Chapter 18 Breana's Point of View "Ano pang hinihintay mo, Mr. Arwin Santos na hinangaan ko pa man din ng husto? Ikaw na ba mismo ang magsasabi kay…” mariin kong hinawakan ang braso ni Carlo. Gusto kong ipaalala sa kanya na importante sa aking maitago ang tunay kong pagkakakilanlan. Huminga ito nang malalim. “Ikaw na mismo ang magsasabi kay Brent sa ginawa mo o ako?" "Sandali, anong nangyayari dito?" tanong ko. Kinutuban ako ng hindi maganda. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nalilito ako. Nakita ko agad sa mukha ni Arwin ang takot. Kinutuban na ako nang hindi maganda. Buong akala ko kasi, na kay Carlo lang ang inhaler ko ngunit sa mga naririnig at nasasaksihan ko ngayon, nagdududa na akong may kinalaman si Arwin. Napabuntong-hininga lang si Arwin. Ibinulsa niya ang