#1:

2544 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ LANCE POV: ¤¤¤ "Ano ba?" Kunot ang nuo ko na sinita si Frances ng bigla lamang siyang tumalon sa may likod ko. Lumipad tuloy lahat ng hawak kong mga papeles dahil sa pagkagulat ko. "Haha. Hahahaha." At talaga namang ang lakas pa ng tawa niya sabay tapik ng balikat ko. Naiiling na lang ako. Hindi ko naman siya as in na masigawan dahil siya parin ang boss ko. Isa lamang akong hamak na Personal assistant niya. "Kahit kailan talaga magugulatin ka." Nakangiti niyang sabi sabay gulo ng buhok ko. "Eh! Huwag mong guluhin ang buhok ko. Ang hirap ko pang inayos yan eh." Paninita ko naman sa kanya na pilit na umiiwas sa kanya. Pupulutin ko na din sana ang mga papeles na nagkalat na sa sahig ng umakbay siya sa akin. "Bilisan mo diyan. Kakain pa tayo ng tanghalian." "Naman.. mapapadali naman ang trabaho ko kung hindi mo ako ginulat. Tignan mo nga iyan?" Pagrereklamo ko sabay turo sa mga papel na nagkalat. Ngumiti lamang siya. "Bakit kasi hindi mo hinawakan ng maayos. Hindi ka parin nagbabago.. lalampa lampa ka parin." "Yeah! I know.. kaya huwag mo nang ipaalala." Sagot ko na sinimulan ko ng pulutin ang mga papel. Doble trabaho tuloy ako dahil kailangan ko na naman iyong i clasified. "Ako na ang bahalang umayos niyan mamaya total wala naman akong masyadong ginagawa ngayon. Ilagay mo na sa ibabaw ng lamesa ko." "Tapos tatawagin mo na naman ako mamaya at sasabihin nahihilo ka dahil sa mga ito. Naku! Luma na iyan Frances.. bossssssss." "Bilisan mo na nga. Sisimulan mo naman ako ng panenermon mo." Na sinabayan ng pagtalikod. "Hintayin kita sa elevator." Tumango na lang ako. Mabilis ang naging kilos ko na ipinunta nga ang mga papeles sa opiaona niya. Well, ako pala si Lance. Lance Almonte. 22 years old at halos katatapos ko lang ng 2 years course ko ng computer. Kaya naman heto ako ngayon. Nagtratrabaho mismo sa kompanya nina Frances na isa na ngayon sa may hawak ng isang branch ng negosyo nila. Mabuti na ang ganito. Hindi na ako lalayo pa para maghanap ng magandang trabaho. Hindi na din ako malalayo kina mama na patuloy paring naglilingkod kina tito Reallan at tito Kanye. Anak ako ng yaya ni Frances noong mga bata pa. Mas matanda siya sa akin ng pitong taon pero hindi naging hadlang ang agwat ng edad namin para maging magkaibigan. Lumaki at nagkaisip ako na kasama siya. "Ang tagak mo naman. Akala ko natabunan ka na ng dala mong mga papeles. Gutom na gutom na ako." Tinaasan ko siya ng isang kilay. Wala pa ngang isang minuto na naghintay siya. "Kala mo naman ang dami mong nakakain." Sagot ko naman sa kanya. "Yeah! Kasi binibigay ko sayo ung iba. Kaso.. wala naman yatang silbi ang mga panlelebre ko sayo. Patpatin ka parin." Sinabayan pa ng pagtawa. "Sa hindi ako tumataba. Anong magagawa ko?" "At hindi tumangkad." "Kala mo naman katangkaran ka." "Hindi ba? Kala ko matangkad na ang 6'1". Haha.. ikaw nga. Tudo inum ka ng cherifer noon pero wala naman naitulong." Pangbubuska pa niya sa akin. "Oo na. Nasayo na ang lahat ng kagandahan. Yabang." "Hahaha.. dibale.. kahit payat ka. Kahit pandak ka.. kaibigan parin kita." Sabay gulo na naman ng buhok ko. "Frances naman. Ang buhok ko." Reklamo ko. Tinampal ang kamay niya. "Hahaha! Napakairetable mo talaga. Lagi ko naman dati ginugulo ang buhok mo ah." Sagot niya na parang balewala lang sa kanya ang paninita ko sa kanya. Lihim akong napabuntong hininga dahil totoo naman ang sinabi niya. Nakagawian na niya ang ganung bagay. Ang paghawak ng buhok ko. Ang pag akbay sa akin. Ang pagyakap sa akin sa likod at marami pang iba na magkakadikit ang katawan namin. Pero.. Nagbago lahat ng iyon ng mapagtanto kong hindi na lang kaibigan ang turing ko sa kanya kundi mas higit pa. Hindi ko alam kong kailan nagsimula na makaramdam ako ng kakaibang pagtibok ng puso ko sa kanya. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko sa tuwing lalapit siya. Sa tuwing yayakap siya sa akin sa likod pagkatapos niya akong gulatin katulad na lang kanina. Basta naramdaman ko na lang isang umaga na iba na ang nararamdaman ko. Umiibig na nga ako sa kaibigan ko. "Basta.. ayaw ko ng ginugulo mo ang buhok ko." "Mmmm." Napalabi siya na kunot ang nuong napatitig sa akin. "Sabihin mo nga sa akin? May dinaramdam ka ba?" Kuway tanong niya saka sinalat ang nuo ko. Hindi pa nakontento ay balewalang pinagdikit pa ang nuo namin. Mabilis na nakaramdam ako ng pag iinit ng mukha dahil gahibla na lang yata ang pagitan ng mga labi namin. Lihim akong napalunok. Mabilis din ang ginawa kong pagtulak sa kanya bago niya mapansin ang pamumula ng mukha ko. Palagi niya iyong ginagawa sa tuwing may sakit ako. Ididikit ang sariling nuo sa nuo upang siguraduhing mainit pa ba ako. Pero iba na ngayon. Para sa kanya ay wala iyong malisya pero sa akin.. ibang iba na dahil nahahaluan na ng kalaswaan ang isip ko. Minsan naiisip ko nga.. ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan niya? "Mainit ka nga? Bakit hindi mo sinabing may lagnat ka?" Nakitaan ko naman siya ng pag aalala ng muling salatin ang nuo ko. Hindi ko na naitama ang akala niya. Wala naman akong lagnat.. Sadyang nag init lang ang mukha ko dahil sa ginawa niya. "Bilisan mo. Kumain ka ng marami mamaya tapos uminom ka ng gamot." Kuway sabi niya. Kinuha ang phone at may tinawagan. "Hello Marla.. bumili ka ng gamot sa lagnat. Faster as you can. Yeah! Sa baba lang kami ng building. Sa restaurant.. Good." "Wala ito. Mainit lang ang paligid kaya mainit ang katawan ko." Kuway panunuway ko sa kanya ng umalalay pa siya sa akin sa paglalakad ng makarating kami ng restaurant. "Anong mainit? Mainit ba dito? Tigilan mo ako Lance Almonte. Naka aircon ang buong building." "Pero..." "No more buts.. sinabi ko sayo na kapag masama ang pakiramdam mo ay huwag ka ng pumasok. At sabihan mo ako agad.." "Yeah!" "Healthy meal please." Order niya sa waiter na agad na lumapit sa amin ng mabungaran kami. Healthy meal na naman. Pupurgahin na naman niya ako ng gulay. ¤¤¤ ¤¤¤ "Mauna ka ng umuwi.. ako na ang bahala sa mga trabaho mo. Bahala na si Marla doon." "Hindi naman.." "Lance." Pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin. "Okay! Okay!. Kasalanan mo naman kung bakit mainit ang mukha ko kanina." Bubulong bulong pa ako na tumalikod sa kanya. "May sinasabi ka?" "Wala? Sabi ko uuwi na ako at magpapahinga. Salamat sa pag aalala boss Frances." "Good." Napilitan akong umuwi dahil kung hindi ko siya susundin ay baka bantayan na naman niya ako at iyon ang ayaw kong mangyari. Umiiwas na ako sa mga bagay na pwedeng magpalapit sa kanya. Kung kailangang iwasan ko siya ay gagawin ko para lamang hindi ako lalong mahulog ang loob ko sa kanya. Magkakasunod na naman ang pinakawalan kong buntong hininga habang pasakay ng elevator paakyat pa ng building. Well, hindi naman ako mapapagod umuwi dahil sa mismong building ng kompanya naman kami nakatira ni Frances ngayon. Magkatabi ang condo unit naming dalawa na regalo niya sa akin ng nagraduate ako college. Hindi ko sana iyon tatanggapin pero hindi ko naman siya matatanggihan pa dahil nakapangalan na sa akin mismo ang condo unit na tinitirahan ko. Tamang papasok na ako ng condo ko ng tumawag ang mama. Nailing na naman ako at nagpakawala ng buntong hininga bago iyon sinagot. "Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?" "Ma, okay lang ako. Masyado lang naging exhagerated si Frances." Sagot ko kay mama. "Bata kang oo. Alagaan mo naman ang sarili mo. Magpahinga ka din kapag may free time ka hindi iyong maghahanap ka ng ibang pagkakaabalahan." "Oo ma.. alam ko iyon. Sabi ko naman na maayos lang ako. Sige na ma. Mag ingat din kayo diyan. Magpahinga din kayo. Hindi iyong ako lang lagi ang pinagsasabihan niyo gayong kayo itong doble kung magtrabaho." "Alam mo namang magaan na lang ang trabaho ko dito sa bahay ng tito Kanye mo dahil malalaki na ang mga batang inalagaan ko noon." "Yeah! Pero ingatan niyo din ang sarili mo mama. Sige na." Maayos akong nagpaalam kay mama bago pinutol ang linya. Ngayon... iisipin ko na naman kung paano ko uubusin ang oras ng walang ginagawa. Aabalahin ang sarili sa panunuod ng TV? Maglalaro ng video game habang kumakain ng snack. "Masaya na akong makita kang masaya." Napasimangot ako sa narinig kong linya ng bida sa pinapanuod ko. Hindi yatat pinapatamaan ako nito. Naalala ko na naman tuloy si Frances. Nakikinita ko mismo sa pinapanuod ko. Ako ang third wheel sa relasyon ng mga bida. Magpaparaya para lamang sa ikakaligaya ng taong mahal niya. Nakaramdam ako ng bahagyang paninikip ng dibdib sa naisip ko. Ang hirap pala ng kalagayan ko. Iyong hindi ka pwedeng mainlove sa bestfriend mo dahil may posibilidad na masira ang pagkakaibigan niyo. "Ahhhhhhh." Impit na hiyaw ko. Yakap ang unan pahiga ng sofa habang nakatuon parin ang paningin ko sa TV. Kailangan kong kalimutan ang nararamdaman kong ito. Hindi ko dapat dungisan ang pagkakaibigan namin. Ayaw kong iwasan niya ako kapag nalaman ang umuusbong na pagmamahal ko sa kanya. "Pero paano?" Tanong ko mismo sa sarili ko na kahit ako ay hindi ko alam ang sagot kung paano. Nanatili akong nakahiga na nakayakap sa unan ko ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. It's him. Hindi ko kailangang tanungin kong sino iyon dahil si Frances lang naman ang nakakapasok ng unit ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tumayo. Nanatili na lamang ako sa ganung ayos ko hanggang sa masilayan na siya ng mga mata ko. "Dapat sa kama ka nahiga hindi sa sofa para marelax ang katawan mo." Paninita niya sa akin ng makalapit. Awtomatikong sinalat ang nuo ko. "Mainit ka parin." Yeah! Sa loob loob ko dahil palagi ng umiinit ang mukha ko sa tuwing didikit ang balat niya sa akin. Dala ng iba't ibang kalaswaang naiisip ko. "Kaya mo bang tumayo? Dalhin na lang kaya kita sa doctor." "Ang OA mo talaga." Babangon na sana ako ng bigla siyang umalalay sa akin. "Anong OA ka dyan. Tignan mo nga. Ramdam ko ang init ng katawan mo." "Oo na.. oo na." "C'mon. Nagdala ako ng lugaw para kainin mo para makainom ka ulit ng gamot." "Wala pang apat na oras ang ininom kong gamot. I ooverdose mo naman yata ako eh." "Hindi mo kasi inaalagaan ang sarili mo. Tapos magrereklamo ka ngayon sa pag inum ng gamot." Gusto ko sanang itama lahat ng mga sinasabi niya lalo na sa lagnat ko kuno.. pero ano naman ang sasabihin ko. Sasabihin ko na kaya nag iinit ang katawan ko dahil sa kanya? Nuh! Huwag na. Susunod na lamang ako. Hahayaan ko na lang. Kinain ang lugaw na dala niya bago uminom na naman ng gamot na lihim ko ding itinatapon. Hindi ko naman kasi kailangan dahil wala naman ako sakit. "Magpagaling ka. Hindi ka makakasama sa akin sa pagsundo kay Christina sa airport sa susunod na araw." Natigilan ako. Napatitig sa kanya. Oo nga naman pala. Muntik ko ng makalimutan na may girlfriend pala siya. 2 years na sila ni Christina. 2 years na lagi akong bubuntot buntot sa kanila sa tuwing may lakad sila. Well, ewan ko ba. Lagi niya akong sinasama sa bawat lakad nilang dalawa. Kulang na lang na isama pa ako kapag may intimate or private things silang gagawin. "Bakit kailangan ko pang sumama?" Tanong ko. Iwinaksi ko ang kamay niya na umalalay sa akin ng patayo ako. "Lagi ka namang sumasama sa akin diba?" "Yeah! Pero hanggang ngayon parin ba? Frances, momemt niyong dalawa iyon kaya hindi mo na dapat akong isama pa." Sagot ko sa kanya. Nakakaramdam na kasi ako ng paninikip sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang masaya sa piling ng girlfriend niya. Minsan naisip ko na sana ako na lang si Christina. Ako na lang minamahal niya. Pero hindi mangyayari iyon dahil hanggang kaibigan lang ako sa kanya. At hindi ko pwedeng sabihin o hindi niya pwedeng malaman iyon. "Hindi na ako sasama sayo kapag may date kayo ng gf mo. Lagi mo akong ginagawang chaperone. Sasama na lang ako kapag may ka date na din ako para double date tayong apat." Nilangkapan ko ng pagbibiro ang tuno ng boses ko. "Huh!." Nangunot ang nuo niya. Tumitig din sa akin. "Sabihin mo nga sa akin? May Bf ka na din ba?" At BF talaga? Hindi ba pwedeng GF na lang? Kasi naman.. alam niya na malambot ang puso ko. Katulad ng mommy nila. Akala ko nga noon at inisip ko na gagaya din siya sa mga magulang niya na magmamahal siya ng kagaya ko pero hindi nangyari ang inaasahan ko dahil babae ang nagpatibok ng puso niya. At isang maganda at sikat na modelo ang GF niya. "Huwag mong ilihim sa akin kong may BF ka na. Pipiktusan kita makita mo." "Tigilan mo nga iyan. Advance mo naman mag isip. Sinabi ko lang naman na saka na ako sasama sayo kapag may ka date na ako. Hindi ko sinabi na may bf ako." "Ganun na din iyon. May napupusuan ka na ba? Kilala ko ba? Dapat makilatis ko para makasigurado akong hindi ka niya sasaktan. Aba! Dapat kung magkaka bf ka iyong kagaya ko. Stick to one lang." Mahaba nitong saad. Nailing ako at hindi nakasagot agad. Napatitig din sa kanya ng ilang sigundo na agad ko ding binawi dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Kung alam lang niya kung sino ang napupusuan ko. "Maghahanap pa ako." "I told you. Hindi hinahanap ang pag ibig. Kusa iyang darating." "Yeah! Like you. Na love at first sight kay Christina. Simula noong hindi mo na siya pinakawalan pa." "Oo naman. Kung mahal mo ang isang tao ay dapat ipakita mo sa kanya. Kaya iyon ang ginagawa ko. Lagi lamang akong naghihintay sa kanya. Ganun ko siya kamahal. Kaya ikaw. Huwag kang magpapadalos dalos sa paghahanap ng mabbf mo. Sinasabi ko sayo. Pipiktusan kita." "Oo na boss.. akina nga yan.. lumamig na tuloy ang lugaw ko." Sabay kuha sa kanya ang lugaw na hawak parin hanggang ngayon. Tinungo ang kusina at nilagay iyon sa oven para painitin pa. "Huwag mong ibahin ang usapan. Basta kapag may napupusuan ka na sabihin mo sa akin. Okay! Para makilatis ko siya kung kaya ka ba niyang ipaglaban. Ipagtangol." "Bakit makikipagbugbugan ba siya? Frances naman.." "Hindi ako nagbibiro." Seryuso at pinanlakihan pa ako talaga ng mga mata. "Yeah! Ikaw ang unang makakaalam." Sagot ko para tumigil na siya. Baka mamaya sa paksang pinag uusapan namin ay baka madulas pa ang dila ko at masabing siya ang gusto ko. "Good. Sige na. Kumain ka na ng makainum ka na ng gamot." Naging sunod sunuran ako. Pinagsilbihan pa ako. Kinuhanan ng pinggan at mga kubyertos. Tubig at inihanda pa ang gamot sa harapan ko. Gusto kong sabihin sa kanya na tigilan na niya ang pagiging mabait sa akin. Huwag iparamdam ang pag aalala sa akin. Dahil sa tuwing ginagawa niya at ipinaparamdam sa akin iyon ay lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD