Chapter 2

2109 Words
Chapter 2 FLASHBACK 2 Maagang nag stretching ang mga kagrupo nila sa basketball dahil nine in the morning ang start ng Labanan nila. "Jopay ipitin mo 'yang boobs mo! Nako baka masiko ka ng mga kalaban mamaya basta madumi mag laro ang mga HRM." Suway ng teacher nila. Alas otso pasadong bumaba ng covered courts ang mga ito. Napaka daming tao at outsiders din ang nanunuod. Bukod sa 100 years na ng school nila kaya napaka daming imbitado at bongga ang selebrasyon.. Naka posisyon narin sila sa court nila at nag papractice mag shoot ng bola, samot-saring sigaw ng mga kalalakihan sa mga HRM students na todo Make up. Akala mo ay mga Tourism students kung mga asta. Suot lamang ni Jopay ang Sando niyang jersey at maikling shorts. Hubog na hubog ang malaki nitong balakang at makinis na binti. Sumama na siya sa loob ng court at doon napansin ng iba ang ganda niya. "Bro ang tangkad naman non, parang model.." pag tapik ni Kim kay Ethan na napatingin o nakatitig narin sakaniya. Nahagip kasi ng mga mata nito ang bukol sa noo niya. "Wait siya ba 'yong naumpog kahapon?" Tanong ni Ethan. "Ohh s**t! Siya nga!" Sigaw ni Bryan na puno ng excitement para bang bumalik sila sa pag ka teenager. "Tang ina Bryan masisira ang gwapong image natin sa ginagawa mo!" Suway naman ni Kim na nahihiya dahil nakatingin ang ibang mga estudyante sakanila "Narda 82.." banggit ni Ethan habang pinanunuod si Jopay na mag laro, parang turompo ito kung umikot at sumingit para maka rebound ng bola.. Ito kasi ang pangalan na nakalagay sa Likod ng jersey niya "NARDA 82". "Angas non Narda ang pangalan sumasakto mag coconcert ang Kamikazee mamaya, dapat itsa natin yan sa stage. Para mag stage dive sabay sigaw ng Darna.." nag tatawanang kwentuhan ni Bryan kay Kim.. "Mukhang sabogan mamaya at ma hi-highblood nanaman ang may ari ng school sa katigasan ng mga estudyante.." sagot ni Kim "For sure, may flying condoms mamaya.." singit ni Ethan habang nakatitig padin sa Dalagang may pangalang NARDA 82. Joana Paey Aguinaldo o mas kilala sa tawag na "JOPAY" binyag ito ng organizer sa mga events sa school nila na si Wendel, Sabay ang magulang niyang namatay sa trahedyang naganap sa Cebu kasama ang dalawa niyang kapatid sa pag bagsak ng eroplano papunta ng Manila. Naging scholar siya ng Gobernor sa Cebu dahil sa katalinuhan niya. Kaya pinadala siya sa Manila dahil kakilala ng Gobernador na ito ang Mayor dito. Pero hindi naging mabuti ang nilipatan niyang apartment kaya nakilala niya ang kaibigan niyang si Rina na mayaman ang buhay nito pero student assistant din sa school na tulad din niyang scholar. Dahil pangarap niyang tumulong sa mga taong nasa malalayong lugar tulad ng bundok at liblib na lugar, minabuti niyang maging social worker. Ito ang natutunan niya sa Cebu habang nag tatrabaho siya sa Munisipyo noon. "Tang ina naman!" Nag punas ng pawis si Jopay habang pikon na pikon na lumabas ng court, pinalabas kasi siya matapos niyang sikuhin ang kabilang team, pinag iinitan siya dahil sa mabilis niyang pag kuha ng bola. Pinag mamasdan siya ni Ethan habang naka talikod. Gulo gulo narin kasi ang buhok nito. Niladlad niya ang buhok niya at inayos ulit. "Water?" Pag alok ni Ethan sakaniya. Kinuha ni Jopay 'yon at binigay sa kasama niya. "Bro wala kapala! Pinamigay lang kagawapuhan mo.." pag aasar ni Kim sa kaibigan niyang kulang nalang ay masuntok na niya dahil sa kanina pa siya inaasar nito. Tambak ang HRM, dahil pumasok muli si Rina at Jopay, sampo agad ang agwat nila sa ibang team. Ito na ang huling laban nila para sa Championship. Nag sigawan ang mga estudyante ng maka huling 3 points shot si Rina na binuhat siya ng mga kasama niya. Tawang tawa ang mga ito at sumasayaw aliw na aliw si Ethan habang pinanunuod niya ang mga ito. Papaalis na sila ng biglang lumapit si Rina kay Bryan ang drummer ng Banda... "Pupwede bang mag pa picture sayo?" Pinipigilan ni Rina na kiligin dito. "Sure!" Umakbay ito kay Rina at nag pa litrato pa. Nasa may puno lamang si Jopay habang inaantay matapos ang kahibangan ng kaibigan. "I know gutom ka! Gusto mo bang sumama? Gusto ka din na makasama ni Bryan na kumain?" Pang aasar ni Kim sa kaibigan. "Ah oo sabay kana?" Pag kukumpirma ni Bryan dito. Sumensyas lamang si Rina sa kaibigan na ayaw parin lumapit, wala naman siyang nagawa kung 'di sumama sa tatlo. Kasama nila ngayon ang tatlong ito sa loob ng classroom kung saan sila nag papractice. Nilatag ni Jopay ang tuwalya niya sa pinag dikit dikit niyang Upuan, dahil antok na antok siya at pagod. Masakit din ang tagiliran niya dahil sa pag siko ng kabilang course. Hinayaan lang niyang makipag kwentuhan si Rina sa dalawa. Halos ngumanga na si Jopay sa sobrang sarap ng tulog nito. Iniwan siya ng mga ito dahil kumain na din sa labas. Ang hindi niya alam ay pinag mamasdan siya ni Ethan habang hawak nito ang Guitara, naiwan silang dalawa dito habang kinakantahan siya nito. Dumilat si Jopay dahil nagising siya sa mga lyrics na naririnig niya, hindi niya nagawang bumangon dahil pinapakinggan lamang niya ito.. "Ang ganda naman ng boses nito, para bang nakikinig ako ako sa mp3." Bulong niya sa sarili habang pinakikinggan niya ito. Bumangon si Jopay ng bigla siyang napabaheng.. "What the f**k!" Sigaw sakaniya ni Ethan at nakataas ang kilay na hinarap siya. "Sorry natuyuan yata ako ng pawis, labas na ako, thank you sa aircon" tuluyang lumabas si Jopay at tinahak ang headquarters nila para mag shower. "Puta Alas sais na!?" Kaharap niya ngayon si Rina na abot langit ang ngiti. "Oo ang sarap kaya ng tulog mo sa classroom kung saan nag papractice 'yong Trio." Banggit ni Rina, todo ayos pa ito kala mo isasagala "I have VIP ACCESS! Siguradong mag mo-moshpit ang mga estudyante! Kamikazee 'yon girl!!" Tuwang tuwa ito at inabot sakaniya ang ID, na exclussive silang makakapasok sa loob ng stage at hindi sa Pit ground kasama ang mga estudyante. Nasa ibaba ng stage sila Jopay at Rina kasama ang mga photographer sa school. Dumarami narin ang mga estudyante na nag kukumpulan ang ilan ay unahan malapit sa stage. Samantalang sila ay nakaupo lamang sa ibaba ng stage inaantay nilang lumabas ang Trio. "Yong tatlong itlog ba ang kakanta?" Tanong ni Jopay habang pinupunggol niya ang buhok, hindi naman siya mahilig mag suklay basta maitali lamang niya ang mahaba niyang buhok ay okay na siya. "Oo excited na nga ako!" Para bang maiihi sa sobrang kilig ang kaibigan niya na hindi mapakali kaka-silip sa gilid ng stage kung saan lalabas ang Trio. Nag simulang namatay ang mga ilaw at nag tilian ang mga audience. Nag simulang pumalo ng drums si Bryan kaya kulang nalang ay mabiyak na ang eardrums ni Jopay sa mag kabilang sigawan ng mga ito. Sinunod ng bahistang si Kim. Mas lalong nag sigawan ng nag simulang kumanta si Ethan. Napatingin lamang siya dito habang pinapakinggan ang ganda ng boses nito. Kung ano ang boses nito kanina sa classroom ay ganon din kung paano sa mikropono. Walang halong autotune ika nga. Tumingin ito sa banda niya at bumaba pa ng stage. Mas lalo pang nag sigawan ang mga tao sa likuran niya. "I hate you Rina! Bakit mo ba ako tinutulak!" Sigaw niya sa kaibigan niya.. "tignan mong sayo nakatingin! Tang ina kakilig ang sarap nila" sigaw ni Rina Nakatitig lamang sa malayo si Wendel, siya ang palaging nag iimbita sa banda ni Ethan dahil hanggang ngayon nag tatrabaho ito sa school bilang organizer at treasurer ng unibersidad. Ito din ay may lihim na pag tingin kay Jopay. Limang kanta din ang kinanta ng bandang ito, at ngayon panibagong pag aantay nanaman dahil Susunod na ang Sugarfree. Napansin niyang tumanbi si Ethan sakaniya. "Ganyan kaba ka-bored manood ng concert?" Tanong ni Ethan at tumabi sakaniya. Hindi makalapit si Wendel dahil sa Kailangan don lamang siya sa pwesto niya, kahit gustong gusto niya kasing makasama si Jopay bukod sa graduating student ito. Hindi sila masyado nag kakarinigan dahil sa mga sumisigaw na estudyante na hindi naman din pansin ni Ethan. "Inaantay ko kasi 'yong Kamikazee.." walang lutay na sagot nito. "Ikaw 'yong babaeng headbanger sa glass window diba tiyaka NARDA?" Pang aasar ni Ethan sakaniya. Tinignan pa nito ang harap ng Jersey shirt niya na may nakalagay na Narda. "Oo hayop kasi 'yang mga fans niyo parang tanga! Pumangit tuloy ako." Sabi ni Jopay habang bwisit na inirapan siya. "Ethan Brown" nilahad niya ang kamay niya dito. "Brown? Lakas maka Aso ha BROWNIE!" Pag bibiro ni Jopay nakita niyang sumimangot ito kaya sinabi narin niya ang pangalan niya "Joana Paey Aguinaldo A.K.A Jopay pwede deng Narda" banggit niya ulit nito habang turo niya ang T-shirt niya. Napatawa naman si Ethan sakaniya. "You like Kamikazee?" Maya-maya ay biglang nag tanong ulit si Ethan at bumulong sakaniya dahil sa ingay ng banda at ng mga tao. Napatingin si Jopay sa binata at nakita niya ang Brown eyes nito na nasinagan ng spot light. Napakatangos ng ilong nito at may mapupungay na mata. Hindi maiwasan ni Jopay na matulala sa binatang ito. Kung matangkad na siya ay mas matangkad padin ito sakaniya. "Ah oo rock and roll kasi!" Sigaw nito para siguradong marinig siya nito. Nginitian lamang siya nito at hinawakan ang kamay niya para sumabay sa pag talon. "Pre tignan mo si Ethan damoves nanaman!" Bulong ni Kim kay Bryan "Tang ina kayong dalawa pala ang damoves!" Sinabi ulit ni Kim sa kaibigan na kahawak kamay din si Rina. Nag simula nang kumanta ang Kamikazee at nag sisigaw nadin si Jopay. Para bang naka kawala sa kural ang mga tao na nunuod sapag sabay nila sa bawat lyrics ng mga kanta nito. "TILA IBON KUNG LUMIPAD!" Sigaw ni Jopay habang hawak hawak ang lalamunan nito. Pinag mamasdan lamang siya ni Ethan habang aliw na aliw ito sa pinag gagawa niya. Nag simula ng mag talunan ang mga audience, ganon din nag liparan narin ang ginawang lobo na "flying condoms" nag basaan din dahil sa sobrang wild ng mga estudyanteng nanunuod pati sila na nasa harapan ay Natalsikan ng tubig. Tinulak nila sa Stage si Jopay dahil tinawag siya ng bokalista nito, nakita nito ang naka imprinta sa T-shirt niya. Wala ng nagawa si Jopay at naki sabay sa pag kanta ng mga estudyante. Nakalimutan niyang maging dalagang pilipina, nawala ang hinhin niya sa katawan kapag naririnig niya ang bandang ito. "She's so beaitiful!" saad ni Ethan sakaniya, pinag tatawanan naman siya ng mga kaibigan niya. Matapos ang event sa school, nag kayayaan ang mga kaklase nila na mag inuman kasama din dito ang tatlo dahil kakilala nila si Wendel ang organizer ng event. Nasa may kanto ng Ermita sila ngayon at nag iinuman kahit na hindi umiinom si Jopay napa inom siya ng alak. "You sure? Taas ng tagay mo Jopay mapait yan.." pag babala ni Ethan dito. Isang baso kasi ang alak nito, hindi man lang nag lagay ng yelo.. "Ethan hayaan mo 'yan kaya niya 'yan!" Suway ni Rina at sinabayan pa sa pag inom si Jopay na pulang pulang ang mukha at naniningkit na ang mga mata nito. "Huy inom ka lang party 'yan! WOOH! Guys champion tayo tapos ito GA-GRADUATE NA TAYO!!Cheers!" Sigaw ni Jopay at lumagok pa ng alak. Alas kwatro ng Madaling araw natapos ang mga ito. Para bang hindi nalalasing, tayong tayo padin si Jopay at si Rina. Hawak hawak ni Wendel sa Balikat si Jopay habang kumakanta padin ito ng Narda. "Mapapansin kaya? Sa Dami ng 'yong ginagawa?" Pag kanta nito. "Uuwi na kami Ni Jopay, Wendel.." hinatak niya ang kaibigan niya at dumikit silang dalawa kay Bryan. "Ihahatid ko na si Jopay at ikaw Rina.." pag ooffer ni Wendel dito. "Ssh, sasabay na ako kay Rina umuwi kana Wendel" hinawakan ni Jopay ang labi nito at tinalikuran na niya. Nakasakay sila ngayon sa Kotse ni Ethan. Nasa front seat si Kim at nasa likuran naman si Jopay, Rina at Bryan. Pinag mamasdan lamang niya ang Mukha ng Dalaga. Habang pasulyap sulyap sa salamin. Isa isa niyang hinatid ang mga ito hanggang sa nahuli niyang ihatid si Jopay, nakahiga na ito sa likod ng kotse. "Oh s**t, hindi ko alam saan ang address nito." Wala siyang choice kundi iuwi ito sa Bahay niya. Pinusan niya ito papasok ng kwarto. "What the f**k?!" Sigaw niya habang pusan niya ito. Naramdaman niya ang init na sa balikat niya, sinukahan siya nito na tumagos hanggang dibdib niya. Binaba niya ito sa Lapag at ni isang dumi walang nakalat na mukha nito kung 'di lahat sakaniya sinuka. Diniretso niya ang banyo at naligo siya. "Tumulong ka na nga naperwisyo ka pa.." matapos ang pag ligo niya nakita niyang ang sarap ng tulog nito sa sahig ng kwarto niya kaya hindi narin niya ito binuhat at hinayaan sa Sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD