Typos and grammatical error ahead!
¤¤¤
LANCE POV:
¤¤¤
Naging abala kami ni Frances sa pagsasaayos ng mga papeles na ipinasa sa amin ng bawat departamento ng kompanya niya.
Hindi na namin napansin ang paglipas ng oras hanggang sa marinig ko ang kanyang pagtawa.
"What?" Kunot ang nuo ko na mapaangat ang ulo ko sa kanya. "Ano naman nakakatawa?"
"Hindi ka man magsalita, hindi makakapahsinungaling ang tiyan mo." Natatawang sagot niya.
Binitawan ang mga papeles na binabasa. Inunat ang mga kamay.
"Ahhhhh.. nakakangalay. Tama na muna iyan. Gutom na din ako." Sabi niya na sinabayan ng pagtayo. "Ouch! Humihina na yata ang balakang ko."
Taas ang kilay kong tumingin aa balakang niya na ngayon ay hinihilot niya. Bigla na naman tuloy gumana ang imahinasyon ko.
"Ano?"
Napakurap ako ng ipitik niya ang mga daliri sa tapat ng mga mata ko.
"Gutom na gutom ka na ba kaya ka napapatulala diyan?"
"O-oo. Ikaw kasi. Ginugutom mo mga empleyado mo." Mabilis na sagot ko.
Binitawan ang ginagawa ko at mabilis na tumayo.
"Tara na nga. Nagyayaya lang dami mo pa sinasabi." Nakalabi kong sabi sa kanya at nauna na akong maglakad palabas ng opisina niya.
Sa opisina na kasi niya ako mismo naglalagi. May sarili akong maliit na lamesa para sa mga gawain ko bilang PA niya.
"Oo na nga.." katulad ng dati at hindi na ako nagulat pa ng umakbay siya sa akin. Pero hindi parin maiiwan ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Noon ay parang wala lang ang pagkakadikit ng katawan namin pero ngayon. Kaunting pagsagi ng balat ay nagdudulot ng pagwawala ng pagtibok ng puso ko. Pamumula ng pisngi ko.
Tanging nagagawa ko na lang ay ang piliting maging kalmado sa mga ganitong pagkakataon para hindi niya ako mahalata.
Gusto kong umiwas pero hindi umubra dahil ang dami niyang tanong sa akin bakit para daw akong umiiwas at kung ano ano pang tanong na hindi ko masasagot ng hindi madadamay ang nararamdaman ko.
Kahit mahirap ay kinakaya ko parin naman.
¤¤¤
¤¤¤
"Mauuna na ako mamaya. Dadaanan ko pa si Carla mamaya."
"Hmmm."
"Tapos, hindi ako makakasabay ng dinner sayo." Pagbibilin ko habang abala parin naman ako sa pag aayos ng mga papeles na pipirmahan niya.
Hindi na siya sumagot. Abala siguro sa ginagawa kaya hindi na niya ako sinagot pa.
Hinayaan ko na lang. Hindi ko na din naman naiangat ang mukha ko sa ginagawa ko kaya hindi ko din makita kung ano talaga ang ginagawa niya.
Ilang minuto din ang lumipas bago ako nagpasyang tumigil sa ginagawa ko para ipasa na sa kanya ang mga natapos ko ng naiayos.
"Huh." Natigilan ako. Dahil sa paglingon ko. Mahimbing na sa pagkakatulog ang Frances na nakita ko.
Kunot ang nuo kong nilapitan siya.
Gigisingin ko na sana siya pero may nag udyok sa akin na huwag siyang gisingin.
Maingat na lumapit pa ako sa kanya. Walang ingay na hinila ang isang upuan at itinabi iyon sa kanya.
Ang kamay na nakapatong sa lamesa niya ang ginawang unan. Nakatagilid ang ulo niya kaya kitang kita ko ang maamo niyang mukha.
Bahagyang nakaawang ang mga labi na may mabining paghilik.
Marahang humaplos ang kamay ko sa pisngi niya na sininguradong hindi siya magihising sa pagdampi ng palad ko sa kanya.
"So handsome parin." Bulong ko.
Sa mga ganitong pagkakataon lamang ako malayang nakakatitig sa kanya ng puno ng pagmamahal. Mahahaplos ang pisngi niya ng puno ng pag iingat. At lalo na ang madama ang mga labi niya ng mga daliri ko na hindi ko magawa kapag gising siya.
"Masasabi kong napakaswerte ng Christina na iyon dahil mahal na mahal mo siya." Mahinang boses na saad ko habang patuloy ako sa masuyong paghaplos sa pisngi niya at pahdama ng daliri ko sa labi niya.
Sa pagtitig ko sa kanya ay para akong nahihipnotisno na kumilos at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
"Just this one." Bulong ko. Bago ko tuluyang dinampian ng halik ang labi niya. "I love you Frances."
Para akong natauhan at bumalik sa tamang huwesyo ang pag iisip ko ng kumilos siya at mabilis ang ginawa kong paglayo sa kanya.
Hindi naman siya nagising bagkus kinusot lamang ang labi niya at ipinagpatuloy ang pagtulog.
Napasimangot ako. Kahit ba naman sa pagtulog niya ay ramdam niya na hindi si Christina ang humalik sa kanya.
Nakakasakit ng damdamin na kahit mahimbing na siyang natutulog ay ayaw niyang magpahalik sa iba.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Nagpalipas lang ng ilang minuto bago ako nagpasyang gisingin siya.
"Hoy! Frances.. gising na." May kasamang pag alog sa balikat niya.
"Mmmmm." Gumalaw siya at unti unting nagmulat. Kinusot ang mga mata at nag-inat.
"Ugh! Nakatulog pala ako." Saad niya na may kasamang paghilot ng sintido bago tumingin sa akin. "Matagal ba ako nakatulog?"
"Huh! H-hindi naman. H-hindi ko din napansin kasi nakafucos lang ako sa ginagawa ko." Sagot ko. Hindi makatingin ng derstso sa kanya dahil sa kabalbalang ginawa ko.
Ano na lang kung nagising siya mismo habang magkadikit ang labi namin. Ano na lang ang gagawin ko at ipapaliwanag ko kung sakali?
"Ganun ba? Anong oras na ba?" Tanong pa niya na tumingin naman sa relo na nasa kamay. "Uwian na din pala. Sabay na tayong umakyat mamaya."
"Hindi na. Pupuntahan ko pa si Carla mamaya para maihatid sila ni mama sa terminal ng bus para sa pag-uwi ng probinsya." Sagot ko.
"Di samahan na kita. Para sabay na tayo umuwi. Wala naman din akong gagawin mamaya. Sakay na lang sila ng kotse ko para tipid sa pamasahe kahit man lang hanggang sa terminal ng bus."
"Hindi na kailangan. Ako na lang."
"No! I insist. Saka pwede ba. Lagi ka na lang tumatanggi kapag gusto kitang samahan."
"Ayan na naman tayo. Sinasanay ko lang ang sarili ko." May katutuhanang sagot ko. Palaging ganito ang tanong niya sa tuwing umiiwas at tumatanggi akong samahan niya. "Hindi habang buhay ay lagi kitang kasama."
Totoo naman iyon. Kapag natuloy ang balak niyang pakasalan si Christina ay malabo na ang palagi naming paglabas na magkasama. Kaya habang maaga pa ay sasanayin ko na ang sarili kong lumayo sa kanya.
Hindi naman siguro ako darating sa puntong mamamalimos ng kaunting oras niya para lang makasama ko siya.
"Kaya nga habang wala pa tayong sariling pamilya, dapat sulitin natin ang pagsasama." Sagot niya na nakapagpatigil sa akin at napatitig ako sa kanya. "Hindi na natin magaga ang palaging magsama kapag natuloy ang balak kong pakasalan si Christina." Di yata't nabasa ang laman ng isip ko sa mga sinabi niya.
"Ah basta. Ako na lang mag isa. Saka hindi ka ba uuwi sa inyo sa A. Place. Matagal ka ng hindi umuwi doon ah." Kuway pang iiba ko ng usapan.
"Sina daddy at papa ang bumibisita sa akin palagi. Hindi mo lang nakikita dahil palagi ka ng nagkukulong sa condo mo."
"Uhmmm.. gusto ko lang namang magpahinga ng maaga at mapayapa."
"Bakit? Hindi ka ba nakakapagpahinga ng maayos? Aba't ang ganda nga tulog mo lagi kapag nasa condo mo ako.. haha. Lakas mo pa humilik."
Tinampal ko ang braso niya. "For your information Mr. Anderson. Hindi ako naghihilik."
"At paano mo naman nasiaiguro iyan? Tulog ka paano mo malalaman?"
"Basta.. baka ikaw dyan.. hmmp." Sabay talikod sa kanya. "Heto o. Pirmahan mo na nga iyan.. nabasa at naayos ko na ng mabuti iyan kaya di mo na kailangang uliting basahin."
"Iniiba ang usapan. Ahahaha." Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa tinatawanan niya ako. "Haha.. sige na. Hindi na ako tatawa.. basta sasama ako sayo mamaya. Tayo na ang manghahatid kina tita Arlyn mamaya at kay Carla."
"Bahala ka." Ipinatong na sa lamesa niya ang mga papeles na naayos ko. Nakangiti lamang siya na tumingin sa akin bago binalingan ang pipirmahan.
Wala na akong naging pagtutol sa pagsama niya. Dahil wala na din namang magahawa ang pagtanggi ko na huwag siyang sumama.
¤¤¤
¤¤¤
"Mag ingat kayo sa pag uwi mama." Paalam ko kay mama at kay Carla ng makasakay na sila ng bus.
"Yes baby."
Naiwan sa ere ang kamay ko ng marinig ko si Frances na may kausap sa phone.
Ang ngiti ko kanina na para kina mama ay nawala dahil seryuso na akong napatingin sa kanila.
Kahit na maingay ang paligid ay dinig na dinig ko ang pakikipag usap niya sa kasintahan.
"Are you okay?.. hmmm.. just take a medicine for your cold then rest... hiling ko na sana nandiyan ako para alagaan ka." Nag aalala ang boses na kausap niya sa kasintahan.
Dahil natuon na ang pansin ko sa kanya ay hindi ko na namalayan na nakaalis na pala ang bus na sinakyan ng mama at ni Carla.
Tanging ang likod na lang ng bus ang nakita ko hanggang sa tuluyan na itong lumiko at hindi ko na nakita pa.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi na ako nagsalita pero kinalabit ko siya sa balikat at sinabihan sa mahinang tinig na aalis na kami.
Sumunod naman siya habang patuloy na nakikipag usap sa kasintahan hanggang sa makasakay kami ng kotse niya.
Ayon na din sa naririnig ko mula sa kanya ay may sakit na sipon, ubo at lagnat ang kasintahan at alalang alala naman siya dito.
Sa nakikita ko sa kanya ngayon ay kung nakakalipad lang o nakakapag teleport siya ay baka ora mismo ay pinuntahan na niya ito.
"I love you baby. Mag ingay ka diyan please. Nahihirapan din ako kapag nahihirapan ka." Patuloy na pakikipag siya dito.
Napakagaan, napakalambing. Puno ng pag aalala at pagsusumamo habang kausap ang kasintahan.
Nakakainggit si Christina na madalas kong ihiling na sana ako na lang ang nasa kalagayan ni Christina at ako ang mahal niya.
"Yes baby.. I miss you a lot. I really miss you so much."
Parang kinukurot ang puso ko sa mga naririnig ko na nagpapahayag ng pagmamahal niya dito. Gusto ko ding masabihan na miss na miss niya ako. Gusto ko ding marinig mula sa kanya na mahal din niya ako.
Isa na namang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Hanggang pangarap na lamang ako. Hanggang panaginip na lang mangyayari ang mga nasa isip ko.
"Sige na baby. Mag ingat ka palagi diyan. Tatawag ako ulit mamaya kapag nakauwi na ako. I love you again and again baby." Na sinabayan ng isang halik mismo sa cellphone niya.
"Kumusta siya?" Kuway tanong ko kahit hindi naman ako interesado.
"She got a cold, fever. Nag aalala ako sa kanya, Lance."
"Yeah! Natural lang iyan dahil mahal mo siya. Nasabihan mo naman siya na uminom ng gamot."
"Sana nga gumaling siya agad. Parang gusto ko siyang puntahan ngayon."
"As if ganun naman kadali. Saka kaya naman niya alagaan ang sarili niya dahil hindi na siya bata. Kaya huwag mong masyadong pag aalalahanin yang kaaintahan mo."
"Hindi ko mapigilan. Gusto ko siyang puntahan at ako ang mag alaga sa kanya." Pagpapatuloy niya sa mababang boses na puno talaga ng pag aalala sa kasintahan.
Isa na namang buntong hininga ang pinakawalan ko.
Nakakainggit naman talaga. Mahal na mahal niya si Christina.
"Yeah! I know that. So can we go now? Or you want me to drive."
"Yeah! We must go home first para matawagan ko din siya agad." Pinaandar ang kotse at minaneho na nga iyong pauwi.
Wala na siyang imik. Ng makarating kami ng sa gusali ng condo unit namin ay nakatingin na lang siya sa cellphone niya.
As usual. Ang wall paper niya ay ang larawan ni Christina.
"Good night." Nadismaya ako ng hindi siya sumagot. Basta na lang ikinaway ang kamay at pumasok na sa sariling condo unit.
Naiwan akong nakatingin sa nakasarang pinto na pinasukan niya.
"Hindi ako magiging hadlang ng kaligayahan mo. At sana patuloy ka lang maging masaya sa kanya." Naibulong ko habang titig na titig parin ako sa pinto.
Halos isang minuto din ako nakatayo doon bago ako nagpasyang pumasok sa sarili kong unit.
Pasalya akong umupo ng sofa ng makapasok ako. Naihilamos ang mga palad ko sa mukha ko at nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Walang kami. Dahil magkaibigan lang kami kaya hindi dapat ako makaramdam ng paninikip ng dibdib sa sakit na nararamdaman ko.
Oo, masaya na ako na nakikita siyang masaya kahit hindi ako ang dahilan ng mga pag ngiti niya.
Kahit masakit, ay wala akong magagawa. Kundi ang maging masaya para sa ikaliligaya niya.
"Frances.." usal ko sa pangalan niya. "Kakausapin mo pa kaya ako. Kung malaman mo ang nararamdaman ko para sayo?"
Napakahirap ang magmahal ng isang tao, na kaibigan lang ang turing sayo.
Masama na ba akong tao, kung aaminin ko na minsan naihiling ko na sana, maghiwalay silang dalawa?
Pero.. sa naisip ko.. alam kongmasasaktan ang kaibigan ko. Dahil mahal na mahal niya si Christina.. higit pa yata sa pagmamahal sa sarili niya.
¤¤¤
¤¤¤
Tatlong beses na akong nagdoorbell pero wala akong makuhang sagot mula sa kanya.
Dati rati naman ay siya pa ang nauunang kumatok sa pinto ng condo ko pero hindi ko nahintay kaya naman ako na mismo ang kumatok sa pinto niya.
May dala akong breakfast para pagsaluhan namin. Sabay kaming nag aagahan basta wala ba ang girlfriend niya kaya nasanay na ako sa umagang kasabay siyang kumain.
"Hey! Frances.. openthe door." Malakas na tawag ko sa kanya pero nanatiling walang sagot mula sa kanya.
Kunot ang nuo ko na ibinalik sa loob ng condo ko ang niluto kong agahan bago siya muling kinatok.
Doorbell at pagkatok na ang ginawa ko pero wala padin.
"Frances." Pagtawag kong muli sa kanya.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako nagpasyang buksan ang condo niya gamit ang duplicate key na nasa akin.
Hindi ko naman ugali ang gamitin iyon dahil pinagbubuksan naman niya ako agad kung kakatok ako pero ngayon..
Kailangan kong malaman kong bakit hindi niya ako pinagbubuksan.
"Frances?" Tawag ko sa kanya. Ang dilim ng paligid kaya naman nagpasya akong buksan ang ilaw na nasa tabi lamang ng maindoor.
At ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita siyang nakahandusay sa sahig kasama ang mga nagkalat na bote ng alak.
"Frances." Agad ko siyang dinaluhan. "Anong nangyari sayo?" Tinapik ko pa siya pisngi na para lang gumising siya pero nasa kalaliman siya ng tulog dala ng pagkakalasing niya.
Napakasangsang ng amoy ng alak na lumalabas sa katawan niya kaya naman kumilos na ako para ipahiga siya sa sofa.
Nahirapan ako dahil sa laki ng katawan at bigat niya. Gusto ko man sanang malaman ang dahilan kung bakit siya naglasing ay hindi na muna iyon ang inuna ko.
Binanyusan ko siya para palitan ng damit. Matapos ko siyang malinisan ay isinunod ko naman ang buong sala. Sa may kusina at pati sa silid niya ay nagkalat ang ilang mga gamit.
Parang nagwala siya.
Pero ano ang dahilan niya para magwala siya?
"What happen?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko namang wala akong sagot na makukuha mula sa kanya.
Masuyong hamaplos ang mga palad ko sa sa pisngi niya habang pinagmamaadan siya.
Maayos lang siya kagabi bago kami naghiwalay. Pero bakit ngayon....
"Frances? Anong nangyari?" Paulit ulit kong tanong na gusto ko ng magkaroon ng kasagutan.