The Wife's Affair

The Wife's Affair

book_age18+
1.9K
FOLLOW
11.7K
READ
love-triangle
sex
independent
inspirational
drama
tragedy
bxg
office/work place
secrets
wife
like
intro-logo
Blurb

Author's Note: Last daily update this February! Stay Tune! Enjoy Reading!

After her painful break-up with her first boyfriend five years ago, Danica Murillo married a man named Luke Torres, who tore down the wall she built for herself so as not to love again. Her married life was not that easy. They went through a lot of things in their relationship. Until one day, her ex-boyfriend, Gio Rivera, came back. Danica was confused about his intention, not until she realized he came back and tried to win her heart again. It wasn't long before she felt that she had feelings for him again.

How will she deal with the wicked love she felt for the man who fought his love at the wrong time? Will she choose happiness over the love she believed was right?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Danica Murillo NAGMAMADALI akong lumabas ng condo ko para salubungin si Gio sa lobby ng building. Hindi niya alam na sasalubungin ko siya kaya nagmamadali ako dahil baka bigla siyang umakyat sa condo ko. I have a surprise for him. This day is our 36th month of being together kaya naghanda ako ng dinner para sa kanya and I made it romantic. Balak ko kasi na takpan ang mga mata niya bago kami pumasok ng condo para masurpresa siya sa inihanda ko. Excited na ako! Halos tumatalon-talon nga ako sa tuwa nang matapos ko ang sorpresa ko sa kanya.  Dalawang linggo rin kaming hindi nagkita. Matapos kasi ang graduation ay nag-out of town sila ng family niya at pumunta ng probinsya para dalawin ang nagkasakit niyang lolo. Sobrang namimiss ko na siya at gustong-gusto ko na siyang mahagkan at makasama. Hindi kasi ako sanay na hindi kami nagkikita sa isang buong linggo.  Tatlong taon na kaming magkarelasyon. Kahit hindi gano’n ka-perfect ang relasyon namin ay masaya ako dahil tumagal kami ng ganito at naniniwala ako na siya na ang para sa akin hanggang dulo. Sobrang swerte ko kay Gio. Sabi nga ng mga kaibigan ko sa akin ay bihira na lang ang mga lalaking katulad niya. Maraming nagtangkang manligaw sa akin nang tumuntong ako sa college. Hindi sa pagmamayabang, pero may ipagmamayabang naman talaga ang itsura ko but still I choose Gio rather than those guys na gusto lang ako dahil maganda ako. He’s a family oriented person, matalino, masipag mag-aral kaya nga siya summa c*m laude nung grumaduate kami and I’m proud of him. Super proud! Gwapo rin siya, mabait, at higit sa lahat maka-Diyos. ‘Yun ang nagustuhan ko sa kanya. He was always with God wherever he went. Sa kanya ko rin natutunan na magdasal at mapalapit sa panginoon. Siguro nga isa rin sa dahilan kung bakit kami nagtagal is because we always put God first in our relationship before anything else. Hindi rin lumaki si Gio sa mayamang pamilya that’s why he’s working to have his own money to help his parents to support his needs. Napakaresponsable niya sa paghawak at paggastos ng pera. Ayaw na ayaw din niyang maging pabigat sa iba kaya as much as possible, gagawa at gagawa siya ng paraan para lang sa bagay na kailangan at gusto niya. That’s why I love him Napakaperpekto niyang boyfriend para sa akin at isa rin siyang perpektong asawa sa hinaharap. Sa aming dalawa, ako lang naman lagi ang nag-iinitiate ng away samantalang siya, lagi niya lang ako iniintindi lalo na ang pagka topakin ko. Para sa akin, si Gio na ang gusto kong makasama habang buhay. I have a lot of plans with him at sobrang excited na akong ipaalam sa kanya ang lahat ng ‘yun. Gusto ko ring marinig ang mga plano niya para sa aming dalawa. Hindi lang naman dapat ang plano ko ang masusunod, syempre mahalaga pa rin ‘yung sa kanya. Ayokong maging selfish dahil hindi ‘yun healthy sa relasyon namin. As much as possible, pinapakinggan namin ang hinaing ng bawat isa para walang gulo sa pagitan naming dalawa.  Habang pababa na ang elevator ay agad ko siyang tinawagan. Matapos ang ilang segundo ay mabilis din niyang sinagot ito.  “Hello, Love. Where are you? Malapit ka na ba? I’m so excited to see you,” masayang sabi ko.  “Yes, Love. Papasok na ako ng main lobby,” sagot niya.  Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad ko rin siyang natanaw sa entrance kaya mabilis kong ibinaba ang tawag at dagli akong tumakbo papalapit sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.   “Gio!” tawag ko.  “Danica! Why you didn’t tell me na sasalubungin mo pala ako rito? Hindi naman halatang excited ka na makita ako, Love?” tanong niya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya ay alam kong nakangiti siya habang yakap-yakap ako.  I closed my eyes and felt the warmth of him. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa saya.  “I miss you, Love,” bulong ko.  “I miss you too. Bakit ka umiiyak? Ilang linggo lang naman akong nawala. I love you,” sagot niya.  “Ih! Sobrang tagal mo kayang nawala! Miss na miss na kita! I love you more!” Bigla ko siyang hinalikan sa labi. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din siyang tumugon sa halik ko.  Matapos ‘yun ay tinulungan ko siyang bitbitin ang mga gamit niya.  “Kumusta ang byahe, Love?” tanong ko at mahipit kong hinawakan ang kamay niya.   “Nakakapagod. Dito agad ako dumeretso matapos ang mahabang biyahe dahil gustong-gusto na kitang makita. Alam mo namang ikaw ang pahinga ko, ‘di ba?” nakangiting sambit niya.  “Ang sweet naman ng love ko! Pero bakit parang mas gusto kitang pagurin mamaya?” nakakaakit na tonong sabi ko. Ito na naman ako. Umandar na naman ang kapilyahan ko.  Nakita kong gumuhit ang isang malawak na ngiti sa labi niya.  “Are you seducing me, Danica? Well! You can do whatever you wanted to do with me. Gustong-gusto ko ‘yang iniisip mo. Isang linggo rin tayong hindi nagkita, Love. Why don’t we do it now? In this place, for experience?” seryosong boses na sagot niya habang nakatingin siya direkta sa mga mata ko na akala mo gusto na akong sunggaban anumang oras.  Hinampas ko ang braso niya sabay tawa.  “Akala mo talaga kaya mo eh, noh? But in fairness, you look so hot being naughty. Baka nga ako pa ang hindi makapagtimpi sa’yo at bigla na lang kita sunggaban at hubaran d’yan!” pagbibiro ko.  “Baliw ka talaga! Halika nga rito.” Mabilis niyang ipinulupot ang kamay niya sa baywang ko at inilapit niya ako sa kanya. Naramdaman ko ang mga halik niya sa noo ko.   “Alam mo namang mataas ang respeto ko sa’yo, Danica. I will never ever do that thing hanggat hindi pa tayo kasal. So magtimpi ka muna, ha? Ilang taon pa ang hihintayin natin para sa bagay na ‘yan.” He smiled.  “I know and I’m lucky na nagkaroon ako ng boyfriend na katulad mo. Ayaw mo ba talaga? Sure ka na?” pagbibiro na tanong ko.  “Baliw ka talaga!”  Tumawa kaming dalawa.  Yes, sa tatlong taon naming pagsasama, wala pang nangyayari sa aming dalawa. We just kiss and hug each other but we never did s*x. Oo, minsan, sumagi na rin sa isip ko na i-seduce siya but I failed. Pinanindigan niya talaga na we will never do that thing hanggat hindi pa kami kinakasal and I’m so happy about it. Sobrang swerte ko napunta ako sa lalaking katulad niya. Sa lalaking binigay ang pagmamahal at respeto niya sa akin ng buong-buo.  Nang makarating kami sa condo ay piniringan ko siya bago kami pumasok sa loob. I’m so excited to see his reaction to my surprise.  “Ano na namang pakana ‘to, Love?” nakangiting sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko na piniringan siya.  “I have a surprise for you. I know you’re excited to see it, Love. Pinaghandaan ko talaga ‘to para sa’yo. I want this day to be memorable for us.”  “Ikaw talaga. You never failed to make me surprised and happy.”  “Handa ka na ba?”  Tumango-tango siya.  “Always ready.”  Binuksan ko ang pinto at inalalayan siya sa paglalakad. Nang makapasok kami sa loob ay dahan-dahan kong tinanggal ang mga piring sa mata niya. Tumambad sa harap niya ang isang round romantic table na may wine at mga paborito niyang pagkain na niluto ko na nasa lamesa especially the adobo na may mga nilagang itlog. ‘Yun talaga ang pinaka favorite niya. Alam ko kasing magugustuhan niya ‘yun. Nagliliwanag din ang mga christmas lights na nakakabit sa kisame. Tila sumasayaw ang ilaw nito kasabay ng malumanay at romantikong musika na tumutugtog.  “Wow! You made these?” malawak na ngiting tanong niya habang iniikot niya ang paningin sa buong condo.  “Yes. Nagustuhan mo ba?”  “Of course! Thank you, Love!”  “Happy 3rd anniversary, Love.” I smiled pero napansin kong nagulat siya sa sinabi ko at tila parang hindi niya alam kung anong mayroon ngayong araw.  “Oh s**t! Anong petsa ngayon?”   “It’s April 24. Anniversary natin ngayon, Love. Nakalimutan mo?” sagot ko na may tonong pagkadismaya. Nakaramdam ako ng konting pangingirot sa dibdib ko. Huwag niya sabihing nakalimutan niya?  Mabilis niya akong niyakap. Yakap na sobrang higpit.  “I’m sorry, Love. Nakalimutan ko. Marami kasi akong iniisip ng mga nakaraang araw at sobrang abala ko rin sa pag aasikaso kay lolo sa probinsya. Hindi ko na namalayan na anniversary pala natin ngayong araw.” paghingi niya ng paumanhin.  Ngumiti ako.  “Ano ka ba! Okay lang! Tara na maupo ka na at kumain na tayo,” sabi ko pero bigla niya hinila ang braso ko at hinalikan niya ako sa noo.  “I’m sorry, Love. Happy 3rd anniversary. Hindi man lang kita nabilhan ng regalo,” tugon niya.  “I don’t need any presents. Ikaw lang naman ang gusto kong regalo sa mga ganitong okasyon. You’re enough.” I smiled.  “I love you,” he said.  “I love you too.”  Habang masaya kaming nagkukuwentuhan ay naisip kong ilabas na ang munting regalo ko para sa kanya. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang maliit at itim na box na may lamang singsing na binili ko noong nakaraang linggo. Yes, It’s engagement ring and I want to propose to him and ask him if he can marry me. Siguro nga iisipin ng iba na hindi dapat babae ang gumagawa nito, pero para sa akin, wala naman ‘yun sa kung ano ang kasarian mo kung mahal na mahal mo talaga ‘yung tao. And it’s really cliché na palagi na lang lalaki ang gumagawa nito para sa aming mga babae. Boys really deserve surprises too and they really deserve a woman who will surely love them, forever.  Ngumiti ako at inilapag ko sa harap niya ang kahon kung nasaan ang singsing. Wala akong nararamdaman na kahit anong kaba dahil alam kong tatanggapin niya ang alok kong magpakasal sa kanya.  Nakita kong gulat na gulat siya nang mailapag ko ‘yun sa harap niya.  “Danica.” He called my name and he stared at me, directly, shocked.  Lumawak lalo ang ngiti ko dahil sa reaksiyon niya. He didn’t expect this.  “I know it’s too early to do this. Alam mo kung gaano kita kamahal, Gio. Mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko. Alam ko na alam mo rin na siguradong-sigurado na ako sa’yo. Sigurado na ako na ikaw ang magiging present at future ko. You’re the man I want to live forever, Gio. Sayo na umiikot ang mundo ko, dahil ikaw… Ikaw na ang naging mundo ko. I love you… I really do at sana tanggapin mo ang regalo kong ito para sa’yo.” Huminga ako ng malalim bago ko pakawalan ang mga tanong na gustong-gusto ko ng sabihin.  Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa lamesa at tumingin ng direkta sa mga mata niya. I saw him, crying, at alam kong umiiyak siya dahil sa saya na nararamdaman niya. I smiled at dahan-dahan kong binuksan ang kahon para ipakita sa kanya ang singsing na regalo ko.  “Will you ma—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.  “Danica… S-Stop.” Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para maisarado muli ang kahon ng singsing na dapat ay bubuksan ko. Nangunot ang noo ko lalo nang magsimula siyang umiyak sa harap ko.  “Love? Are you okay? This is just a gift. Hindi naman ako nagmamadali but I know, someday, we can marry soon when we’re stable. I just want you and me to have this together as a sign of you being my fiance. Hindi ka ba masaya sa regalo ko?” Sa parteng ito, nakaramdam na ako ng kaunting kaba dahil na rin sa ginawa niya. He stopped me to ask that question. Doon pa lang alam kong may hindi na tama sa nararamdaman niya.  Hindi siya nagsalita so I speak again.  “Masyado ba akong mabilis? Alam kong hindi dapat ako ang gumagawa nito but I want you to be happy and you can do this also to me, soon, I will be happy, but this time let me, let me propose with you.” Pinilit kong maging masaya at ngumiti kahit na nakikita ko sa reaksyon niya na hindi niya nagustuhan at inaasahan ang ginawa ko.  Nakatungo lang siya habang mahigpit niyang hawak-hawak ang kamay ko. So I decided to take his hold on me. Kinuha ko ang singsing sa kahon and I ask him again.  “Gio Rivera, will you marry me?” pag-uulit ko. Unti-unti niyang ibinangon ang ulo niya at pumantay ang tingin niya sa akin. Patuloy sa pagragasa ang luha niya samantalang nagkakarera naman sa kaba ang dibdib ko.  “Danica, I-I’m sorry.”  “H-Ha? Bakit ka nagsosorry? Sorry para saan? Just say yes, Gio. Mahal mo ‘ko hindi ba?” hindi mapakaling tanong ko.  Tumango-tango siya habang pilit niyang pinipigilan ang mga luha na gusto ng lumandas galing sa mga mata niya.  “But Danica… I can’t… Hindi sa hindi ko kaya. Hindi pwede… Hindi tayo pwede.” Halos umawang ang bibig ko nang marinig ko ang sinabi niya. Tila parang binuhusan ako ng malamig na tubig and I can’t even say a word for a minute. Bigla na lang may lumandas na luha mula sa mata ko nang maramdaman ko na tila may matulis na bagay ang sumaksak at pumunit sa puso ko.  “W-What do you mean you can’t? Binibiro mo ba ‘ko? Mahal mo ‘ko hindi ba? Bakit hindi pwede? Matagal na tayong mag ka relasyon tapos sasabihin mo ‘yan sa akin ngayon? Are you pranking me, Gio? Just please… S-Stop. Hindi magandang biro ‘yung sagot mo.”  “N-No,” matipid na tugon niya.  “Anong hindi, Gio? H-Hindi kita maintindihan. May problema ba?” “Danica… I’m sorry kung sinira ko ang gabing ito para sa’yo. I didn’t really expect these surprises. I just came here because I want to talk to you,” seryosong sabi niya.   “Talk? May dapat ba tayong pag-usapan? May dapat ba akong malaman?”  “Danica, I’m leaving tomorrow.”  “Leaving?”  Nangunot ang noo ko. Tumango siya.  “Aalis na ako at hindi na ako babalik pa.”  “WHAT?” Para akong nabingi sa narinig ko. Ano ba ‘tong sinasabi niya?  “I’m leaving you, Danica,” pag-uulit niya.  “At saan ka naman pupunta? Bakit ka aalis? I can go with you! ‘Yun lang ba ang problema mo? Or kung hindi ako pwedeng sumama, hihintayin naman kitang bumalik eh. B-Bakit pinapatigil mo ‘kong magpropose sa’yo? H-Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin ang ginawa mo?” Medyo humina ang boses ko dahil hindi ko mapigilang humikbi sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kasi akalain na ganito ang isasagot niya sa akin dahil inaasahan ko na tatanggapin niya ‘yung alok ko na pakasalan niya ako. It turns out it’s not what I expected.   “Danica, sana maintindihan mo ‘ko. Napagdesisyunan ko nang pumasok sa seminaryo. Gusto ng mga magulang ko na pagsilbihan ko ang diyos that’s why I took my course, Philosophy. Alam mo namang dahil sa diyos kung bakit nabuhay ako sa mundong ‘to. Isa akong miracle baby. Wala sana ako rito, kasama ka, kung hindi niya ibinalik sa akin ang buhay ko. Alam kong matagal mo na akong tinatanong kung bakit iyon ang kurso na kinuha ko at ito… Ito ang rason. Danica, magpapari ako at alam naman natin na hindi ako pwedeng mag-asawa pag iyon ang landas na pinili ko. I’m sorry… Patawarin mo sana ako kung hindi ko sinabi sa’yo. I’m really sorry. I’m sorry dahil minahal kita and I’m sorry kung kailangan kitang iwan.”  Halos parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo ko dahil sa narinig ko. Iwan? Is he breaking up with me? “Gio anong sinasabi mo? Anong magpapari? Anong seminaryo? Anong iiwan? Iiwan mo ‘ko? Gio! Ang tagal na nating nagsasama tapos iiwan mo ‘ko ng gano’n-gano’n lang? Bakit parang ang dali sabihin para sa’yo ang bagay na ‘yan? At magpapari ka? Bakit hindi mo ‘to sinabi sa akin? B-Bakit isang bagsakan? Gio naman eh! Hindi na nakakatuwang biro ‘to! Please! Bago ako maniwala bawiin mo lahat ng sinabi mo!”  “Danica, it’s true. Pumunta ako rito dahil gusto ko ng tapusin ‘yung namamagitan sa ating dalawa dahil ayokong iwan ka na walang alam. Ang tagal kong pinaghandaan ang araw na ‘to at alam kong walang kapatawaran ‘tong ginawa ko sa’yo. I’m sorry… Patawad din kung sinira ko ang gabing ito I just didn’t expect you have your surprises for me. Hindi ko intensyong sirain ang mga surpresang ginawa mo.”  “Are you… Are you breaking up with me?” namamaos kong tanong.  Hindi ako makahinga at patuloy pa rin ‘yung pananakit ng dibdib ko. Sana masamang panaginip lang lahat ng ito. Sana hindi ‘to totoo.  “Danica… I’m sorry… Masakit man para sa akin ang desisyon ito but yes, I’m breaking up with you… I’m sorry if I need to do this. Wala akong choice.”  Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko siya. Nagharap kaming dalawa habang patuloy pa rin sa paglandas ang timbang-timbang luha sa mata ko. “Anong walang choice? You can choose your own path, Gio! Hindi mo kailangan sundin ang gusto ng magulang mo kung hindi mo ‘yun gusto. Gio! Huwag mo ‘kong iwan. Huwag ka namang ganyan!”  “Mahal kita, Danica, pero mas mahal ko ‘yung pamilya ko. Patawarin mo ‘ko…”   Dahil sa galit at inis na nararamdaman ko, sinuntok ko ang dibdib niya ng paulit-ulit.  “Alam mo, Gio, napakaduwag mo! Kung hindi mo pala ako kayang ipaglaban hanggang huli bakit pinatagal mo pa ‘to? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin ‘yang mga salitang binibitawan mo? Sobrang sakit, Gio, at para akong pinunit ng paulit-ulit sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na kailangan mo pang pumili sa ‘min ng pamilya mo. Kaya ba hindi mo ‘ko kayang ipakilala sa kanila? Dahil natatakot ka? Natatakot ka na baka itakwil ka nila at maging isa kang malaking disgusto dahil nga malaki ang tiwala nila sayo na magpapari ka? Gano’n ba?” “Danica… Patawarin mo ‘ko…”  “NO! Napaka-unfair mo! Sobrang unfair mo, Gio! Kasama ka sa pangarap ko eh! Kasama ka sa plano ng buhay ko! All these years na nagsama tayo, hindi ko akalain na wala ako sa plano mo. Hindi ko akalain na wala ako sa pangarap mo! Pinaasa mo ‘ko. Gio! Pinaasa mo ‘ko! Minahal mo ba talaga ako? Bakit nagsinungaling ka sa akin? Dapat una palang sinabi mo na sa akin na hindi mo kayang panindigan ‘yung pagmamahal mo. Dapat una pa lang bago ako nahulog ng lubusan sa’yo, sinaktan mo na ako para hindi na ako nag settle sa’yo. Hindi na sana ako umasa na ikaw na ‘yung lalaking para sa akin hanggang dulo. Bakit naman gano’n, Gio? Napaka-unfair mo! Napaka-selfish mo!”  sigaw ko habang umiiyak at patuloy sinusuntok ang dibdib niya.  “Hindi ko intensyon na saktan ka. Mahirap din para sa akin ang desisyong makipaghiwalay sa’yo dahil mahal na mahal kita. Minahal kita, Danica. Alam kong naramdaman mo ‘yun. Alam kong alam mo ‘yun. Kailangan ko lang gawin ito dahil may sakit ang tatay ko, at wala akong kasiguraduhan kung hanggang kailan na lang siya mananatili sa mundong ito. Ito ‘yung pangarap at huling hiling niya para sa akin. Noon pa man, handa na akong isuko ang kagustuhan nila na magpari ako simula nang makilala kita pero Danica… Nung malaman ko ang kalagayan ni papa, wala akong magawa eh. Gusto kong matupad ang pangarap niya para sa akin dahil alam kung du’n siya sasaya. Danica… I’m sorry… Gusto kitang ipaglaban pero baka hindi talaga tayo ang tinadhana ng diyos para sa isa’t-isa. Baka ito naman talaga ang gusto niya para sa akin, ang pagsilbihan siya. I’m sorry… Hindi ko hihilingin na patawarin mo ‘ko pero sana maintindihan mo ‘ko kung bakit ko ginawa ito. I’m sorry, Danica. I’m sorry…”  Akma na sana siyang lalapit sa akin para yakapin ako pero lumayo ako sa kanya. Patuloy ako sa pag-iyak at tumingin ng direkta sa mga mata niya.  “Wala na ba akong magagawa para hindi mo ‘ko iwan? Wala na bang pag-asa na piliin mo ‘ko? Gio… sobrang sakit para sa akin ‘to pero kung para sa pangarap mo at ng pamilya mo, sige… Ibibigay ko sa’yo ‘yung kahilingan mo. Maghiwalay na tayo. Pero Gio, nandito lang ako. Pag nagbago ‘yung isip mo, huwag ka magdadalawang isip na balikan ako. Mahal na mahal kita at tatanggapin pa rin kita ng buong-buo.” Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong humagulgol ng iyak. Yumuko ako at itinakip ko ang palad ko sa mukha ko.  Hinablot niya ang braso ko at hinila niya ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit pero hindi na ako pumalag. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang mga yakap niya. Alam kong ito na ‘yung huling pagkakataong mararamdaman ko ‘to kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong yakapin niya.  “Thank you, Danica… I’m sorry. Alam kong makakatagpo ka pa rin ng para sa’yo. I wish you all the best. Take care of yourself dahil wala na ako sa tabi mo para alagaan ka. Hinding-hindi kita makakalimutan. Ipagdadasal kita palagi. Tandaan mo ‘yan. Paalam, Danica.” Ito ang mga huling salitang narinig ko sa kanya matapos niya akong talikuran at iwan sa condo ko na mag-isa at luhaan. Pinagmasdan ko ang likuran niya hanggang sa mawala ang pigura niya sa paningin ko.  Nanghina ang mga binti ko kaya naupo ako sa sahig habang patuloy umaagos ang mga luha sa mata ko na parang isang talon na ayaw ng tumigil sa pagbuhos.  Hindi ko inaasahan na ‘yung lalaking minahal ko ng ilang taon ay kaya akong saktan at iwan ng gano’n kadali. Hindi talaga nasusukat ang relasyon sa tagal ng pagsasama, noh? Dahil may isa talagang rason kung bakit kailangan nating bitawan ang isang tao. Ano nga bang laban ko sa pangarap niya? Sa loob ng apat na taon naming pagsasama, ngayon ko lang nalaman na hindi ako kasama sa mga plano niya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.8K
bc

His Obsession

read
99.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook