CHAPTER 38 Naging maayos kaming dalawa mula nang sandaling iyon. Naligo kami sa dagat na kami lang dalawa. Nagharutan, naghabulang parang mga bata. Nandiyang ibinaon ko siya sa buhangin. Gumawa ng kastilyo sa tindi ng sikat ng araw. Uumbok ng buhangin at magpapakuha ng litrato sa kaniyang parang tae ko iyon. Simple lang naman ang mga ginagawa kong iyon ngunit di ko alam kung bakit sobra kung makatawa siya. Minsan nga kahit nga wala siyang ginagawa ay natatawa rin ako sa kaniya. Basta ang gaan lang ng pakiramdam. Walang mali. Walang kasarian. Parang tama lang ang lahat. Pag-ibig kaya iyon? Pagmamahal na kaya ang bumubuklod sa aming dalawa? Yung masaya ka lang kahit walang ginagawa yung iba para pasayahin ka. Yung kasama mo lang siya ay ramdam mong buo na agad ang araw mo. Wala kang hinah