(Axel POV) Masaya naman kami ni Sherry na nakatira dito sa probinsiya. Wala naman naging problema. Gusto ko sanang ayusin na ang kasal namin ng baby ko para magkasama na kami sa iisang bubong. Nagtuturo na siya dito sa pampublikong eskwelahan ng elementarya. Maayos naman ang mga co teacher niya. Naka move on na din si Sherry sa nangyari sa kanya. Ilang buwan din itong hindi nakikihalubilo sa mga tao lalo sa mga lalaki. Kaya ingat na ingat akong makagawa ng mga bagay na ginagawa ko sa kanya dati. Mahal ko si Sherry kaya gagawin ko lahat maging masaya lang ito. Hindi ko kayang mawalay sa kanya ng matagal kaya kahit saan siya pumunta susundan ko ang baby ko. " Tanda ano'ng ginagawa mo dito?" Sabi ni Sherry sa akin. Iyon ang endearment sa akin ni Sherry mas unique daw kasi kapag ganoon. Ka