CHAPTER 28 “Kaya pa?” tanong sa akin ni Brent nang pumasok ako sa kanyang kuwarto. Matatanggal na ang semento ng kanyang mga bali. “Kaya pa naman.” Malungkot kong sagot. “May problema ba?” “Wala.” Maikli kong sagot saka ako pabagsak na umupo sa sofa malapit sa kama niya. “Hindi mo ako maloloko. Ramdam kong may mali. Ano ‘yon?” Huminga ako ng malalim. Sobrang hirap na sa akin na kimkimin ang lahat. “Nadale ako e.” “Nadale saan? Sa laro?” salubong ang kilay na tanong ni Brent. “Sa puso. Kay Arwin.” “Kay Kuya Ar-ar? Paanong nadale ang puso mo? Mahal mo na siya?” Tumango ako. “Puta! Paano ‘yon? Nararamdaman ba niya? Mukha ko at identity ko ang dala mo e. Baka isipin niyang bakla ako.” “Okey bang aamin na ako sa kanya?” “Nangako ka sa akin na walang ibang makakaalam. Kung aamin k