CHAPTER 54 ARWIN’S POINT OF VIEW Game 2 kami sa araw na iyon at 5:45 PM ang schedule ng laro namin. Kailangan ko nang gumayak sa oras na alas tres ng hapon. Panay pa rin ang tawag at text ni Anne. Mukhang hindi naman siya natulog dahil walang tigil ang kanyang pagpaparamdam. Pagdating ko sa locker room namin ay wala pa si Breana. Nakapagpalit na kaming lahat ng jersey uniform at sinasabihan na kami ni Coach na tawagan si Teng kung nasaan na siya nang makapaghanda na. Nang kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siyang muli ay siya naman niyang pagpasok. Nakipag-apiran siya sa mga kasamahan namin at minadali siya kaagad ni Coach na magbihis na para sa aming laro. Magkatabi lang ang locker naming dalawa. Nang nagtagpo ang aming mga mata ay siya ang unang nagbaba. Napakarami kong guston