CHAPTER 36 BRIENA’S POINT OF VIEW "Bakit ka naman ganyan?" sinabayan ko siya sa paglalakad niya kasi pagkaabot niya ng tubig sa akin, tinangka na niyang tumalikod at lumayo. "Ang alin na naman?" iritado niyang tanong. Kunot na ang noo. "Yan, yung ganyan, napaka-distant mo uli. Akala ko pagkatapos na may mangyari kagabi, ayos na tayo. Na nagkakaintindihan tayo." Lumingon siya at siniguradong walang nakarinig sa sinabi ko sa kaniya. Huminto at hinarap niya ako. "Naglalaro pa tayo ah! Pare, nakakalimutan mo na ba ang PARE-PAREHAN ZONE nating kasunduan? Ikaw mismo ang naglagay sa atin sa zone na 'yun. Nililinaw ko uli sa'yo ah, hindi tayo, kaya huwag ka sana namang umastang parang babae na kailangan kitang alagaan o kaya pakitunguhang parang syota ko." "Hindi ko naman hinihinging gano'n