CHAPTER 40 BREANA’S POINT OF VIEW Pagbaba ko ay buo na ang aking ngiti. Nilapitan ko si Carlo at hinalikan muli sa labi saka ko siya inakbayan. Magkahawak-kamay na lumapit sa amin sina Anne at Arwin. Hindi ko titignan si Arwin sa mga mata. Nagdesisyon akong tuluyan ko siyang huwag tignan para hindi masaling yung rubdob ng aking pagtatangi sa kaniya. Iyon lang ang defense mechanism ko para hindi na masaktan at para makontrol ko ang aking nararamdaman. "So, mukhang okey na kayo. Sunod na lang kayo sa amin?" si Anne. Sumagot si Carlo. Nakangiti lang ako. Kay Carlo ako nakatingin at hindi sa kanilang dalawa. Pumasok muna si Arwin sa CR habang naghihintay kami ng order namin. Kanina ko pa siya gustong kausapin. Iyon na yung pagkakataong hinihintay ko. Kailangan ko siyang sundan. Naghuhuga