.
Hindi naman agad siya nagsalita na parang hindi makapaniwala sa pagsigaw ko kanina.
"Okay! Do your work as you please." Sabi niya at walang lingong likod na umalis sa harapan ng lamesa ko.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag upo niya sa sariling lamesa. Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang cellphone.
"Yes, baby.. uhmmm.. kararating ko lang ng opisina ko... of course baby.. kung nabobored ka dyan sa bahay.. lumabas ka para magshopping.. okay.. and I will pick you up before dinner. Yes.. I know.. but surely.. dad and papa will like you.. okay baby.. I love you..."
Sa mga narinig ko. Sa bawat lambing ng pakikipag usap niya kay Christina ay nawala na ng tuluyan ang utak ko sa trabaho ko dahil tumatak sa isipan ko ang mga sinabi niya kay Christina.
Ipapakilala na niya ng personal si Christina sa kanyang mga magulang. Sa tagal nilang magkasintahan ngayon lang nito ipapakilala at ihaharap kina Tito Reallan si Christina. Nakapagpasya na ba sila na magpakasal? Pero akala ko ba na ayaw pa ni Christina ang magpakasal dahil sa career nito?
Napalunok ako. Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko na manginig dahil doon. Mas lalo akong nawalan ng puwang sa buhay ni Frances sa katutuhanang may balak na silang magpakasal ni Christina.
Napalingon pa ako ng marinig ko ang mahinang pakanta ni Frances. Pakanta-kanta na nagpapahiwatig na masayang masaya siya. At tuluyang ng nawala ang konsintrasyon ko sa ginagawa ko.
¤¤¤
¤¤¤
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Frances kinahapunan. Tapos na siyang nagligpit ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa niya gayong ako ay nanatiling abala sa pagsasaayos ko ng ilang dukumentong ipapasa ko din sa kanya.
"Mauna ka na. Tatapusin ko lang ito." Sagot ko na sinagdayang hindi siya tapunan ng tingin.
"Gusto mo bang sumama sa akin? Uuwi ako ngayon sa A. Place. Tara na.. makikita mo din ang mama mo doon." Halata sa boses ang galak habang nagsasalita.
"Hindi na. Lagi ko namang nakakausap si mama sa cellphone."
"Eh.. pero iba din naman kung nakikita mo siya. Halika na. Bukas mo na ituloy iyan. Sumama ka na sa akin." Pagpupumilit niya. Kinuha pa mula sa akin ang ilang papeles at itiniklop na iyon at hinila na ako patayo sa kinauupuan ko.
"Ano ba? Sabing hindi ako sasama. Ang kulit mo din ano?" Gigil na binawi ko ang kamay ko sa kanya. Pareho kaming natigilan dahil sa pagsigaw ko na naman sa kanya.
Napayuko ako.
"Pasensya na. Wala ako sa mood sumama sayo. Pasensya ka na." Paghingi ko ng patawad. Hindi ko na binalikan ang trabaho ko kundi mabilis ang ginawa kong pagkuha ng bag ko at nauna na akong lumabas ng opisina.
Gusto ko siyang samahan kung hindi kasama si Christina. Gusto kong pumunta ng A. Place kung hindi pupunta doon si Christina.
I hate myself being like this. This is killing me right now. Ang pagmamahal ko sa kanya ang nagpapahirap sa akin ngayon.
¤¤¤
FRANCES POV:
¤¤¤
"Are you okay?"
"Why you ask?" Balik tanong ko kay Christina. Nasa daan na kami papunta ng A. Place para ipakilala na siya ng personal kina daddy at papa.
Gusto ko pa sanang sabihan si Lance tungkol dito pero nitong mga nakaraang araw ay nahahalata ko ang pag iwas niya sa akin kaya wala na akong magagawa kundi ang ipakilala na ito kina daddy ngayon.
Nagpropose na din ako kay Christina nitong huling dalawang araw at agad naman niyang tinanggap kaya heto kami ngayon.
"Simula ng sunduin mo ako sa boutique kanina hindi ka na nagsasalita. May problema ka ba?"
"Wala baby.. kinakabahan lang ako sa magiging reaksyon nina daddy at papa." Pagsisinungaling ko.
Nasabihan ko na sina daddy ang pagsalaw namin ngayon sa kanila kaya hindi ako nag aalala sa magiging reaksyon nila kung sakali man.
"Diba ako dapat ang kinakabahan?" Malambing nitong sabi. Magaan na pumatong ang kamay nito sa hita ko at bahagyang pumisil. "Ano kaya ang magiging tingin nila sa akin? Tanggap kaya nila na ako ang girlfriend mo?"
"Of course baby. Matatanggap ka nila dahil hindi naman sila palatutol sa kung sino ang magugustuhan namin."
"Talaga? Then, looking forward to that."
Namayani na ulit ang katahimikan hanggang sa tuluyan kaming kamarating ng A. Place. And like what I said earlier.. sinalubong kami nina papa at daddy ng may mga ngiti sa labi.
Masaya silang sumalubong sa amin ni Christina. Mainit ang pagtanggap sa kanya.
"Akala ko isasama mo si Lance ngayon hijo." Ilang sandali pa ay tanong ni daddy sa akin.
"May gagawin daw siya dad." Sagot ko na lang. Hindi ko naman masabi na ayaw talaga niyang sumama na naging dahilan pa para pagtaasan ako ng boses.
Iyon ang isa pa sa napapansin kong kakaiba kay Lance ngayon. Lagi siyang nagtataas ng boses sa tuwing nakukulitan na siya sa akin na hindi naman dating ginagawa.
Mukha talagang may mabigat na dinadala ang kaibigan ko na ayaw niyang malaman ko? Pero ano iyon?
"Ganun ba? Inaasahan pa naman ni Arlyn ngayon na sumama siya sa iyo sa pagpunta dito. Hala dibale na." Sabi ng daddy bago binalingan si Christina. "Kumusta ka hija? Mabuti naman at naisama ka na ni Frances dito sa bahay. Palagi ka niyang naikukwento sa amin."
"Mabuti naman po tito. Gusto ko na din naman kayong makilala, naging abala lamang po ako sa mga nakaraang show ko kaya hindi po ako nakakasama kay Frances." Magalang na sagot naman nito kay Daddy. Hawak ang isang kamay ko na halatang kinakabahan.
"Kumusta naman ang trabaho mo hija? Wala ka bang show ngayon?"
"Hindi na po ako tumanggap ng show ko tita. Nagpasya na kasi akong tumigil para naman maasikaso ko itong si Frances."
"Ganun ba? Frances, ikaw? Anong balak mo gayong tumigil na pala ang kasintahan mo sa pagmomodelo?" Kuway baling naman sa akin.
Napatingin ako kay Christina saka ngumiti. Ako ang humawak naman ngayon sa kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad ko.
"Nagpropose na po ako kay Christina, daddy." Sabay taas ng isa niyang kamay na sinuutan ko ng singsing. "Tinanggap na po niya ang proposal ko."
Nagkatinginan sina Daddy at papa sa ibinalita ko. Ilang sandali na namayani ang katahimikan bago sila nagsalita.
"Congrats hijo." Si daddy na nakangiti. Naging masaya ang naging pag uusap namin tungkol sa aming dalawa ni Christina.
Napag usapan na din namin ang balak na pamamanhikan sa kanila.
"See, mababait ang mga magulang ko kaya huwag kang maasiwa sa kanila."
Tapos na ang dinner namin ng mga magulang ko. Uuwi pa sana kami ng condo ko pero nagpumilit si daddy na bukas na lang daw dahil may kalaliman na ang gabi. Kaya heto kami ni Christina ngayon.
Gusto pa sana ni Daddy na sa guest room mananatili ng gabi si Christina pero sabi naman ni papa na para saan pa kung magpapakasal na din naman kami.
"Oo.. nakita ko. Welcome ako sa pamilya niyo. And thank you." Humalik siya sa labi ko na agad ko namang tinugon. "Darli'n... wanna do it here." Bulong niya ng kumilos na pumaibabaw sa akin.
Ngumisi ako na sinamahan ng pagtango.
At ilang sandali pa ay pinagsasaluhan na namin ang init sa piling ng bawat isa. Sabay na narating ang walang hanggang kaluwalhatian dala ng makamundong kaligayahan.
¤¤¤
¤¤¤
"Lance.." sinamahan ko ng pagtawag sa pangalan niya habang nag dodoorbell ako kahit na malabong marinig niya ako sa loob ng condo niya.
Mag iisang buwan ng wala kaming maayos na usapan dahil patuloy siya sa pag iwas at hindi ko na iyon matatagalan pa. Hindi ako sanay ng patuloy siyang lumalayo sa akin.
Apat na beses akong nagdoorbell ng tuluya na nya iyong binuksan. Pero hindi si Lance ang nagbukas.
"Who are you?" Agad kong tanong. Hindi ko na nahintay ito na sumagot dahil agad na akong pumasok sa loob kahit na hindi pa nabubuksan ng maayos ang pinto. "Lance.." tawag ko sa kanya pero walang sumagot kaya muli akong napatingin sa lalaking nagbukas ng pinto kanina.
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Malaking tao ito. Pero hindi iyon ang nakatawag ng pansin ko kundi ang ayos nito. Ang damit na sandong puti ay basang basa ng pawis. Pinagpapawisan din ang mukha nito. Nakatali ang maong na jacket sa may baywang nito.
"Dariel, tapo-...." napalingon ako ng marinig ko siya na nagsalita. At mas nangunot ang nuo ko sa nakitang ayos niya.
Nakasuot na lang siya ng puting tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya na kalalbas lamang ng banyo.
Don't tell me....
"What the meaning of this?" Tanong ko sa hindi makapaniwala dahil sa nakikita ng mga mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaysa sagutin ang tanong ko na ikinainis ko.
"Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari dito? Hindi iyong sasagutin mo ng tanong ang tanong ko." Galit na sabi ko at hinawakan siya sa braso.
"Aw! Ano ba Frances.. bitawan mo ako." May galit din na sabi niya at nagpupumiglas sa pagkakahawak ko. Sasagot pa sana ako ng mapansin ko ang paglapit ng lalaki sa amin.
"Nasasaktan siya. Baka pwede mo na siyang bitawan, sir." Marahang sabi nito pero halata na may bigat sa mga katagang binitawan.
Hindi sa takot ako pero binitawan ko si Lance. Magsasalita na sana ako para sagutin ang lalaki ng magsalita siya.
"Pwede ba.. lumabas ka na muna." Pangtataboy niya sa akin na sinabayan ng pagtulak hanggang sa makalabas ako ng condo niya.
"Damn it Lance.. open this damn door." Sigaw ko sa labas. Doorbell at katok na ang pinagsasabay ko pero hindi niya ako pinagbuksan. Ang ikinainis ko pa ng gusto ko ng buksan ang condo niya gamit ang sparekey ko ay hindi na umubra.. dahil may double lock na sa loob.
"Ahhhh. Lance Almonte...." sigaw ko pa. Hindi alintana na marinig ako ng iba.
Kaya ba siya umiiwas sa akin dahil may boyfriend na siya? At ayaw niyang ipakilala sa akin ang boyfriend niya? At kailan pa? Kailan pa niya itinatago ang karelasyon niya.
Damn it! Ahhhhhh.
Galit na bumalik ako ng condo ko. Wala si Christina dahil umuwi ito sa kanila para paghandaan ang engagement party namin na gaganapin sa bahay nila sa susunod na araw. At gusto kong makausap si Lance para imbitahan siya pero....
Damn it..
Hindi ako makapaniwala na itatago niya ang bagay na ito sa akin. Nakakapansama ng loob dahil naturingan pa naman akong matalik niyang kaibigan pero naglilihim siya sa akin..