Chapter 39 Breana's Point of View Pagdating namin sa Manila at tinanggal ni Arwin ang palad niya sa palad ko ay alam kong babalik na kami sa realidad. Yung katotohanang may mga karelasyon kaming naghihintay sa aming pagbabalik. Hinawi ko ang kurtina. Nakita ko si Carlo, nakasandal sa kotse niya. Malungkot ang mukha. Bigla akong nakaramdam ng awa. Wala siyang ginawa sa akin para suklian ko siya ng p*******t. Gusto ko siyang mahalin tulad ng dati ngunit bigla na lang siyang nawala sa puso ko at kahit anong gawin ng isip kong ipaintidi na siya ang dapat itibok ng aking puso ay hindi ko magawa. Ngunit paano ko siya bibitiwan kung alam kong hindi rin naman bibitiwan ni Arwin si Anne. Ayaw kong darating yung araw na kapag bitiwan ko si Carlo at mawawala rin sa akin si Arwin at sa huli, maii