Matapos ang tatlong pong minuto ay bumalik sina Charlie sa courtroom. Babasahin na daw ang verdict ng judge. Kinakabahan siya na talaga siya sa maaring desisyon ng korte. “Relax, we still have hope. Wala pang 7 anyos si Charrie. Ipagdasal na lang natin na tayo ang papanigan ng judge,” pampalakas loob ni Matthew kay Charlie May “San nga, sana nga,” sagot ni Charlie May. “I’m here for you, okay? Don't stress yourself too much,” sabi ni Matthew. Tumango na lang si Charlie May at hindi na nagsalita pa. Tahimik na lang siyang umupo sa pwesto habang hinintay ag muling pagpasok ng judge. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ana prenting-prente lang sa kinauupuan nito si Mr. Tolentino. Di nagtagal ay muling pumasok ang Judge sa courtroom kaya tumahimik na ang paligid. Sumenyas lang ito