Episode 4

998 Words
Sherry's POV "O,Sherry, bakit nandito ka sa department namin, nasaan si Natie?" tanong sa akin ni Daniel nang pumunta ako sa department nila. Wala kasi akong kasama. "Hindi pumasok si Natie masakit daw ang tiyan." Sabi ko. "May gagawin ka ba dito sa Engineering department? " tanong ni Daniel sa akin. "Wala lang. Gusto ko lang tumambay kasama ka. Mamaya pa ang next subject ko kaya wala pa akong gagawin. Samahan mo muna ako, hindi ba vacant mo ngayon?" tanong ko. Tumango siya. Tinabihan niya akong umupo at inakbayan. Feeling close kasi kami. Ewan ko ba at wala namang malisya sa akin kahit akbayan pa ako ni Daniel. Siguro dahil sanay na ako sa kaniya. "Sure ka ba na ako ang ika-18th roses mo, hindi na si Kuya Axel?"bigla ay in-open niya ang topic about sa pagsali ko sa kaniya sa ika-18th roses ko. "Oo sure na sure na iyon. Bakit ayaw mo ba?" Napakamot siya sa ulo. "Siyempre gusto." Pinisil ko ang matangos niyang ilong. Nagkatawanan kaming dalawa. Axel's POV Hindi ko maiwasang mainis dahil sa pag iwas sa akin ni Sherry. Samantalang dati palagi niya akong binabati. Ngayon parang gusto na niya akong isuka. Ano bang problema ng batang iyon? Napabuntonghininga ako. "Oh, kuya, may naghahanap sa iyo. Chickas, ganda, ah." Sabi ng kapatid kong si Devon. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang girlfriend kong nakaupo sa sofa at para siyang nandidiri sa paligid niya. Alam ko namang hindi ganoon kalaki at kaganhan ang aming bahay. Mga luma na rin kasi ang mga gamit namin. "What are you doing here?" tanong ko sa kaniya nang makapasok sa loob. Napatingin ako sa kusina kugn naroon si Nanay. Pero parang wala naman tao maliban sa kapatid ko. Tumayo siya at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Then she cupped my face and kissed me on the lips. Sherry's POV Napanganga ako sa nakita ko. May kahalikan si Kuya Axel. Biglang sumiklab ang inis ko kaya imbes na umalis nag-stay pa ako doon at pinanood ang halikan nilang dalawa. "Tao po, may tao po ba!" kinalampag ko ang pinto kahit naman naka-open. Nagulat ang dalawang nagtutukaan. Napatingin sa akin si Kuya. Parang may takot ang itsura niya nang makita ako. Inirapan ko siya. Ang landi nila. Dito pa talaga sila naghahalikan sa salas "Babe, can we talk later. I'm going in your place promise," sabay dampi ng halik sa lips ng girl. Ginaya ko ang gesture ni Kuya Axel habang sinasabi iyon na walang sounds. Dumaan sa tapat ko ang girl at tinaasan niya ako ng kilay at parang diring-diri sa akin. Akala mo naman maganda mas maganda kaya ako sa kaniya. 'Nakamake-up lang siya ako natural ang ganda.' Sabi ko sa sarili ko. Nagpasya akong umalis na rin. Paalis na sana ako nang higitin ni Kuya Axel ang braso ko. Nagpumiglas ako. "Bitawan mo nga ako, Kuya! Isusumbong kita kay Tita at Tito. Sasabihin kong may katukaan ka!" sabi ko. "As if naman na magagalit ang mga iyon. Nasa right age na ako. Eh, kung ikaw kaya isumbong ko kay Tita na may katagpuan kang lalaki sa mall," pagbabanta niya sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niyang katagpuan. "Hoy, for your information, boyfriend, ko nga 'di ba! Natural lang na mag-date kami doon sa mall. Masama ba iyon!? Eh, ikaw ang tanda mo na para ilihim pa kila Tita at Tito na may syota ka na!" balik singhal ko sa kaniya. Tinalikuran ko na siya. Nasalubong ko si Natie sa may gate na kumakain ng chocolate. Hinablot ko ang chocolate na hawak niya. Saka nagtuloy sa paglalakad palabas ng gate. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin. Habang naglalakad kumakain ako ng chocolate na ninakaw ko kay Natie, para maibsan ang inis ko sa lalaking iyon. Akala mo kung sino. Iyon ba ipinagmamalaki niya sa akin? Ang kapal ng makeup! Nakita ko si Daniel na kagagaling lang sa paglalaro ng basketball kasama ang mga barkada niya. Napansin nila akong naglalakad. Tinawag niya ako."Sherry, my love!" My love sinasabi niya? Nagtawanan ang mga kasama ni Daniel nang makalapit sila sa akin ay bigla niya akong inakbayan. Nakita ko ang pagdaan ng sasakyan ni kuya Axel. Ang sama ng tingin niya sa amin. Akala mo naman syota ko siya para makatangin ng masama. Sa sobrang inis ko kay Kuya Axel, I kiss Daniel cheeks na ikinagulat naman niya. Biglang napahinto ang sasakyan ni kuya Axel. Bumaba siya sa sasakyan. Bigla niya akong hinila at naglakad patungo sa kotse niya. "Ano ba, Kuya ,bitawan mo nga ako. Ano ba'ng problema mo!" sigaw ko. Ang sakit pa naman ng pagkakahawak niya sa braso ko. Humarap sa akin si Kuya Axel at napahagod ng buhok na parang frustrated sa buhay. "You are my problem! Hindi ko alam kung bakit! Damn it!" nanlaki ang mga mata ko dahil minura niya ako. Bigla ko siya sinampal kaya napabaling ang mukha niya. "Damn it ka rin! Huwag mo ako minumura! Grabe siya, oh!" galit na sabi ko. Nanlilisik na tiningnan ako ni Kuya kaya napaatras ako. Tatalikod na sana ako nang mahagip niya ang braso ko. Sapilitan niya akong ipinasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Nang makasakay saka niya pinaharurot ang sasakyan. Nang makalayo na kami sa hindi mataong lugar. Inihinto niya at saka bumaling sa akin. Salubong ang kilay at parang nagtitimpi lang sa galit. "Bakit mo ginawa iyon?" seryosong sabi nito sa akin. "Ano'ng ginawa ko?" naguguluhan na tanong ko. Ano bang pinagsasabi niya? "Why did you kissed that asshole?" inirapan ko siya. "Bakit masama na bang i-kiss ang boyfriend ko? At huwag mong tatawaging asshole si Daniel dahil ikaw ang asshole sa inyong dalawa!" dinuro ko siya kaniyang mukha. Hindi ko namalayagn ang lapit na pala ng mukha ko sa kaniya. Tumaas ang sulok ng labi ni Kuya Axel. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi. Napaawang ang aking mga labi. In one swift move, he kissed me on my lips!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD