PAGKAKATAON

1368 Words

CHAPTER 19 BREANA’S POINT OF VIEW Gusto ko ang deal namin. Gusto kong tuluyan na siyang mawala sa buhay ko. Gusto kong maglaro ng walang kaaway. Papatawarin ko siya. Kakalimutan ang lahat nguit hindi nangangahulugang hindi ko siya lalabanan sa loob ng basketball court. Magkakampi man kami o hindi, gusto kong ipamukha sa kaniya na kaya ko siyang tapatan, kaya ko drin namang mapabilang sa kaniyang team. Hindi na lang ito para kay Brent, para na rin sa sarili ko. "Puwede ka nang mauna," garalgal ang boses ko. "Sige. Tuloy na ako. Makakaasa kang ito na ang huling mag-uusap tayo bilang..." tumigil siya. Ako man ay napaisip. Magkaibigan ba talaga kaya kami? Noon 'yun, sila ni Brent kasi alam ko namang wala siyang alam tungkol sa akin. Wala naman talaga siyang kilalang Breana kundi si Bre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD