INALIS ni Kael ang kamay nito sa pantalon ni Maddie nang may kumatok sa pinto ng kwarto at maayos na umupo ito sa upuan habang si Maddie naman ay tumayo at inayos din ang sarili saka lumapit sa pinto at binuksan iyon at isang Nurse pala iyon na pumasok saka may nilagay na gamot na naka-IV para kay Poypoy. Napansin ni Maddie na napatingin ang Nurse kay Kael at halatang humanga ito sa kagwapuhan ni Kael.
Gwapo naman talaga si Kael kahit noon pa man at malakas ang dating pero mas lalo na ngayon dahil sa mga mamahaling suot nito at sa lalong gumandang katawan nito na laging parang may makapangyarihang tindig. Iyon lang ang tingin niya kay Kael at hindi niya alam kung ganoon din ang tingin ng iba pero sa tuwing nakakasama niya ang lalake ay nanliliit siya dahil nagmumukha lang siyang busabos na alipin sa tabi nito dahil sa tan niyang balat ngayon, mumurahing damit at hindi nakaayos na mahabang buhok.
Hindi na magawa pang mag-ayos ni Maddie kagaya noong dalaga pa siya at nag-aaral sa kolehiyo dahil mas kailangan niyang maghanap buhay para sa anak at pinsan na umaasa sa kaniya at para na rin sa pang-araw-araw nilang kakainin saka sa lahat ng mga utang na binabayaran nila.
Hindi nagtagal ang Nurse at kinabahan na naman siya nang sila na lang ulit dalawa ni Kael dahil baka ituloy nga nito ang gustong gawin sa kaniya. Tumayo si Kael dahilan para mapatingin siya sa lalake.
“Sa Monday na tayo ulit magkita at magdala ka ng mga gamit mo dahil sa Condo ko na ikaw tutuloy habang personal slave kita,” sabi ni Kael.
Nagulat pa si Maddie nang may inihagis na card si Kael kaya napatingin siya sa lalake na puno ng pagtataka.
“Debit card ko iyan at may laman ng pera. Gamitin mo para bumili ka ng mga mamahaling damit at hindi basahan kagaya ng suot mo ngayon saka paayos mo ang buhok mo. Gusto kong maayos kang haharap sa akin sa Monday,” utos nito sa kaniya.
Napatayo siya sabay kinuha ang debit card at inabot kay Kael.
“May pera pa ako rito galing sa’yo. Iyon na lang gagamitin ko para ayusin ang sarili ko,” tugon niya.
“Tanggapin mo iyan kung ayaw mong ipakain ko sa’yo iyan!” banta ni Kael sa kaniya dahilan para ibaba niya ang kamay na may hawak ng debit card. “Lagi mong tatandaan na sundin kung anong gusto ko kung ayaw mong saktan pa kita,” malamig na sabi pa nito sa kaniya.
Napatango na lang si Maddie sa takot na nadarama.
“Maaga kang magpunta sa Monday sa Condo ko. Text ko na lang ang address o hindi kaya ay ipapasundo na lang kita sa tauhan ko rito para hindi ka na mahirapan pa ng masasakyan,” anito.
“I-ikaw ang bahala, Sir,” tugon niya.
Umangat ang kamay ni Kael dahilan para mapayuko siya dahil natatakot siyang saktan ni Kael dahil sa isinagot niya. Humawak sa pisngi niya si Kael saka inangat ang mukha niya at sinalubong siya nang maalab na halik sa labi dahilan para magulat siya pero hindi niya nagawang pumalag o tumugon sa halik nito sa kaniya.
Hinayaan niya lang si Kael na pagsawaan ang labi niya hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa halik na iyon at hinabol niya kaagad ang paghinga.
“Ayoko na ring magtatrabaho sa club na iyon. Huwag ka nang pumasok mamaya at magpaalam ka na sa boss mo,” utos na naman ni Kael sa kaniya.
“O-opo, Sir,” ayon na lang din ni Maddie.
Tumalikod na si Kael at naglakad na paalis.
“S-Sir K-Klay,” tawag niya dahilan para huminto si Kael at lumingon sa kaniya na may seryosong mukha. “S-safe po bang sa Condo niyo ako titira? B-baka kasi may sumugod sa akin doon na a-asawa niyo o girlfriend niyo. Ayos lang naman sa akin na uupa ako malapit sa Condo mo—“
“Sinusuway mo na naman ba ang gusto ko—“
“H-hindi, Sir!” mabilis niyang tugon at pakiramdam niya ay manginginig na siya sa takot. “M-mayaman ka rin kasi at b-baka makasira sa pangalan mo—“
“Wala akong asawa. Sa tingin mo ba magtitiwala pa ako sa ibang babae matapos nang kagaguhang ginawa mo sa akin?” galit pero mahina ang boses na putol ni Kael sa sasabihin pa sana niya.
Lumapit si Kael dahilan para mapaatras siya sa takot at mabilis na iniharang ang dalawa niyang kamay sa papalapit na binata at dama na niya ang panginginig nang buong katawan niya.
“H-huwag mo akong sasaktan. Sorry na, sorry,” halos pumiyok ang boses niya sa panginginig at takot na nadarama niya.
Hindi natuloy ang paglapit ni Kael kay Maddie kaya unti-unti siyang huminahon saka tumingin kay Kael na puno ng pagtatakang nakatingin sa kaniya na naglaho rin at biglang naging blangko na ang emosyon ng mukha nito.
Tinalikuran na siya muli ni Kael at doon ay tuluyan na itong umalis at iniwan siya dahilan para makahinga siya nang maluwang at nanghihinang umupo sa sofa. Biglang may alaalang bumalik kay Maddie at kahit ang takot ay bumalik din sa nakaraang iyon na nangyari sa kaniya pero mabilis niyang inalis iyon sa isip niya dahil wala naman na ang taong ilang beses na nanakit sa kaniya at hindi na siguro iyon babalik pa kailan man.
---
PAULIT-ULIT na pumapasok sa isip ni Klay ang takot na ipinakita ni Maddie sa kaniya at nanginginig din ang mga kamay nito habang pilit na pinoprotekthan ang sarili. Hindi alam ni Klay pero bigla ay nagtaka siya at nakadama ng awa kanina sa dalaga pero inalis niyang lahat iyon dahil alam niya kung anong klaseng babae si Maddie at kung gaano ito kagaling magpanggap kaya hindi na dapat siya makadama ng kahit konting awa o pagtataka sa ikinikilos nito at dapat mag-ingat siya at huwag muling mahulog sa babaeng iyon.
Kailangan din ni Klay na magtagumpay sa plano niya. Hindi lang ang paghihiganti kay Maddie at sirain ito kagaya ng pagsira noon nito sa kaniya pero may isa pang mahalagang dahilan kaya gusto niyang mas nasa tabi niya si Maddie, may gusto siyang mabawi sa dalaga na ninakaw nito sa bahay ng Lolo niya at kung saan nito dinala iyon. Napakahalaga iyon sa Lolo at Mama niya hindi dahil sa halaga niyon kundi dahil kung anong nasa loob ng bagay na iyon na isang alaala mula sa espesyal na tao. Alam ni Klay na hindi benenta iyon ni Maddie dahil ilang-taon na niyang pinapahanap iyon sa iba’t-ibang bentahan ng accessories at hindi magiging ganito kahirap ang buhay ni Maddie kung talagang naibenta niya iyon.
Kung naibenta man ni Maddie sa isang tao na niloko rin ito sa halaga ng bagay na iyon ay aalamin ni Klay sa dalaga kung sino ang taong napagbentahan ni Maddie para mabawi niya ang bagay na iyon. Sisiguraduhin ni Klay mapapaamin niya si Maddie habang nasa tabi niya ang dalaga para mabawi iyon habang unti-unti rin niyang sinisira si Maddie.
Iyon lang ang halaga ni Maddie kaya pinili ni Klay na maging s*x slave niya ito hindi dahil gusto niyang makasama ang dalaga kundi para mabawi ang mahalagang bagay na ninakaw nito sa kaniya at makabawi sa lahat ng pagsirang ginawa nito sa kaniya. Matagal nang inaantay ni Klay na magawa ang paghihiganting ito subalit si Maddie na rin ang unang muling nagpakita sa kaniya kaya naumpisahan niya ang plano at ngayon alam niyang hindi siya magsisisi sa gagawin dahil sisiguraduhin niyang magtatagumpay siya.
Mabuti na rin na nakakaramdam pa rin ng pagnanasa si Klay sa katawan ng dalaga dahil maganda pa rin naman hanggang ngayon si Maddie kahit mukhang laging pagod ito sa katatrabaho at maraming pinagdadaanan na problema sa buhay. Hindi na nga lang kasing-sigla noong mga bata pa sila ang mga mata nito at bakas ang lungkot dala marahil sa kahirapan.
Mukhang kinarma rin si Maddie kahit ang pamilya nito dahil nalaman niyang wanted ang nakakatandang kapatid nito at ulila na rin sa magulang si Maddie. Lahat talaga ng kasalanan ay dapat pagbayaran pero para kay Klay, ay kulang pa ang pinagdaanan ni Maddie sa ginawa nitong pagsira sa kaniya at sa mga taong nawala sa buhay niya noon na halos ikabaliw niya kaya dapat masira pa niya ang dalaga at mabawi pa niya ang ninakaw nitong mahalagang bagay sa Lolo niya.
Marahas na napabuntonghininga si Klay saka pinaandar na ang sasakyan at tuluyan nang umalis sa parking ng Ospital kung saan pinapagamot ang anak ni Maddie. Isa pa iyon sa pinagtataka ni Klay, ang anak ni Maddie na hindi naman masasabing hindi totoo dahil nang makita niya ang bata ay kamukhang-kamukha ng dalaga at talagang hindi nalalayong maging anak nito.
Pero nang magtalik sila sa unang beses na pagtatalik nila matapos ang ilang taon na hindi pagkikita ay napansin niyang masikip ang dalaga na parang hindi nanganak.
Hindi na birhen si Maddie at alam niya iyon dahil siya ang unang nakaangkin sa dalaga pero ganoon pa rin ba dapat kasikip kahit nanganak na? Hindi alam ni Klay kung dapat pa ba niyang intindihin iyon pero minsan gumugulo rin iyon sa isip niya at napapatanong din siya kung sino ba ang ama ng anak ni Maddie at bakit nagawa nitong iwanan ang anak at ang dalaga?
Sa bahay sa Bulacan siya tumuloy na siya ang nag-design at mismong kasama siya at mga kaibigan niya nang gawin iyon. Tinupad niya noon ang pangarap niya para sa Mama niya at ang naging usapan nila noon ni Maddie pero ang Mama niya lang ang nasa isip niya nang ipagawa ang bahay na iyon at doon niya rin planong tumira kasama ng magiging pamilya niya pero hindi na si Maddie kagaya ng nasa plano niya noong magkasama sila ng dalaga at nabibilog nito ang ulo niya kundi ibang babae at ang fiancée niya iyon na anak ng matalik na kaibigan ng Papa niya.
Hindi naman pinilit si Klay ng Papa niya na pakasalan ang anak ng matalik na kaibigan ng Papa niya siya na rin ang nagsuhestiyon dahil kilala niya na mabuting tao ang matalik na kaibigan ni Papa at gusto rin nito na mapabuti ang anak kaya siya ang gustong maging asawa ng anak nito.
Si Talitha na kilala rin niya pero hindi kagaya niya na resposable, kilalang mabait na anak at talagang naipagmamalaki ng pamilya, si Talitha ay walang ibang ginawa kundi gumastos, maglayas at magkasaya sa kayamanan tinatamo at gusto ng Papa nito na ikasal sila at siya na mismo ang magpapatino sa dalaga. Mabait naman si Talitha at pumayag din na ikasal sila pero ang gusto nito ay bigyan na muna siya ng kalayaan na gawin ang mga gusto niya bago sila ikasal na pinayagan naman niya.
Nangako rin si Talitha na magpapakatino na ang dalaga kapag kinasal na sila kaya hinayaan na muna niya at matapos ang isang-taon ay saka nila paplanuhin ang kasal nilang dalawa.
Ideal na si Talitha para maging asawa niya dahil may kilala at mabait na pamilya saka alam niyang mabuting babae si Talitha kahit easy go lucky ito. Malambot ang puso ng dalaga sa mga nangangailangan at marami itong tinutulungan na mga nangangailangan at hindi rin mapagmataas kagaya ng ibang mayayaman.
Nasisigurado ni Klay na magugustuhan ni Talitha ang bahay na pinagawa niya kahit wala siyang alam kung ano bang klase ng bahay ang gusto nitong tirhan.
Dumiretso si Klay sa kwarto sa ikalawang palapag saka humiga sa kama. Kompleto na ang kagamitan sa bahay na iyon pero kung gusto ng mapapangasawa niya na palitan ang ilang kagamitan ay hahayaan niya lang para na rin sa ikakaligaya ng asawa niya.
Pumikit si Klay at doon ay tuluyan na siyang nakatulog subalit isang panaginip ang gumulo sa pagkakahimbing niya at hindi iyon basta panaginip lang dahil alaala iyon nang nakaraan mula sa kabataan nila ni Maddie.
Noong panahong nag-uumpisa pa lang ang pagmamahalan nilang dalawa.
“MASARAP ba?” tanong ni Maddie kay Klay habang kinakain ni Klay ang nilutong kare-kare ni Maddie at nasa cafeteria sila ngayon sabay na nagtanghalian.
Panay ang nguya ni Klay pero wala siyang reaksiyon kaya mukhang kinabahan na si Maddie at nakatitig na sa kaniya. Kahit kinakabahan na ang dalaga na may halong pag-aalala ay ang maganda pa rin si Maddie at hindi man lang nabawasan ang ganda nito kahit ‘konti.
“Ano? Hindi ba masarap? Hindi ba pumasa sa panlasa mo?” pangungulit na tanong ni Maddie saka ngumuso na at ngayon ay talagang malungkot na ito. “Maaga pa naman akong gumising para lutuin iyan at sa panlasa ko masarap na siya, eh, pero mukhang hindi papasa sa’yo,” himutok ni Maddie.
“Sinabi ko bang hindi masarap?” tanong niya na may ngiti sa labi.
Nanlaki ang mga mata ni Maddie saka napatingin sa kaniya at ngumiti.
“Masarap?” naniniguradong tanong nito sa kaniya.
“Sobrang sarap at halos hindi ako makapagsalita dahil sa sarap ng pagkain na niluto mo,” tugon niya.
Napangiti lalo si Maddie pero ngumuso ulit at kunwari sumimangot.
“Binobola mo lang yata ako, eh, para hindi sumama ang loob ko,” anito.
“Masarap naman talaga kahit ipatikim mo pa sa mga kaibigan mo pero saka na lang kapag busog na ako at may matira pang ulam,” tugon niya at magana nang kumain.
Masarap talagang magluto si Maddie at hindi siya nagsisinungaling sa sinabi niya para lang hindi sumama ang loob ng dalaga. Halata naman na nasiyahan si Maddie dahil ginahan siyang kumain sa niluto nitong ulam.
“P’wede ka nang mag-asawa dahil ang sarap mo nang magluto,” biro niya matapos maubos ang pagkain na dinala ni Maddie sa kaniya.
“Kung ganoon ay pakasalan mo na ako dahil kapag ako ang naging asawa mo ay laging masarap ang ulam mo saka maasikaso rin ako. Nagmana kasi ako kay Mama na maasikaso sa asawa at mga anak at masarap magluto kaya maswerte ka na kung ako magiging asawa mo,” tugon ni Maddie.
Hindi nagawang magsalita ni Klay dahil nagulat siya sa sinabi ni Maddie. Sa sinasabi kasi ni Maddie parang gusto nitong ikasal sila samantalang wala naman silang relasyon. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa sinabi ng dalaga.
Simula nang makasama niya si Maddie at maging tutor nito ay unti-unting bumalik ang paghanga niya sa dalaga hindi lang dahil sa kagandahan nito kundi dahil sa pagiging mabuting tao nito, masayang kausap at pati na rin sa mga sweet gesture nito na napapansin niya.
Palagi kasi siyang pinapaalalahanan ng dalaga na iwasang magpalipas ng gutom kahit pa abala siya sa pag-aaral at sa trabaho, laging maglagay ng bimpo sa likod para hindi matuyuan ng pawis, mag-ingat at nagbigay pa talaga si Maddie ng bimpo at panyo sa kaniya. Nakikita rin niya na mabait din si Maddie sa mga kaibigan at hindi ito madamot kaya hindi nakakapagtaka na marami itong kaibigan at maraming humahanga sa dalaga. Hindi lang kasi maganda si Maddie sa panlabas na anyo kundi pati sa kalooban nito kahit hindi ito katalinuhan.
“Ayaw mo bang maging asawa ako?” tanong ni Maddie dahilan para bumalik siya sa reyalidad. “Hindi mo siguro tipo ang pang-housewife lang, ano? Gusto mo iyong kagaya mong matalino at may mataas na pangarap na hindi kagaya ko,” anito saka ngumiti pero napansin niyang may lungkot ang mga mata nito.
“Gusto kong maging asawa ka, gusto kita,” tugon ni Klay at hindi na napigilan ang sariling sabihin iyon.