CHAPTER 12 Sandali kaming nagkatitigan Napahiya ako. Hindi ko alam kung bakit biglang gano'n ang nangyari. Gusto kong patungan ang kahihiyang iyon. "Tang-ina! Hindi ka makuha sa pakiusap ha!" Isang malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko. Ngunit hindi siya nagpatalo. Naramdaman ko ang malakas din niyang pagsuntok sa sikmura ko. Nanigas iyon at nahihirapan akong huminga. Naglayo ang dati ay magkalapat naming katawan. Humihingal ako at siya man ay sapo niya ang sinuntok kong panga niya. Kitang-kita ko ang epekto ng p*******t ko sa kanya. Tumaas ng bahagya ang manggas ng kanyang sando. Nakita ko ang maputi at magandang hubog ng kanyang katawan. Hindi iyon katawan ng isang lalaki. Katawan ng isang seksing babae. Kaya lang sandaling-sandali lang iyon. Napadaan lang aking paningi