PRINSESA PRIYA Nang sumapit ang tanghali ay ipinatawag na ulit ako ni ama kaya muli akong nagsuot ng kasuotan na pang maharlika para sa pagharap sa lupon. Pagkarating ko sa bulwagan ay naroon na rin silang lahat. Nasa maliit na entablado ang aking ama habang nasa harapan naman niya si Amir at si Fernan nakatayo at sabay silang napatingin sa pagdating ko. Habang nakaupo naman sa likuran ng entablado ang matandang lupon. Tumayo ako sa gilid ni Ama at si Ina naman ang nasa kabila. “Umpisahan na natin ang mahalagang anunsyo!” Malakas na sabi ni Ama upang marinig ng lahat. “Narito sa aking harapan ang dalawang binata na magtutungali upang maging kabiyak ng aking anak na si Prinsesa Priya! At dahil siya ang susunod na magiging ina ng tribong Mandan. Sino man sa inyong dalawa ang magtagum