CHAPTER 23 BREANA’S POINT OF VIEW Dahil maayos na ang kalagayan ni Arwin at parang hindi ko natatagalan ang ginagawa nilang paglalampungan at paglalambingan ni Anne sa harap ko kaya niyaya ko na si Carlo na umuwi at magpahinga. Mahirap kasing tumawa at ngumiti kung di naman talaga iyon ang nararamdaman mo. Hindi madaling bolahin ko sila kung gaano nila kamahal ang isa't isa dahil alam kong may mali sa nararamdaman ko. Hindi tama ngunit di ko alam kung paano pa pigilan ang sarili kong hindi umasam. Alam kong mali at wala ring mangyayari ngunit bakit parang isang lindol iyon na bigla na lang itong darating para buwagin ang buhay ko at wala akong magawa kundi ang ayusin ang nagibang pagkatao ko. Iyon nga lang, hindi ko alam kung paano magsimula at kung paano buuin muli ang buhay kong ginib