CHAPTER 43 BREANA’S POINT OF VIEW Namilog ang aking mga mata. Hindi koi yon in-expect. Sa wakas sinabi na niya. Sa wakas, narinig ko na! “Anong sabi mo?” “Mahal kita. Brent, mahal na mahal na kita.” “Oh my God!” napalunok ako. “Ibig sabihin tayo na? May karapatan na ako sa’yo?” Tumango siya. Naluluha. "Ilang gabing hindi ako makatulog Arwin, iniisip kita. Hindi ako mapakali at parang nasisiraan ako ng ulo dahil gustung-gusto kitang makita pero paano kung alam kong bantay-sarado ka ni Anne?" "Talaga? Gumawa ka ba ng hakbang para makita mo ako at makausap? Hindi Brent! Walang gano'n. Wala kang ginawa!" "Pa'no mo nasisigurong walang gano'n?" "Sigurado ako dahil ilang beses akong palaging naghihintay ako sa tapat ng bahay ninyo. Nakamotor lang ako, umaasang matyempuhan kita sa la