Halos hindi makahinga si Savannah sa sobrang tuwa pagkatapos marinig ang ibinalita sa kanya ng kanyang abogado. “S-sigurado po kayo, Atty.?” muling tanong niya rito na hindi pa rin makapaniwala sa magandang balitang hatid ng abugado. “You heard it right, Savannah. With your behavior and ethical work and concern with your inmates brought your sentence to reduce to two years. At malaking bagay ang ginawa mong pagligtas sa binatilyong na-hostage. Kung hindi dahil sa ginawa mo ay siguradong hindi kakayanin ng batang iyon ang umabot sa hospital.” Hindi niya mapigilang kagatin ang labi habang nakangiti. Iginalaw niya ang mga kamay na nakapatong sa mga hita niya at mariing pinisil iyon. Indeed! She was not dreaming. Sa wakas, dininig din ang dasal niya. Lahat ng sakripisyo at pagtitiis niya