CHAPTER 11 Kitang-kita ko ang pagbasa ng dila niya sa kaniyang mamula-mulang labi. Sa pagbunot niya ng malalim na hininga ay tuluyang lumabas ang mapupungay niyang mata hanggang nang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ay siya namang paglabas ng kaniyang mga biloy. Fuck! Ngayon lang sa buong buhay ko nakipagtitigan sa kagaya ko ng kasarian. Oo, naging expert ako sa pagpapasaya sa mga baklang pinarehan ko noon ngunit ni minsan hindi ko nagawang makipagtitigan. Ni hindi ko naranasang nagpahalik sa labi. Ngayon lang ako nakipagtitigan ng malapitan. "Pasensiya na p're," inilahad niya ang kaniyang palad. "Ngayon ko lang ibababa ang pride ko dahil minsan sa buhay ko, nailigtas mo ako sa kapahamakan. Iyon lang p're. Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit ako nagpapakumbaba sa'yo ngayon. N