CHAPTER 31 BREANA’S POINT OF VIEW Si Arwin man ay alam kong natamaan na rin. Nang oras na para ipasok ko ang pagkanta sa paggigitara niya ay tumingin siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Kumukumpas pa ang ulo na parang dinadama niya ang bawat pagdantay ng kaniyang mga daliri sa kuwerdas ng gitara. Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Lalo tuloy naging malakas ang dating niya sa akin. Lalong parang nalulunod na kami sa aming nararamdaman sa isa’t isa. No one ever saw me like you do All the things that I could add up too I never knew just what a smile was worth But your eyes say everything without a single word Nang marinig ng team ang boses ko ay nagpalakpakan sila. Ang ilan ay narinig kong pumito pa ngunit nang mga sandaling iyon, si Arwin lang ang nakikita ko. Hindi na niy