NATAPOS nang lahat ni Maddie ang inutos sa kaniya ni Kael subalit inabot na siya ng alas-onse ng gabi bago pa matapos ang labahin dahil marami pa lang maruming damit ang binata at kahit mga tuxedo na kinamay niya lang na labhan at talagang napagod siya sa dami at bigat ng mga nilabhan niya. Pati mga bed sheet na makakapal na limang piraso ay nilabhan na rin niya at hindi na pinagpabukas.
Automatic naman ang washing machine ni Klay subalit dahil sa manu-manong paglalaba ng tuxedo ng binata ay talagang napagod siya at humapdi na ang kamay niya sa sabon at pagkusot ng tuxedo. Sa oras na matuyo ang mga tuxedo ay paplantsahin pa niya iyon.
Ngayong tapos na siya sa gawaing bahay at nakapaghapunan na siya ay pumasok na siya sa ookopahin niyang kwarto ang doon ay nagpalit na siya ng pangtulog saka humiga sa kama. Sa sobrang pagod ay nakatulog na siya kaagad at naging mahimbing ang tulog niya lalo pa at may air con ang kwarto na inookopa niya. Sa gitna ng pagkahimbing ay nagulat at muntikang mapabalikwas si Maddie sa kamang hinihigaan nang maramdamang may humablos sa labi niya subalit hindi siya tuluyang nakatayo at nakahiga pa rin siya sa kama dahil may nakadagan na sa kaniya.
Walang iba iyon kundi si Kael at naamoy niya ang alak sa labi nitong humahaplos sa labi niya. Nakadama ng kaba si Maddie dahil nasa harapan na naman niya ang binata na kanina ay galit sa kaniya at amoy alak pa.
“S-Sir,” mahina at puno ng takot na tawag niya sa binata.
“I like your smell, Maddie,” sabi nito at bumaba ang labi nito sa leeg niya.
Humaplos ang kamay ni Kael sa katawan niya hanggang sa napunta sa isa niyang dibdib na wala ng bra saka mahinang pinisil iyon.
“H-huwag mo akong sasaktan, Sir,” nauutal na pakiusap niya.
Umangat ang ulo ni Kael saka tumitig sa mukha niya at ngayon ay naaninag na niya ang gwapong mukha ni Kael kahit medyo madilim at tanging lampshade lang ang naiwan niyang bukas.
“Ang saktan ka ang talagang plano ko. Higit pa sa sakit na dinulot mo sa akin at gusto kong masira ka higit pa sa pagkasirang ginawa mo sa akin noon,” bulong ni Kael.
Gustong maiyak ni Maddie sa mga sinabing iyon ni Kael. Naalala na naman niya ang mga kasalanan niyang ginawa rito at kung gaano noon nasira ang binata.
“Pero sa ngayon ang gusto kong gawin ay angkinin ka,” dagdag ni Kael saka hinalikan siya nang maalab.
Nagulat pa si Maddie dahil hindi mapanakit at marahas ang ginawang paghalik sa kaniya nang binata idagdag pa ang marahang paghaplos nito sa katawan niya. Hindi kagaya nang una siyang inangkin nito sa kotse nang pumayag siya sa kasunduan, ibang-iba ngayon kahit at marahan na paghubad ni Kael sa damit niya.
Parang ang dating Kael na nakilala at naging nobyo niya, ang lalaking iningatan, minahal at unang lalaking umangkin sa kaniya nang buong pag-iingat.
Hindi na namalayan ni Maddie na wala na siyang kahit anong saplot at bumalik lang siya sa reyalidad nang tumayo si Kael saka hinubad ang suot nitong tuxedo pati ang polo na suot kaya tumambad sa kaniya ang magandang katawan ng binata. Nanlaki ang mga mata niya dahil mas napagtanto niya ngayon na talagang lumaki ang katawan ng binata at may abs na ito hindi kagaya noong magnobyo sila subalit kahit hindi noon kalaki ang katawan ni Kael sa paningin niya ay perpekto pa rin ang nobyo niya pero lalo na ngayon at mas nanlaki ang mga mata niya at hindi na naalis ang paningin niya sa katawan ni Kael nang tuluyan nang alisin nito ang saplot sa katawan.
Kahit medyo madilim sa kwarto ni Maddie ang kitang-kita niya ang naghuhumindik na pagkalal*ke nang binata.
“Did you enjoy what you saw?” nakangising tanong ni Kael sa kaniya dahilan para umangat ang tingin niya at mapatitig sa mukha nito.
“S-Sir,” nauutal na sabi ni Maddie saka dama niya ang pamumula nang buong mukha.
Lumapit si Kael sa kaniya at dumagan sa katawan niya kaya damang-dama niya sa pagitan ng hita ang matigas at mahaba nitong kahandaan.
“Ganiyan na ganiyan ang reaksiyon mo noong unang gabi natin, Maddie, gulat na gulat at namumula,” nakangiting sabi ni Kael sa kaniya.
Napakagat si Maddie ng labi upang pigilan ang mga luhang gustong tumulo sa mga mata dahil sa pagpapaalala na naman nito sa nakaraan nila. Isang magandang alaala na hinding-hindi niya kakalimutan.
Subalit ang emosyon na iyon ni Maddie ay natakpan nang maalab na halik ni Kael, na hindi naglaon ay tinugunan na niya at nawala na siya sa sarili kaya pati siya ay hinahaplos na rin ang magandang katawan ng binata. Bumaba ang labi ni Kael sa leeg niya at sinipsip nito ang balat niya sa banda doon dahilan para mahina siyang mapaungol. Mahapdi dahil medyo madiin ang pagkakasipsip nito sa balat niya subalit kasabay niyon ang kiliti lalo pa at sinasabayan ng binata ng paghaplos sa legs niya paangat sa gitnang bahagi ng katawan niya.
“I love hearing your moan, Maddie,” sabi ni Kael habang patuloy na bumababa ang labi nito at nagtungo na sa isang dibdib niya.
Hindi magawang makapagsalita ni Maddie at tanging ungol lang ang lumalabas sa bibig niya lalo na at nilalaro na ni Kael ang isa niyang dibdib habang ang isang kamay ay unti-unti nang humihimas sa pagkab*bae niya. Pinaghiwalay pa ni Kael ang dalawa niyang binti saka unti-unting ipinasok ang isang daliri nito sa loob niya dahilan para marahas siyang mapaungol.
Sa dalawang dibdib niya ay palitan ang labi ni Kael na nilalaro ang mga iyon saka sinisipsip na akala’y may lalabas na gatas doon na gustong inumin ng binata.
“S-Sir,” hindi mapigilang halinghing ni Maddie.
“Tawagin mo ako sa pangalan kong Kael. Gusto kong marinig mula sa bibig mo iyon habang pinapaligaya kita, Madison,” hiling ni Kael sa kaniya.
Bumaba na ang labi ni Kael mula sa puson niya hanggang sa nakarating iyon sa gitnang bahagi ng katawan niya saka mas pinabuka ang mga hita niya at ipinatong ang isang legs sa balikat nito.
“Kael!” gulat na bulalas niya nang walang alinlangan na hinalikan ng binata ang pagkab*bae niya na nagdulot ng kiliti at naglalagablab na init mula sa katawan niya.
Kahit kanina ay nag-alinlangan siya sa gustong ipatawag na pangalan nito sa kaniya ay hindi niya napigilang banggitin pa rin iyon dahil sa sensasyong nadarama.
“It's been a long time since I've kissed and tasted this part of your body,” puno ng pagnanasang sabi ni Kael. Ngayon akin ka nang muli ay ako na lang ang lalaking gagawa sa’yo nito. Naiintindihan mo, Madison?” puno na ngayon ng kaseryosohang sabi sa kaniya ng binata.
“O-oo, Sir,” nautal niyang tugon dahil nakadama siya bigla ng takot sa kaseryosahan ng binata.
“Good,” nakangising sabi ni Kael at malakas na siyang napaungol nang bumaba na naman ang labi nito sa pagkab*bae niya.
Ngayon pinapaligaya na siya ni Kael at sa isang iglap ay nawala na naman siya sa sarili at paulit-ulit na tinawag habang umuungol ang pangalan ng binata. Hindi lang sa bahaging iyon dumaan ang labi ni Kael at halos sa buong katawan niya at naramdaman niya habang sinasamba siya ni Kael ay ipinasok na ni Kael ang dalawang daliri sa loob niya kaya mas lumakas ang ungol niya saka naging malakot ang balakang niya.
Noong nagtatalik sila ni Kael hindi ito ganito kagaling pero masaya sila kapag ginagawa iyon dahil mahal nila noon ang isa’t-isa at isa pa, parehas din sila noong walang karanasan dahil mga bata pa naman sila noon kahit pa nasa tamang edad na sila para gawin iyon. Nagawa ni Kael na halikan ang buong katawan niya noon subalit ang pagsabayin ang kamay at labi ay ngayon niya lang naranasan sa binata.
Nagulat pa si Maddie nang bigla na lang umalis si Kael sa harapan niya kung kailan malapit na niyang maabot ang rurok saka marahan siyang hinila at pinaupo sa kandungan nito at dahan-dahang ipinasok ang naghuhumindik na pagkalalake ng binata.
“F-ck! Ang sarap!” malakas na ungol ni Kael.
Napangiti siya dahil kitang-kita niyang nasisiyahan ang binata sa pagtatalik nilang iyon at iyon sa ngayon ang mahalaga para sa kaniya, ang mapaligaya ang binata.
Magkaharap sila habang nakaupo sa kama at damang-dama niya ang kahabaan ng binata sa loob niya. Hinaplos ni Maddie ang mukha ni Kael saka hinalikan na rin ang binata nang marahan. Alam niyang nagulat si Kael pero hindi naglaon ay gumanti na rin ito sa halik niya habang umuulos ang binata.
Napayakap na si Maddie sa balikat ni Kael at mayamaya ay napasigaw siya dahil naabot na niya ang sukdulan habang si Kael ay patuloy pa ring umuulos nang mas mabilis dahil alam niyang malapit na rin si Kael. Nakayakap lang si Maddie sa binata habang nagsasalo ang labi nila hanggang sa maramdaman niya ang mainit na katas ang binata sa loob niya at parehas silang pagod na napahiga sa kama at humihingal.
Nakayakap pa rin si Maddie sa katawan ng binata at hindi niya iyon inalis habang nakapikit siya at humihingal.
“Mahal kita, Kael,” hindi napigilang bulong niya at nadala na siya sa pagod at antok na nadarama niya.
---
“Mahal kita, Kael.”
Iyon ang paulit-ulit na naririnig ni Klay kahit pa ngayong nagising siya sa pagkakahimbinng.
Oo, lasing siya kagabi nang angkinin niya si Maddie na ngayon ay nahihimbing at walang kahit anong saplot na nakayakap siya pero nasa katinuan pa rin naman siya at lahat ng ginawa nila kagabi ni Maddie, ay natatandaan niya.
Matapos kasi ng pakikipag-usap niya sa pamilya ng fiancée nang sumapit ang gabi ay naisipan na niyang magpaalam at umuwi. Dinahilan na lang niya na may mahalaga siyang trabahong naiwan sa bahay na kailangan niyang matapos bago magkinabukasan.
Mabuti ay hindi na nag-usisa pa ang magulang ng fiancée niya at kahit na si Talitha, na girlfriend at fiancée niya. Umuwi si Klay kagabi na madilim na ang buong bahay at naabutan niyang napakalinis ng buong bahay at kahit ang mga labahin niya ay natapos nang lahat ni Maddie.
Marami iyon kaya siguradong napagod si Maddie kaya sinilip niya ang dalaga sa kwarto nito at nakita niyang mahimbing na natutulog na ito. Wala sa plano niyang makipagtalik sa dalaga sa gabing iyon subalit hindi napigilan ni Klay ang sarili nang makita ang suot ng dalaga na pantulog na bagay na bagay kay Maddie at kitang-kita ang ganda ng katawan nito pati na rin ang mala-anghel na kagandahan ng mukha nito.
Lasing pa si Klay kaya mas lalo siyang tinalaban ng pagnanasa hanggang sa nilapitan na niya ang dalaga at nauwi na nga sila ng pagtatalik. Pero hindi iyon ang nasa isip niya ngayon kundi ang sinabi ni Maddie kagabi na mahal siya nito.
Mapait siyang napangiti.
Mukhang inaakala na naman ni Maddie na mauuto siya nito kaya nag-uumpisa itong magsabi na mahal siya nito upang magawa na naman nito ang nagawa noon sa kaniya.
Galit na tumingin siya sa dalagang mahimbing na natutulog saka marahas na bumangon sa kama dahilan para magalaw ang dalaga pati ang kama na kinahihigaan niya at doon ay naalimpungatan si Maddie saka napatingin sa kaniya.
Kahit bagong gising ay napakaganda pa rin niya at nakakaakit ang namumula nitong labi.
“Gising ka na pala, Kael,” anito.
Imbes na magpadala siya sa kagandahan ng dalaga ay pinigilan niya ang sarili saka galit na hinablot ang braso ng binata na ikinagulat nito at dumaan ang takot sa emosyon ng mukha nito.
“Mukhang nakalimutan mo na naman na sinabi ko sa’yo na huwag mo akong tatawagin sa pangalan na iyon!” galit niyang sabi sa dalaga.
“S-sorry, Sir,” mabilis na hingi nito ng tawad sa kaniya.
Naramdaman na naman niya ang panginginig ng buong katawan na ilang beses niyang pinagtakhan dahil kung umasta ito ay parang sinaktan na niya ito noon at may trauma ito sa kaniya.
Marahas niyang binitawan ang braso ni Maddie. “Tumayo ka na at ipagluto ako ng agahan!” utos niya sa dalaga. “Matapos mo akong lutuan maligo at magbihis ka ng pang-opisina dahil sasama ka sa akin sa opisina at magtatrabaho ka na rin doon bilang bago kong Sekretarya.”
Nagulat na napatingin si Maddie kay Klay pero hindi naman ito nagreklamo at tumango na lang saka siya umalis sa kwarto nito at hindi na nag-abala pang takpan ang hubad na katawan.